Noona -34-

3K 189 67
                                    

Noona -34-

"Lights, Camera, Action!" Agad na nagproject si Jimin matapos sabihin iyon ng director. Kakarating ko lang sa set ng MV nila para sa upcoming comeback nila sa Japan.

Pumayag si Manager Unnie na ako na lang yung magiging leading lady sa MV in pero hindi ipapakita ang mukha ko. Kasama talaga yon sa script at the same time pang-iwas issue na rin. Hanggang ngayon ay kalat pa rin yung balita tungkol kay Jungkook at Eun-ah lalo pa ngayon na inannounce na ang special stage nila sa Music Core para na rin sa promotion ng Dream Concert at may pakonti-konti pa din sa amin ni JB.

Umupo ako sa isang upuan na nakita ko dahil naramdaman ako ng pagod. Tinakbo ko kasi para makapunta dito dahil naiipit ako sa traffic kasi may aksidente.

Pinanood ko si Jimin habang kinukunan sya ng close-up para sa solos nya. Ito ang unang beses na nakanood ako ng shooting ng MV ng Bangtan. Una dahil may sarili din akong schedule, pangalawa ay malalayo ang set ng MV's nila minsan at pangatlo, kung may time man ako ay mas pinipili kong magpahinga. Nadalas akong yayain ni Taehyung na manood pero I always say no.

I can understand a little japanese and I can say that this song that was composed by Jungkook was good. Samahan pa ng projection ni Jimin ngayon and their acting according to the concept na nabuo na nabuo nilat, this MV will be beautiful.

"Yoora!" Tawag sa akin ni Taehyung kaya napatingin ako sa direksyon nila.
Yung mga natirang members pala ay nasa kabilang gilid at nanonood din. Tumakbo si Taehyung papalapit sa akin, at dahil hindi nya tinitignan yung dinadaanan nya ay muntik ng matumba yung isang spare na camera, halos lahat kami ay napatigil maski si Jimin na kinukunan pa rin hanggang ngayon, buti na nga lang ang nasalo agad.

"Mianhe" hingi nya ng paumanhin tapos naglakad na lang sya papalapit sa akin. Nung umupo sya sa tabi ko ay mas lumawak yung mga ngiti nya kaya nagtaka ako. Ano na naman kayang nasinghot nito?

"Tapos ka na?" Agad syang tumango tapos pinanood si Jimin.

"Neh, si Jimin na yung huli tapos magsasayaw kami" sagot nya.

Pagshoshoot ng MV ang isa sa pinakamahirap na gawin kapag nagrerelease ng bagong album. It takes hours to make. Kahit simple detalye ay ilang oras kukunan kaya minsan nakakadismaya kapag konti lang ang screen time mo.

Tinawag si Taehyung nung director kaya iniwan nya ako pero lumapit naman sa akin yung isang staff then ipinaliwanag nya ulit sa akin yung magiging flow ng MV. She also asked me to change my clothes kasi kukunan na rin ako.

After ng ilang oras na pag-aayos ay sinet-up na nila yung lugar kung saan ako kukunan. I don't know kung ilang scene meron ako at this is the first time na makikita ako sa ibang MV kaya medyo kinakabahan ako, pero para sa Bangtan I will do my best.

"Ready!Action!" Ginawa ko yung dapat kong gawin. Kinuha ko yung cellphone sa ibabaw ng mesa at kunyaring sinagot yung tawag. I start to smile as if someone was really talking to me. Kailangan kong ipakita na kinikilig ako dahil kausap ko yung taong gusto ko.

"Ok Yoora! Cut!" Para akong nabunutan ng tinik nung icut na yung scene. Hindi ko alam kung natural ba tignan yung acting ko or akward. I've never done this before, sa mga MV's namin nasayaw at nakanta lang kami kaya hindi ko pa alam kung maganda yung kalalabasan ng acting ko.

Nagkasalubong ang tingin namin ni Hoseok Oppa na kasalukuyang nasa tabi ng monitors at nakikiusyoso sa director. Nagthumps-up sya tapos nagthums-up din si SeokJin Oppa kaya napangiti na lang ako.

Kailngan naming lumipat ng venue para sa next scene pero bago kami umalis ay kinunan muna yung dance version ng MV nila.

Habang nanonood sa kanila na sumayaw ngayon, hindi ko maiwasang humanga sa kanila. Being in the same company with them, during our trainee days we share the same trainers.  Sa sayaw, kanta at magcompose ng mga ito. Most of the time magkakasama kami sa practice room kaya kita ko yung hardwork nila. I'm the Main Dancer of our group then si Jimin sa kanila pero everytime na napapanood ko silang sumayaw parang hindi na lang si Jimin ang Main Dancer. NamJoon and Seokjin Oppa were blackholes when it comes to dancing, naalala ko palagi silang pinapagalitan noon dahil hindi nila makuha yung steps dati pero ngayon hindi ko na masabing hindi sila marunong sumayaw dati. They really improve a lot especially that boy named Jeon Jungkook.

Pagkatapos nilang magshoot ng Dance Version ay nagpack-up na kami. Magkasabay kami ni Jimin na lumabas ng set at pumunta sa Van.

"Ang galing mo nga eh" puri nya sa akin, ang galing ko daw umarte kanina parang may kausap daw talaga ako at kinikilig ako.

"Magaling ka rin kanina" sabi ko sa kanya. Tumigil sya sa paglalakad at pumunta sa unahan ko. "Kinakabahan nga ako eh, bukas magshoshoot kami nung part namin. Kaya ko kaya yon?" Tanong nya with matching hawak pa sa dibdib nya.

"Oo naman, ano bang gagawin mo?" Nagsimula na ulit syang maglakad kaya sumabay na ako.

"Maghuhugas ng pinggan" tinignan ko sya gamit ang Seryoso ka-look. Tumango sya at agad na dumepensa.

"Kasi nga di ba magtatrabaho kami kunyari para mabilhan namin ng ticket si Jungkook. Nung makaisip na kami ng mga tabaho ay nagbunutan kami. Si Jin hyung nabunot yung tagalinis ng kotse, si Suga Hyung delivery boy tapos si Rap Mon hyung mag-gagasoline boy na lang daw sya kasi masaya daw yun tapos si Hobi hyung waiter tapos si Taehyung dapat yung tagahugas ng pinggan kaso pinalitan nya. Madugas talaga yun, ako tuloy yung taga hugas ng pinggan." Parang bata si Jimin na nagsusumbong. Umiling ako at tinapik yung balikat nya.

"Fighting!" Sabi ko sa kanya bago sumakay ng van. "Hindi ka nakakatulong! Kinakabahan kaya ako!"

Nagbiyahe kami ng isang oras para marating yung isang lugar dito sa Korea na magbibigay sayo ng Japan Vibes. Nagset up sila then pinaayos na kami.

"Maglalakad ka lang hawak yung bike then unti-unti kang lalapit kay Jungkook para magmeet kayo ok?" Instruct sa amin, tumango ako at ganon din si Jungkook. Mas maraming bilin sa kanya kasi mas madaming scene ang kukunan sa kanya.

Inayos yung buhok ko then pinahawak na sa akin yung bike.

"Action!" Sinenyasan ako nung isang staff na maglakad kaya dahan-dahan akong naglakad then nung paliko na ako ay pinatigil nya ako. Nakita ko si Jungkook na lumingon sa direksyon ko habang nakangiti. I tried not to smile kasi utos sa akin, kailangan in shock daw ako.

Sinenyasan ulit ako na maglakad hanggang sa magmeet kami sa gitna.

Jungkook was still smiling, ramdam ko yung emosyon na gusto nyang ipadama. Yung mga ngiti nya ay para bang may tao syang gustong-gusto syang makita at nakita na nya.

Habang nakatingin sa kanya at nakikita ko ang mga ngiting iyon, bumibilis ang tibok ng puso ko.

------------------

Happy Halloween Guys!! XXD

Noona Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon