TGWR 8

18 1 0
                                    

Chapter 8


Ang simula



Kinaumagahan sinundo ako ni Noah sa bahay at sabay kaming pumunta sa school, Natuwa siya dahil suot-suot ko ang binigay niya sa akin na necklace.

Hawak-hawak nya pa ang kaliwa kong kamay habang nag mamaneho siya na siyang ikinatuwa ko.

"Baby." Tawag ko

"Why baby?"

"Ininvite ka nga pala ni mommy mag dinner mamaya sa bahay. Pwede ka ba?"

Ngumiti siya at tumango

"Sure baby. Hindi naman ako busy."

"Okay sasabihin ko na kay mommy na makakapunta ka."

Kinuha ko ang phone ko at tinext si mommy na makakapunta si Noah para makahanda na si mommy ng kanyang mga gagawin.

"What the fuck?" Sabi ni Noah

Lumingon naman ako sa harapan at nakita kong nakasandal si Brent sa harapan ng school namin at naka paloob ang kanyang mga kamay sa kanyang bulsa.

Nag parking si Noah at pinag buksan niya ako ng pinto.

"That asshole." Bulong ni Noah

"Rena."

Sa pag kabigla ko ay hindi na ako nakakilos pa.

Bigla nalang ako sinalubong ng yakap ni Brent.

"Rena I'm so sorry hindi ko sinasadya yung nangyari kahapon. Hindi ko sinasadyang mang gulo."

"O-okay lang Brent." Halos di na ako makahinga sa higpit ng yakap ni Brent

Nilingon ko naman si Noah at nakita kong umirap siya at nakayukom ang kanyang mga kamay.

Nag pipigil lang siguro itong si Noah. Panigurado mag tatampo ito sa akin mamaya.

"Hey you." Tawag ni Noah kay Brent

Lumingon naman si Brent ngunit wala itong pinakita na kung ano mang emosyon.

"Sulitin mo na iyan dahil kung mauulit pa yan sa sementeryo na ang bagsak mo."

Huminga ng malalim si Brent at nag igting ang panga niya sa inis.

"Wala kang karapatan na utusan ako!"

Ngumisi naman si Noah at humalukipkip

"Kuya mo ako kaya ako ang masusunod."

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Mag kapatid sila?! Bakit hindi ko nakikita si Brent noong bata pa ako? Bakit ngayon ko lang nakita si Brent?

"I hate you!" Madiin na sabi ni Brent

"The feeling is mutual my little brother."

Hinawakan ni Noah ang kamay ko at umalis na kami sa harap ni Brent.

Habang papunta kami sa classroom hindi ko naiwasang itanong kung papaano niya naging kapatid si Brent.

"My father's ex-girlfriend was involved in a car accident 10 years ago. Namatay silang dalawa ng asawa niya pero himalang nakaligtas si Brent. Kaya nung nabalitaan ni Dad ang nangyari, inampon niya si Brent."

Kumunot ang noo ko

"Bakit hindi Lopez ang gamit ni Brent?" Tanong ko

"Kasi gusto niya raw gamitin ang apilyedo ng Dad niya. Yun nalang raw ang natitirang alaala sa kanya ng mga magulang niya."

The Girl With Regrets (Garcia Series #2)Where stories live. Discover now