Shit! Kakasabi ko lang na walang Rafael Montefalco ang maiinvolved eh. Sasabihin ko ba kay Eion na nagkakausap na kami ng Rafael Montefalco, na iyon?

"O-ofcourse, I know him! Pinsan siya ni Kuya Knoxx, right?" Kinakabahan kong sabi at sa awa ng diyos hindi niya nahalata.

Ayokong malaman ni Eion na nagkakausap kami ng lalaking iyon. Ayoko! Lalo na dahil sobrang weird ng mga pinag sasabi ng matangkad na lalaking iyon.

Tumango siya at bumangon mula sa pagkaka higa.

"A Montefalco." Aniya at tumitig sakin.

Uminit ang pisngi ko. Parang iwinawasiwas ang buo kong pagkatao dahil sa pagkaka titig sakin ni Eion. Feeling ko nagrarambulan na ang mga alaga ko sa tiyan! Gosh. I'm so overacting.

Umiwas ako ng tingin. Malulusaw yata ako sa ginagawa niyang pagtitig sakin.

"Uhhm Eion, pasukan na sa monday. Nakapag enroll kana ba?" Tanong ko.

He heaved a sigh then smiled. "Yes."

I pouted.

Kumunot ang noo niya. "Ikaw?"

Umiling ako at ngumiti. "I forgot. Kinuha ko lang yung grades ko then umuwi na ako." Napakamot ako sa ulo.

"You forgot? Kailan mo ba balak mag enroll? Sa pasukan mismo, Ice!?" Tumaas ang tono ng boses niya.

Tss! Galit na naman ang prinsipe ko.

"Relax, okay?" Natawa ako ng bahagya sa mukha niyang epic. Kahit na nakasimangot pero gwapo parin. "Si daddy nga chill lang e, pwede naman daw mag enroll sa pasukan." I said.

He rolled his eyes kaya natawa ako ng malakas. Ang lakas maka bakla!

"Tss so childish! Ewan ko sayo, Ice. Ganyan ka ba sa Manila?" Seryoso at halata parin ang inis sa kanyang boses.

"Y..es?" I'm not sure of my answer. Kasi feeling ko ay totoo. Palagi akong late kahit saan, when it comes to enrollment, kuhaan ng grades at pagpapa sign ng clearance. Ewan ko pero tinatamad talaga ako! Gusto ko kasi sabay sabay na, hindi yung pabalik balik pa.

"Kita mo, hindi ka pa sure." Iling na sabi niya.

Ngumisi ako. "Atleast, naging valedictorian ako. Consistent!" Proud na sabi ko.

Tumaas ang gilid ng kanyang labi at ginulo ang buhok ko. 'The Eion Sarmiento' moves.

"Grabe ka talaga, Ice." Tawa niya.

"Ikaw ang grabe diyan! Hindi mo ako pinapakilala sa mga friends mo." Biro ko.

Natigilan siya sa pag murder sa buhok ko at tumayo. Nakapamulsa na siya ngayon. Tumingin ako sakanya at naging seryoso na ngayon ang mukha niya na hindi katulad kanina na nakangiti pati ang kanyang mata.

I'm Inlove with Eion Sarmiento [Completed]Where stories live. Discover now