TGWR 2

35 2 3
                                    

Chapter 2

Cellphone

Nakapalumbaba ako at tinitignan ang new student na naka upo sa bandang gilid ng classroom. Di ko sya matanggal sa isip ko, Simpleng pag lakad lang naman ang ginawa nya kanina sa canteen pero ang laki-laking epekto sa akin.

"Aldrei ano kayang pangalan ng new student na iyon?" bulong ko

"Aba malay ko ba't di mo tanungin? Itigil mo nga yan, Nakakatakot kana." sagot nya

"Grabe sya! Ikaw nga tumili pa sa canteen eh." I smirked

"Ewan ko sayo! Ang ingay mo, makinig kana nga lang sa--"

"MS. GARCIA, MS. MENTARIVA! IF YOU'RE NOT INTERESTED IN THIS CLASS YOU MAY GO OUT!"

Nagulantang kami sa sigaw ng professor namin at nag katinginan kami ni Aldrei. Nilingon ko rin ang new student at nakita kong nakatingin siya sa akin. Bigla akong nakaramdam ng hiya, para na akong sasabog sa kahihiyan!

Grabe! Ang ganda-ganda nga naman ng first impression niya sa akin! whoo! Nice one Rena, Nice one!

Tumayo kami ni Aldrei ng dahan-dahan at lumabas sa classroom.

"Grabe Aldrei! Nakakahiya! Nakita mo ba yung tingin nung new student sa akin? Jusko!" sabi ko nang makalabas na kami

"Kagagawan ko kasi! Ang ingay mo!"

Huminga nalang ako ng malalim at tinakpan ang mukha ko gamit ang mga kamay ko.

Teka, Bakit nga ba ako masyadong affected? Dati wala naman akong pake sa mga ganun ah?

Niyaya ko si Aldrei na umuwi nalang dahil last subject naman na namin iyon.

Pag kauwi ko ng bahay nakita ko si Mommy na nag luluto sa kusina, Sa amoy palang alam mo nang masarap ang niluluto ni Mommy.

Basta si Mommy, palaging the best yan.

Lumapit ako kay Mommy at niyakap sya.

"Oh Rena ang aga mo yatang umuwi?"

"Oo nga po eh."

"Sige na umakyat kana sa kwarto mo at mag bihis kana." sabi ni Mommy habang hinahalo ang niluluto nya

Agad naman ako umakyat sa kwarto ko at humiga sa kama. Nakakapagod talaga sa school lalo na at college na ako. Ang dami-daming mga gagawin at halos wala ka nang tulog. Lalo na siguro pag malapit na kaming gumraduate.

Kinuha ko ang bag ko at hinanap ang cellphone ko pero halos sirain ko na ang bag ko hindi ko pa rin mahanap ang cellphone ko. Kinapa ko rin ang bulsa ko pero wala ito doon.

Lumakas ang tibok ng puso ko nang napag tanto ko na wala nga ito sa mga gamit ko.

Asan na ba iyon?! Hindi pwede mawala yun!

Habang iniisip ko mabuti kung saan ko naiwala ang cellphone ko narinig ko na kumatok si Mommy sa pintuan ko.

"Po?"

"Rena yung cellphone mo oh."

Agad akong tumakbo sa pintuan at binuksan ito. Napanatag ako nang makita ko ang cellphone ko na nasa kamay ni Mommy.

"Saan mo nahanap Mommy? Kanina ko pa hinahanap to, akala ko nawala na." kinuha ko ang cellphone ko at tinignan ito.

"Hinatid dito ng lalaki yang cellphone mo, Naiwan mo daw sa classroom."

Nanlaki ang mga mata ko. Lalaki? Sino? Si Brent? Yung makulit kong manliligaw?

"Si Brent po ba? Yung makulit na lalaki?"

"Hindi si Brent, Noah daw ang pangalan nya."

"Noah? Pero wala akong kilalang Noah.." bulong ko

Napaangat ang tingin ko kay Mommy at sabi nya sa akin ay mag bihis na ako at bumaba pag katapos.

Bumalik ako sa kama ko at hindi pa rin nawawala sa isip ko ang sinabing pangalan ni Mommy.

Noah? Baka taga ibang department.

Tumunog ang cellphone ko at kinuha ito.

'Next time wag mo na iiwan ang cellphone mo.'

Agad naman akong nag reply sa text na iyon. Siya siguro ang nag soli ng cellphone ko. I just want to say thank you.

'Sorry hehe. Salamat sa pag balik ng cellphone ko. Anong pangalan mo?'

'I'm Noah. You're Rena right?'

'Paano mo nalaman ang pangalan ko?'

Hindi ko nga sya kilala pero alam nya ang pangalan ko. Ganun ba ako kadalas malate at palaging nalilista ang pangalan ko sa violation?

'Secret.'

Wow may secret-secret pang nalalaman ang isang to! Parang bata lang?

'Don't leave your phone once again, also save my number. Goodbye see you tomorrow.'

See you tomorrow? So mag kikita kami bukas?

Kung ganoon, Hindi na ako makapag hintay na makilala sya. Tingin ko naman ay mabait syang tao, kasi kung hindi edi sana hindi nya na inihatid dito ang cellphone ko. I hope we can be friends.

I can't wait to meet him tomorrow!


The Girl With Regrets (Garcia Series #2)Where stories live. Discover now