Chapter 5

12.2K 118 2
                                    


CHAPTER 5

"DOK kumusta po ang mama ko? Okay lang po ba siya?" Paris asked as soon as the doctor entered the room. Nandito rin sina Arosha at Emy, sumunod pala ang dalawa sa kanya.

"I won't beat around the bush. She's not okay. Habang tumatagal palala ng palala ang sakit niya. She needs to undergo the surgery as soon as possible. It's a good thing that you brought her to this hospital dahil alam ko na ang sakit niya–"

"T-teka, ano po'ng ibig niyong sabihin? Surgery? N-nagkakamali po ata kayo. May sakit po ang inay pero ang sabi niya ay hindi naman po ganun kalala. Kaya bakit kailangan pa niyang maoperahan?" Naguguluhan siya sa sinasabi ng doctor. Kahit ang dalawa niyang kaibigan ay nalilitong nagkatinginan. Kahit sila ay naguguluhan dahil naroroon din sila tuwing sinasabi ng mama niya ang resulta ng pagpapacheck-up nito.

Ngunit tinaasan lang siya ng kilay ng doctor. "With all due respect, your mother or that woman lying over there has been my patient for a year now." Sabay turo sa kanyang inang nakahilata sa kama. "Now, how could you say that I'm wrong?" Nagulat siya sa sinabi nito at hindi agad nasagot ang tanong ng doctor.

1 year? Sa pagkakaalala niya, 1 year ago nagka mild stroke ang mama niya. Pero hindi sa hospital na ito isinugod dahil mahal dito. Isa pa sabi ng mama niya sa public hospital lang ito nagpapa tingin sa doctor, hindi naman kasi niya ito masamahan tuwing may check-up ito sa kadahilanang kailangan niyang magtrabaho.

"Your mother has a Coronary heart disease.''

Hindi siya agad nakaimik. Para siyang nabingi sa kanyang narinig. Tumingin siya sa kanyang inang walang malay sa kama. Paano niya naitago ang sakit nito sa kanya?

"I see... Not that I'm meddling with your personal life ma'am but this is a matter of life and death. According to her hospital records she had a mild stroke last year. You should have been very careful about your mother since then. Having a Coronary heart disease is a very serious matter–"

"Hoy doctor quack quack! Manggagmot ka ba o padre? Hindi kami pumunta dito para masermonan. Magagamot ba ng kakaputak mo yung mama ng kaibigan namin. Hindi yang trivia mo ang kailangan nami–hmmp."

"Ano ka ba naman Emy. Aah Ash pasensya ka na sa kaibigan ko ha? Baliw lang talaga siya. Salamat." Paumanhin ni Arosha sa doctor pero hindi siya nito pinansin at lumabas.

"Kilala mo yung bastos na yun Arosha?!" Agad na tanong ni Emy pagkatanggal na pagkatanggal ng kamay nito sa bunganga niya habang si Paris naman ay umupo sa tabi ng kanyang ina.

"Emy sino bang hindi nakakakilala sa kanya eh si Ash Fortalejo yan. Ano ka ba naman! Siya ang may ari ng hospital na kinatatayuan mo ngayon!"

"Mama bakit naman hindi mo sinabi sa akin?" Tanong niya sa mama niya kahit alam niyang hindi siya nito naririnig. Napatigil naman ang dalawa sa pag babangayan.

"A-ah Paris iiwan na muna namin kayo ha? Babalik nalang kami mamaya, ipagpapaalam ka na din namin kay boss na hindi ka makakapasok. Tapos ikukuha nalang din namin kayo ng damit sabi kasi ng nurse kanina kailangan niyong mag stay dito hanggat hindi pa naooperahan si tita."

Pagkalabas ng dalawa ay hindi na niya napigilan ang paglabas ng mga luha niya. Napahagulgol siya habang hawak hawak ang kamay ng mama niya hanggang sa nakatulog siya.

NAGISING si Paris ng maramdaman niyang may humahaplos ng buhok niya. Iminulat niya ang mata niya at nakita niya ang kanyang ina. Nasa hospital parin sila.

Akala ko masamang panaginip lang.

"Anak."

Muli na namang bumuhos ang mga luha niya. "N-nay. Bakit hindi mo sinabi sa akin?"

Napayuko naman ang mama niya at hindi narin napigilan ang umiyak. "Ayoko na kasing maging pabigat sayo anak eh. Halos 4 na oras na lang nakakatulog araw araw, pagod ka pa. Sobrang bigat at sakit ng nararamdaman ko tuwing nakikita kitang nahihirapan dahil sa akin. Na naghihirap ang anak ko ng dahil sa akin."

"Nay naman! Alam mo naman na gagawan ko ng paraan eh–"

"Yun na nga anak eh! Gagawa at gagawa ka ng paraan kahit na nahihirapan ka na at hindi mo alam kung gaano kahirap para sa akin na panoorin kang nahihirapan! Kung paano mo tinatago dyan sa mga ngiti mo ang kalungkutan mo at kung paano mo itago sa akin ang panghihina mo sa tuwing may sakit ka para lang makapagtrabaho at mapakain ako! Alam mo ba kung gaano kasakit yun ha?! Kung mamamatay man ako...anak hayaan na natin–"

"Nay hindi. Gagawa ako ng paraan. Kung kinakailangang kong humanap ng iba pang trabaho, hahanap ako at gagaling ka. Walang mamamatay nay." Determination sagot niya rito. Ang hindi nila alam ay may taong lihim na nakikinig sa kanila at agad din namang umalis dahil may dalawang dalagang paparating.

"Anak tama-"

"Nay naririnig mo ba yang sinabi mo ha?! Kung ayaw niyo akong nakikitang nahihirapan eh bakit gusto niyo akong iwanan. Hindi niyo ba naisip na kung nawala kayo mas lalo akong maghihirap?! Nawala na sa akin si kuya nay at kung pati ikaw mawawala baka hindi ko na kayanin at mabaliw ako! Kaya hinding hindi ako titigil hanggat hindi ka gumagaling." Hindi na napigilan ni Paris at nasigawan niya ang kanyang ina sakto naman na pumasok sina Emy.

"Paris anong nangyayari? Bakit ka...sumisigaw?" Nagulat ang dalawa sa nadatnan nila.

"Pakibantay muna si inay. May pupuntahan lang ako." Sabi niya at agad na lumabas ng ng kwarto.

"Paris anak bumalik ka dito!" Narinig niyang tawag sa kanya ng mama niya pero hindi niya ito pinansin at deretso lang sa paglalakad habang pinupunasan ang kanyang mga luha.

Nasa pinto na siya ng hospital at malalim ang iniisip. Ngayon saan ako magsisimula? Tanong niya sa sarili habang nakayuko ng may makabangga siyang tao.

"Ay jusko!"

"Nako sorry po. Sorry po talaga. Hindi ko po kasi tinitignan yung dinadaanan ko eh." Hindi niya ng tawad at tinulungan niya ang ginang na pulutin ang gamit nitong nahulog, nang may makita siyang invitation. Isang women auction? Biglang may pumasok sa isip niya. Ipinilig niya ang ulo niya at pilit na tinatanggal ang kabaliwang pumasok dito.

"Iha ok ka lang?" tanong ng ginang sa kanya.

"Ah o-ok lang po ako." Aalis na sana siya ng pigilan siya nito.

"Do you perhaps want to join the auction?"

And that was the hardest decision she ever had to think of.

~0~0~0~0~0~

XOXO

BDSM 1: Damon StavrosWhere stories live. Discover now