Noona -65-

2.7K 207 208
                                    

Noona -65-

"JYP Ent's New Girl group Harmony is set to have a comeback next month!"
-AllKpop

"Yoora, pinapatawag daw tayo sa JYP Ent." Sabi sa akin ni SeokJin Oppa kaya agad akong nagbihis ng padamit. Kakatapos lang ng libing ng Umma ni Jera Unnie at hanggang ngayon hindi pa rin maganda ang kalagayan nya. Dapat daw ay kasama kaming lahat pero sabi ko samahan na lang nila Unnie si Jera Unnie sa dorm at ako na lang ang bahala sa JYP Ent. kung ano pa man ang kailangan nila sa amin ngayon.

Sumakay kami ng Van at katabi ko si Hoseok Oppa at Taehyung. Habang nabiyahe kami ay napatingin ako sa may rear view mirror ng van namin at nakita kong malungkot na naman si Jungkook. Bakit pa kasi kailagan naming pumunta sa JYP Ent.? Ano bang meron?

Pagdating namin sa building ng JYP Ent. ay agad kaming pinapunta sa conference room. Nandodoon si Mr. Jang, GOT7 at Harmony sa gilid samantalang naka-upo si JB, Bambam at Eun-ah. Pina-upo ako at si Jungkook sa tapat ni Eun-ah at JB.

"Malamang nagtataka kayo kung bakit ko kayo pinatawag BigHit Artist." Panimula ni Mr. Jang, ramdam kong nakatingin lang sa akin si JB habang nagsasalita si Mr. Jang sa unahan.

"Akala ko matatapos na ang lahat tungkol sa kanta ni Eun-ah pero kahapon bigla akong kina-usap ni JB at may gusto raw syang sabihin sa ating lahat" sinenyasan ni Mr. Jang si JB na magsalita, tumango sya at may kinuha sa bulsa ng coat nya.

Inilapag nya ang cellphone nya sa gitna ng mesa.

'Gusto mong tulungan kita sunbae?' Napatayo si Eun-ah ng marinig nya ang boses nya mula sa cellphone ni JB. Rinig din ang pag-iyak ng isang babae.

'Paano Eun-ah?' Nangininig na tanong pabalik ng boses ni Jera Unnie.

"Oppa! Ano to? Ha! Bakit may--" sigaw ni Eun-ah at aabutin na nya sana yung cellphone ni JB pero nahawakan agad sya ng mga guard ng JYP Ent.

"Umupo ka Han Eun-ah! Hindi ko na papalampasin lahat ng ito!" Sigaw sa kanya ni Mr. Jang. Padabig na bumalik si Eun-ah mula sa pagkaka-upo at agad naman syang pinakalma ni Bambam pero pabalya nyang inalis ang mga kamay nito.

Napalingon naman ako ng makita kong ikinukuyom ni Jungkook at kamay nya, hinawakan ko ang kamay nya para kumalma sya.

'Simple lang sunbae, kunin mo yung composition ni Yoora sunbaenim sa notebook nya at ibigay mo sa akin. Ako na ang magbabayad ng lahat ng gastusin ng Umma mo sa ospital' Muling tumayo si Eun-ah mula sa pagkaka-upo pero pinigilan sya ni Bambam.

"Bwo!"asik nya dito. Hinila sya ni Bambam paupo.

"Tama na Eun-ah, maging matapang ka naman" sabi ni Bambam sa kanya pero hindi nya tinitigan si Eun-ah.

"Itigil na rin natin to, maraming ng nasasaktan" dagdag nya pa.

Natapos yung usapan sa cellphone ni JB. "Base sa narinig nyo, si Eun-ah po ang nagpakuha ng composition ni Yoora kay Jera Noona. Narecord ko po ito sa ospital kung saan nakaconfine ang Umma ng Jera Noona at nagkataong nagpacheck-up din ako"

"Bakit mo nirecord ang usapan nila? Alam mo banh pwede kang kasuhan dahil sa ginawa mo" Tanong ni Mr. Jang kay JB. Tumingin sya sa akin at nagtama ang mga tingin namin pero umiwas ako agad.

"Ne, pero alam ko po kasing may masamang plano si Eun-ah" sagot nya.

"Oppa! Ano ba yang sinasabi mo?" asik ni Eun-ah kay JB, hinarap sya nito.

"Alam ko lahat ng plano mo Eun-ah! Alam kong gagamitin mo lang si Jungkook at Bambam para makaganti ka kay Yoora. Hindi mo naman talaga gustong maging Idol! Ang gusto mo lang ay pabagsakin si Yoora dahil sa kapatid mo"

"Sinungaling ka Oppa! Alam kong gusto mo si Yoora kaya mo sya ipinagtatanggol!" Yumuko si JB matapos sabihin iyon ni Eun-ah. Maya-maya ay tumango sya.

"Ne, gusto ko si Yoora at nabulag ako ng pagkagusto ko sa kanya kaya hinyaan lang kita. Hinyaan kitang saktan sya kasi akala ko magugustuhan nya ako kapag mahina na sya" napatayo ako mula sa kina-uupuan ko dahil sa sinabi nya, sunod ay nagulat na lang kami ng bigla na lang tumakbo si Taehyung at kinuwelyuhan si JB.

"Shibalyo! Alam mo naman pala lahat tapos--" galit na galit na sabi ni Taehyung habang pinipilit nyang lapitan ulit si JB na inilalayo na ng mga kagrupo nya.

"Kaya nga sinasabi ko na lahat di ba? Lahat ng alam ko! Kasi mali ako! Kasi nagkamali ako na akala ko magiging akin sya! Ginagawa ko na yung tama!" Depensa ni JB. Pinalabas ni Mr. Jang ang Bangtan dahil nagwawala pa rin si Taehyung.

"Han Eun-ah totoo ba lahat ng sinasabi ni Jaebum?" Tanong ni Mr. Jang kay Eun-ah, tumayo ulit sya at umiling. Bigla na lang tumayo si Bambam at nagbow sa harap namin.

"Mianhe, Mr. Jang, mianhe Noona, mianhe Jungkook. Kasalanan ko rin, hinayaan ko syang gamitin ako at maghari yung galit sa puso nya. Jeongmal Mianhe" hingi nya ng paumanhin sa amin.

"Akala ko simple paghihigante lang ang gusto nyang mangyari kaya hinyaan ko sya, nabulag din ako sa pagmamahal ko sa kanya pero yung mga nagyari, hindi ko po dapat hinayaan iyon." Pinagpapalo ni Eun-ah si Bambam dahil sa sinasabi nito.
Hinawakan ni Bambam ang mga kamay ni Eun-ah para tumigil ito sa pagpalo sa kanya.

"Tama na Eun-ah! Itigil mo na to.!" Sigaw nya dito, nagsimula namang umiyak si Eun-ah.

"Tapos na tayo Han Eun-ah" matapos nyang sabihin iyon ay lumabas na si Bambam ng Conference room.

"I'm so dissappointed to you Han Eun-ah. Ang laki ng potential bilang Idol kaya binigyan kita ng second chance pero hindi ko itotolerate itong mga ginawa mo lalo na ang pagkuha mo sa composition ng iba" sabi ni Mr. Jang. May kinuha sya mula sa isang envelope at pinunit iyon. Napagasp ang ibag miyembro ng Harmony na nasa loob at nanlaki ang mga mata ni Eun-ah.

"From this day Han Eun-ah, you were no longer a member of Harmony. Hindi ka nila kailangan at mas lalong hindi namin kailangan ng isang tulad mo dito sa company na to"

'Harmony's Main Vocalist Han Eun-ah will be no longer a member of the JYP's new girl group. Harmony will continue the preparations as 4 member group'
-Koreaboo

----------------
Whot!
Comments pleasue!

Noona Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon