"Tumahimik ka nga jan Raven!"

Nasa pagkainan kami ngayon. Kasama pa naman namin si Mommy and it so embarassing to my Mom having a daugther in a news. Tapos negative pa ang nakasulat.

"Ang balita talaga." Yan lang ang nasabi ni Mommy sabay subo ng food.

"Totoo naman.. AW! Mommy, si Dallen nananapak oh!" Parang batang sumbungero lang.

"Raven, wag ka na nga mangulit. And call Dallen 'Ate' rumespeto ka."

Bleh! Buti nga sayo.

"Mom, nadidila si Ate!"

"Mom, I didn't!"

"Tumahimik nga kayo! Raven! Act as your age. Dallen! Ayusin mo yang gulong napasukan mo. Tsk! Dadalawa na lang kayo pinahihirapan nyo pa ako."

Natahimik na tuloy kami. Ano ba kasi?! Hindi naman totoo yang nasa newspaper!

"Diba Ma pag may asawa na tapos sumasama pa rin sa ibang lalaki o babae yun yung sinasabing affair dito sa news?" Humirit pa si Raven.

"Hay nako Raven, in Dallen's case, alam ng marami na may relasyon sila ni Rodrigo. Ang affair hindi lang sa may asawa, maski saang relasyon na kinakaliwa pwedeng sabihing may affair na."

Ang gulo! Hindi naman yun lang ang meaning ng affair ah?! And Raven! Isa pang salita malalagutan ka na talaga sa akin!

"Ahh.. Pwede nga si Ate dito."

Humanda ka talaga sa akin!!!!

I'm not having an affair with anybody! I am not! But.. My gosh! I feel guilty.

Bakit ba sya pa rin iniisip ko!

"Are you sure na ikaw na lang magdadrive?" My Mom asked me.

"Yes."

"Baka mamaya dumugin ka ng mga tao pagnakita ka nila."

"Don't worry Mom."

Umalis na ako. Pahirap na yan oh! Dagdag problema pa tong news na to!

Pupunta na lang ako sa botique.... Ko? Wait! May welga ba? Bakit ang daming tao dito?

At bago pa umandar ng utak ko, lumabas na ako sa sasakyan ko.

Stupid me!!

"Si Dallen!"

"Ayun sya!"

"Totoo po ba ang napapabalitang may iba kayong karelasyon bukod kay Rodrigo?"

"Iniwan nyo raw po si Rodrigo para dun sa bago nyo?"

Teka lang! Wait!

Na corner na nila ako! Damn me! Stupid! Bakit hindi ko naisip to? Naturingang accelerated ng two grade level ng elementary tapos.. Argghh! Ang bobo ko!

"Ma'am any comment po?"

"Walang hiya ka! Sinaktan mo si Idol!"

"Ibalik mo sa amin si Rodrigo!"

"Ang landi mo!"

Hindi ko na alam kung sa reporter o sa mga fans ko naririnig yung mga sigaw ng tao. Nahihilo na ako! Nalilito na ako!

Can someone save me! Please! Natatakot na ako!

Napapikit ako ng mata. Feeling ko tutumba na lang ako dito at lalamunin ng mga tao. I don't know what to do.

I'm... Hopeles---

For a split of seconds parang naalog utak ko sa biglang humatak sa akin. Napadilat ako kaagad. Hindi ko makita kung sino yun kasi nasa likod ko na sya at hinaharangan lahat ng mga taong gustong dumugin ako.

Dallen's Sweet KarmaWhere stories live. Discover now