TGWR 10

18 1 0
                                    

Chapter 10

Sorry

Busy ang lahat sa pag aayos ng gym dahil may isinagawang proyekto ang Student Council namin bago kami gumraduate, Magkakaroon muna kami nang College Night Ball. Naisipan nilang gumawa nang ganito dahil magkakahiwalay-hiwalay na kami ng mga landas pagkatapos ng graduation.

February nilang napag desisyonang ganapin ang nasabing party dahil pag sapit ng March sigurado akong abala na kaming lahat sa final exam at sa graduation, sigurado akong hindi na nila maisisingit ang nasabing ball kung sa marso nila ito gaganapin.

Isang linggo nalang at magaganap na ang ball, ang iba kong mga kaklase ay tapos nang mamili nang kanilang mga susuotin samantalang ako ay nakatengga lang sa kwarto at nag aaral, hindi ko hilig ang umattend sa ganyang mga pag diriwang kaya hindi nalang ako sasama tutal wala naman akong kapartner sa ball na yan.

Nandito ako sa gym ngayon at nag gugupit ng mga design na ididikit namin sa gym, lahat ng graduating sa lahat ng department ay pwedeng tumulong kaya nandito kami ni Aldrei at ni Noah. Ang iba ay nandito sa gym at tumutulong, ang iba naman ay missing in action. Mga istudyante nga naman.

"After this one, kain na muna tayo? Gutom na ako eh." sabi ni Aldrei

"Oo nga, I'm hungry, kain na tayo. My treat." sabi naman ni Noah

Agad naman akong sumang-ayon sa dalawa dahil nakakaramdam na rin ako ng gutom. Tumayo na kami at pumunta nang canteen, as usual nandito nga ang mga istudyanteng nag tatago sa kanilang responsibilidad sa gym.

Humanap na kami ng lamesa at nag prisinta na si Noah na siya nalang ang o-order para sa amin.

"Babayaran ko nalang mamaya Noah." sabi ni Aldrei

"No it's okay, I don't let girls pay their bills." kumindat pa ito sa akin at umalis na para umorder

Napangisi nalang ako habang sinusundan ko siya ng tingin

Inilapag ko ang bag ko sa tabi ko at isinandal ko ang ulo ko sa palad ko.

"Kakapagod pala ito, kahit nakaupo lang tayo at nag gugupit." saad ko

Tumango siya at isinandal niya rin ang ulo niya sa palad niya.

"Malapit na tayo gumraduate, simula na nang kalbaryo ng buhay ko." sabi ni Aldrei

Naikwento sa akin ni Aldrei na sa oras na gumraduate na siya pag uusapan na ng dalawang pamilya ang detalye ng kasal, narinig niyang nag uusap ang kaniyang mga magulang noong isang araw. Hindi pa nga sa kaniya sinasabi ang lahat. Ang alam ng mga magulang niya ay wala siyang alam sa mga nangyayari, napaisip tuloy ako kung kailan balak sa kaniya sabihin ang lahat.

"Pwede mo naman siguro pakiusapan ang mga magulang mo hindi ba?"

"Hindi ko alam." malungkot ang kaniyang mga matang nakatingin sa akin

"Sabihin mo sa kanila na ayaw mo talaga, Anak ka nila Aldrei, siguro naman ay pag bibigyan ka nila."

Naputol ang usapan namin nang dumating si Noah na may hawak na dalawang tray.

"Let's eat." sabi niya






Matapos kumain bumalik na kami agad sa gym at nag simula na ulit kami mag trabaho, dapat pala ay tinawag ko na ang mga istudyanteng nag tatago sa canteen kanina para sana mabawasan ang mga gagawin namin kahit papapaano.

"Rena dikit ko lang ito doon ah." tumayo si Aldrei at ipinakita niya sa akin ang mga nagupit niya nang mga dekorasyon

"Sige." sagot ko naman

Nang makaalis na si Aldrei ay umusod naman itong si Noah papalapit sa akin.

"Rena, can I ask you something?"

"Ano yun?"

"Can I court you? I mean, for real?"

Napangiti naman ako sa sinabi niya, akala ko hindi na darating ang araw na tatanungin niya sa akin iyan. Syempre kahit itinuturing namin na kami na, iba pa rin ang dumaan sa ligaw hindi ba? Dapat mag bigay rin siya ng effort para makuha ako.

"Sige."

"Yes!" mahinang sigaw niya

"Teka bakit mo naman naisipan iyan?" tanong ko

"Gusto ko lang makasigurado, Kasi kahit tayo na pakiramdam ko hindi ka pa rin sakin."

Parang sasabog na ata ang puso ko dahil sa sinabi niya. Meron pa palang lalaking katulad niya na sobra kung mag mahal. Natutuwa ako dahil gusto niya talaga ako.

"Huy ano pinag uusapan niyo diyan ah? Nawala lang ako saglit may iba nang nagaganap!" nandito na pala sa harapan namin si Aldrei

Nag katinginan lang kami ni Noah at napatawa nalang kami.




Hapon na rin nang napag desisyonan naming umuwi. Nag prisinta si Noah na ihatid ako sa amin. Simula noong may nangyaring masama kay mommy sinisikap kong umuwi nang maaga para samahan siya sa bahay, pero hindi mawawala ang takot na nararamdaman ko tuwing aapak ako mismo sa harap ng bahay namin. Pakiramdam ko kasi palagi nalang may mangyayaring masama.

"Text mo ako pag nakauwi kana ha?" Nasa harapan na ako ng gate at hinihintay ko nalang si Noah na umalis

"Opo baby. Sige na pasok kana sa loob. I love you." Sabi niya

"I love you too." Ngumiti ako at pumasok na sa loob.



Agad akong dumiretso kay mommy na nasa sala at nanonood ng TV, hinalikan ko siya sa kaniyang pisngi at umakyat na ako sa kwarto ko.

Tinignan ko ang aking cellphone at nakita kong may nag text sa akin. Akala ko si Noah yun pala si Aldrei.

"I'm so sorry. Hindi ko ginusto ito."

Napakunot ang noo ko sa nabasa ko, bigla akong kinabahan. I think I need to talk to her tomorrow, baka kung anong gawin ni Aldrei sa sarili niya. 


To Be Continued....












You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 24, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Girl With Regrets (Garcia Series #2)Where stories live. Discover now