"B-Bakit kayo ganyan? Hindi niyo ba ako tutulungan? Wala ba kayong gagawin para mailigtas siya? Bakit parang wala na kayong paki?" tiim-bagang niyang sabi.

"Magagaya rin siya sa iba. Hindi na natin siya maililigtas. Wala ng paraan para mailigtas pa natin siya. Aminin na natin sa mga sarili natin na kamatayan din ang kahahantungan niya," seryosong sabi ni Christian ngunit hindi direktang nakatingin sa mga mata ni Jess.

"Maililigtas pa natin siya!" tutol niya.

"Paano?! Paano Jess?! Sa paanong paraan mo siya maililigtas?! Sabihin mo! Wala tayong matinong komunikasyon. Kahit ang pang-transportasyon, wala rin. Ano pa bang paraan para mailigtas siya?"

Tila nagpanting naman ang tainga ni Jess sa mga sinabi ni Christian. Ano pa nga ba ang paraan? Sinasaksak na siya ng realisasyon na isa na naman ang mawawala. Sa ngayon ay dapat hindi na siya ganito mag-react sa dami ng kasamahang namatay.

"P-Patawarin mo ako Jess. Hindi ko nais na–" Naputol ang sasabihin nito nang sumingit si Jess.

"Ayos lang. Ayos lang. Ang mas dapat kong intindihin ay kung sino pa ang natitirang buhay. Dahil maaaring buhay niyo, ang pwedeng makapagligtas din sa akin. Sa ngayon, dapat na natin hanapin ang killer habang apat pa tayong natitira. Magiging mahirap para sa atin kung malalagasan pa tayo," aniya.

Nagtanguan naman ang kanyang mga kasamahan. Desidido na silang harapin ang killer. Wala ng atrasan ito kung buhay man ang maging kapalit. Kasabay no'n ay tuluyan ding binawian ng buhay si ;uz dahil sa pagkaubos ng dugo nito.

Kinagabihan, wala ni isa sa kanila ang dinadalaw ng antok. Pare-parehas mulat ang kanilang mga mata sa kailaliman ng gabi. Antok man ay pinipigilan nila ang makatulog sa takot na paggising nila ay ibang paligid na ang kanilang makita.

"Matulog na muna ang iba habang ang dalawa ay nagbabantay para sa seguridad. Kailangan nating mag-ipon ng lakas," saad ni Jess.

Pinatulog na muna niya sina Wilma at Alex kaya't nanatili silang gising ni Christian bilang mga bantay. Kapansin-pansin ang malalim na iniisip ni Christian dahil sa malayo ang mga tingin nito.

"Ano'ng iniisip mo?" tanong niya pero hindi direktang nakatingin.

"Marami."

"Ano?"

"Kung sino ang killer, kung isa ba sa atin ang pumapatay, ano'ng motibo niya, sino ba ang kailangan niya, ligtas pa kaya 'yong iba. Karaniwang tumatakbong mga katanungan sa utak mo kapag nasa kagipitan ka tulad nito," aniya at saka huminga nang malalim. "Ikaw, ano'ng nasa isip mo?"

Bumuntong-hininga siya. "Ang pamilya ko. Ang anak at asawa ko na naiwan ko. Nangako ako sa kanila na uuwing buhay. Pero parang malabo na yata. Mahal na mahal ko sila higit pa sa buhay ko. Sila na nagsisilbing buhay at kaluluwa ko. Kung wala sila, magkukulang ako."

"Buti ka pa. Kung makikilala lang natin kung sino ang killer, mas magiging maganda. May ideya ka ba kung sino siya?" tanong nito sa huli.

May pag-aalinlangan siyang sumagot. "W-Wala... May naiisip ka ba?"

"Akala ko noong una ay si Lyra kaso nawala ang panghihinala ko nang mamatay siya. Ang panghihinala ko bigla ay napunta sa tatlo – sina Sammie, Tristan at Direk Anne. Kung titingnan kasi, madali lang naman kumuha ng litrato ng sarili niyo habang nakagapos. Kaya malaking misteryo para sa akin kung sino sa kanilang tatlo."

Nagulat naman si Jess sa pag-aanalisa ni Christian sa mga pangyayari. May punto ang binata kahit saan mo tingnan.

"Si Direk Anne, nawala na lang siya bigla habang pinapatay ang mga kasamahan natin. Maaaring nagpanggap lang siya na biktima rin para maitago ang pagpatay niya. Si Sammie at Tristan, matagal ko na silang pinaghihinalaan pero may kakaiba kasi sa kanila. Hindi ko lang masabi kung ano. May something ba sa kanila ni Alex?"

Napamulat ng mata si Jess. Nangako siya kay Alex na hindi niya ipagsasabi ang mga nalalaman niya. "W-Wala akong ideya."

"Pwede rin naman ang salarin ay ikaw, ako, si Alex o si Wilma. Magdedepende na lang talaga sa motibo. Pwedeng ako at itinuturo ko lang ang iba para maghinalaan niyo. O ikaw, maaaring ang pagpapakita mo ng kabaitan ay pagbabalatkayo lamang. Hindi natin masasabi," anito.

Napapatango na lang siya. Matalino si Christian. Pero sapat na kaya ang kaalaman nito para maligtas siya?

"Si Celine," bigla niyang naibulalas. "Muntikan ko ng makalimutan. Si Celine. Si Celine. Si Celine."

"Sinong Celine? Si Celine Rodriguez? 'Yong namatay na artista ng ARR Films?"

"Oo. Nakita ko siya kahapon. Hindi ako pwedeng magkamali. Nakalimutan ko lang dahil sa mga nangyari," gulat niyang sabi.

"Paanong nakita mo siya kung gayong patay na siya? Baka naman nakakita ka lang ng multo?"

"Siya talaga 'yong nakita ko. Maniwala ka! Siya at wala ng iba! Hindi ko lang alam kung paano nangyari 'yon pero-"

Isang bagay ang biglang tumapon sa kanilang harapan. Naglabas iyon ng usok na wari nila ay alam nila kung ano.

"Knockout gas!" saad ni Christian. Hindi na nila nagawa pang makapalag dahil mabilis na kumalat ang usok. Dumaan ito sa kanilang baga hanggang sumabay na ito sa kanilang sistema. Nagsimula ng umikot ang kanilang mga paningin na tila gumagalaw ang anumang makita nila.

Nanlalabo na ang kanilang mga mata na bibigay na anumang oras. Bago sila mawalan ng malay, isang babae ang nasa kanilang tapat. Pinagmasdan ni Jess ang mukha ng babae. Nakangiti ito sa kanya na parang kailan lang nang muli silang magkita. Nanariwa sa kanyang alaala ang lahat.

"Long time no see, Jess."

"Celine..." huling nasaad niya bago siya hinimatay.


A/N: Kaunting-kaunti na lang, guys. Mare-reveal na ang identity ng killer! Huwag bibitiw sa mga mangyayari. Send me your thoughts through comments or following my accounts.

IG: @misterdisguise

Twitter: @misterdisguise7

Ask.Fm: @MisterdisguiseWattpad

Red Tape (Book Two of Red Ribbon)Kde žijí příběhy. Začni objevovat