"Pero paano kita paniniwalaan kung kabaliktaran naman ang ipinapakita mo?"

"Paano rin kita paniniwalaan kung pilit mong binubuhay ang taong patay na? Nahihibang ka na ba? Patay na si Celine! Sige nga! Paano mo siya makikita? Nabuhay tulad ng mga zombie?" anito at sinabayan ng nang-aasar na tawa.

Napailing si Jess at hinayaan na lang ang pang-aasar. "Totoo ang nakita ko! Nakita rin 'yon ni-" Natigilan siya nang mapansing wala si Christian para suportahan siya. "Maniwala ka man o hindi, nakita mismo ng dalawa kong mga mata!"

"Jess," at hinawakan nito ang kanyang balikat. Nakaramdam siya ng kakaiba. Nanginginig ang kamay nito. "Alam kong mahirap pero sana pagkatiwalaan mo ako."

Tumango na lang siya upang hindi na humaba pa ang pag-uusap. Pero alam niya ang itinatago pang sikreto ng dalaga. May bagay na nag-uugnay sa kanila ni Celine at 'yon ang dapat niyang alamin. Ano pa ba ang malalaman niya sa dalaga na maaaring ikagulat ng lahat?

Ilang oras na rin ang nakalilipas nang maggising sila. Wala pa rin silang makitang ebidensya na makapagtuturo sa nawawala nilang mga kasamahan.

Habang abala sa paghahanap sa iba pang kasamahan, nakarinig sila ng kalabog mula sa taas. Nagkatinginan sila at nag-uunahang makaakyat mula sa hagdan. Mula ang kalabog sa dulong kwarto sa kanan ng ikalawang palapag.

Hinawakan ni Jess ang knob ng pinto pabukas nang bigla silang makarinig ng dalawang malalakas na putok ng baril. Nakabibingi. Halos mapayuko tuloy silang dalawa sa takot na nagpaulan na naman ng bala ng baril ang killer. Ngunit iba ang kanilang natunghayan. Nabigla sila sa kanilang nakita nang isa sa kanilang kasamahan ay may tama ng baril sa dibdib.

"Wilma! Christian!" parehas nilang sigaw.

Napuno ng dugo ang sahig dahil sa tama ng baril sa dibdib ni Wilma na agad din namang bumawi ng kanyang buhay. Samantala, nakatumba naman ang silyang kinagagapusan ni Christian na marahil ang dahilan kung bakit nakarinig sila ng kalabog. Mapalad ito na nakaiwas sa tama ng baril.

"Oh ghadd! Patawarin mo kami Wilma. Hindi namin sinasadya," ani Alex na napatakip ng bibig.

Napansin nila na sa kanilang paghila ng pinto ay siya ring saktong pagputok ng baril. May nylon na nag-uugnay sa doorknob at gatilyo ng baril na kapag hinila palabas ang pinto ay siya namang pagputok ng baril.

"Wilma..." naiiyak na sambit ni Jess nang lumapit siya sa kalunos-lunos na sinapit ng kasamahan. Tinamaan sa utak si Wilma, sargong-sargo na bumasag ng kanyang utak upang mawakasan na ng tuluyan.

Matapos kalagan si Christian, umakap si Alex kay Jess upang aluin. "Buhay pa tayo. Huwag kang panghinaan ng loob. Kakayanin natin 'to. Hindi natin sinasadya ang nangyari kay Wilma," nangangarag na ang boses nito na tila maiiyak na rin.

"Papatayin ko siya kapag nakita ko siya! Ipararanas ko sa kanya kung paano ang magmakaawa!" nakatiim bagang na anunsyo ni Christian.

"Tayo naman ang gagawa ng paraan para pabagsakin siya. Siya naman ang huhulihin natin. Siya naman ang paglalaruan natin," saad ni Jess.

Tinakpan nila ng puting tela ang duguang katawan ni Wilma bago nilisan ang kwartong iyon. Sa tingin nila, bawat kwarto sa resort na ito ay nadungisan na ng mantsa ng dugo. Bawat kwarto ay may kwentong hindi nila nanaising marinig. Lahat ng kwarto ay saksi ng isang krimen na walang habas at awang pagpatay sa nagiging biktima.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Alex nang hindi dumiretso si Jess pababa ng hagdan upang sabayan sila.

"May kukunin lang ako," aniya. "Mauna na kayong bumaba."

Nang makaalis ang natitira pang kasamahan, pumasok siya sa kwarto ni Lyra. Natigilan siya nang may mapansing kakaiba. Ipinagsawalang-bahala na lang niya iyon at kinuha ang kakailanganin sa kwarto ni Lyra. Matapos 'yon ay bumaba na siya para daluhan sina Christian at Alex sa baba.

Nagpalinga-linga siya upang hanapin ang dalawa.

"Alex? Christian?" marahan niyang tawag sa dalawa. Maiigsi ang kanyang mga hakbang. Nakararamdam siya ng panganib sa paligid.

Mula sa nakikita niya sa dulo ng kanyang mga mata, dalawang bagay ang kumikilos papalapit sa kanya. Nang mapadako ang kanyang mga mata sa direksyong iyon, natagpuan niya sina Alex at Christian na kapwa matatalim ang mga matang nakatingin sa kanya.

"Huli ka!" sambit ni Christian.

"A-Anong ginagawa niyo sa akin?" protesta ni Jess nang bigla siyang puluputan ng tali ni Alex.

"Let's just say. We won this time," anunsyo ni Alex at inilapat sa ilong ni Jess ang isang panyo.

Hindi niya inaasahang may kemikal pala ang panyong iyon na agad ding nagpatumba ng kanyang malay. Huling nakita na lang niya ang kapwang nakangisi na sina Alex at Christian.

A/N: Sino'ng may hula kay Christian at Alex? Taas kamay! Hahahaha. May nawindang ba? LOL. Kaunti na lang. Kapit lang, guys. Parang pagkapit natin sa taong hindi naman tayo mahal. Dejk. Thank you sa pagbabasa! Don't forget to leave comments. :)

Red Tape (Book Two of Red Ribbon)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt