Noona -45-

2.7K 186 142
                                    

Noona -45-

"Ohh! Daebak!" Sabay-sabay na sabi ng mga kasama ko sa bus ng madaanan namin ang isang malaking billboard na nagpopromote ng Dream Concert habang papunta kami kung saan gagawin ang mga susuotin namin para sa nalalapit na event na iyon. Halos dalawang linggo na lang ang natitira at puspusan na ang lahat sa paghahanda. Sinisimulan na ring ayusin ang lugar kung saan kami magcoconcert. 

Tumigil ang bus na sinasakyan namin at mas lalong nilapitan ng mga kasama ko ang billboard na kitang-kita na dahil malapit lang kami dito. Sobrang gulo ng Bangtan idagdag mo pa ang GOT7 kaya akala mo nasa palengke ka dahil sa ingay nila. Kanya-kanya silang lait at puri sa mga nakikita nila sa malaking billboard na iyon.

"Maganda naman pala" komento ni SeokJin Oppa na syang katabi ko sa bus, umangat ako ng konti para mas makita ang billboard na kanina pa nagiging sanhi ng ingay sa loob ng bus.

Magkakasama ang artist ng JYP Ent. At magkakasama naman kaming artist ng BigHit. May mga itim na linya na nakakonekta sa bawat grupo na nagsasabi kung sino-sino ang magkakaroon ng Collaboration. Nakasulat din sa baba ang mga kanta na kakantahin namin at hindi nakatakas sa akin ang Solo Stage ni Eun-ah at kakantahin nya ang Butterfly. Wala talaga sa unang plano iyon pero dahil nag-all Kill ang kanta nyang iyon at napakaraming nagrequest na iperform nya iyon sa Dream Concert ay nagpagdesisyunan na isama na ito.

Aaminin ko, bitter pa rin ako sa tuwing pag-uusapan ang bagay na iyon. Sensitibo kasi syang topic para sa akin, masasabi kong iyon ang una kong heartbreak. I felt, I was taken for granted because of what happened. Kung tutuusin, sabi ng mga fans namin, ako daw ang may pinakamalaking fanbase sa amin pero kung ikukumpara sa grupo ni Eun-ah di hamak na mas malaki ang fanbase nya kesa sa akin. Pero hindi pa rin iyon sapat na dahilan para mabalewala lahat ng pagod ko.

Umupo na lang ako ng maayos at muling ibinalik sa tenga ko ang headphones ko saka binuksan ang radyo. Mas gusto kong nakikinig sa radyo kasi ramdom lahat, hindi mo pwedeng piliin kung anong ipapatugtog nila, in that way mapapakinggan ko ang kanta ng iba't'ibang artist buong mundo at makakakuha ng idea para sa susunod na kantang gagawin ko.

Siguro nga, dapat bitawan ko na yung kantang iyon, baka hindi talaga sya para sa akin. May mga bagay talagang akala mo pagmamay-ari mo na, hindi naman pala.

Naramdamam kong umandar na ang bus kaya ipinikit ko ang mga mata ko, gustong-gusto ko ang pakiramdam ng nakasakay ka sa bus, hindi ko alam kung bakit basta gusto ko lang.

Ng makarating kami sa lugar kung saan gagawin ang mga damit namin ay pinagsama-sama kami by group. Unang dinisscuss yung susuotin ng mga lalaki bago kaming mga babae. Iba pa rin ang mga susuotin namin sa mga magaganap na collaboration.

Unang kinunan ng sukat ang GOT7 then ang Bangtan tapos yung mga Trainees na lalaki. Sumunod ay ang miss A sunbaenim bago ang Harmony tapos yung mga Trainees na babae.

Habang kinukunan sila ng sukat ay tinignan ko yung catalogue kung saan nakadrawing yung mga gustong ipasuot sa amin para sa darating na concert. Yung iba ordinaryong damit lang, pero may part sa concert dapat pare-pareho kami ng suot dahil sa concept. Habang tinitignan ang mga drawingbna iyon ay nararamdaman ko na malapit na talaga. Ang Dream Concert ang unang concert na sasalihan ko simula noong trainee pa ako kaya naeexcite ako at the same time kinakabahan lalo pa at kacollaboration namin at ang isa sa pinakasikat na grupo sa Korea.

Nahuli kaming kunan ng sukat dahil kailangan pa namin hintayin si Jera Unnie dahil may shooting sya ngayon. Nung dumating sya ay sya ang inuna dahil kailangan nyang bumalik agad sa set ng movie nya, sumunod na kinunan ng sukat ay si EunSoo Unnie tapos si Hyemi Unnie bago ako.

"Ang ganda ng katawan ng batang to. Hindi mataba at mas lalong hindi payat, di kagaya ng ibang idols naku nakain pa ba ang mga iyon?" Comment sa akin nung designer habang may nakalagay na medida sa bewang ko. Isinulat nya sa isang notebook ang mga sukat ko. Maya-maya ay napatigil sya ng mabasa nya ang pangalan ko. "Yoora? Ikaw si Yoora?" Tumango naman ako bilang sagot kahit nakakapagtaka dahil naging hyper ang aura nya ng malaman nya na ako si Yoora.

"Naikwento kasi sa akin ni Mr. Jang na may collaboration ka with GOT7 at isang ang A sa kakantahin nyo. At dahil fan ako ng GOT7 at paborito ko ang kanta nila A, may naisip akong gawing damit para sayo" paliwanag nya habang may hinahanap sa mga nakahanger na damit sa may gilid.

Mula sa mga damit doon ay inilabas nya ang isang parang hanging blouse dahil mas mataas ang harapang parte nito. "Bagay to sayo, lalo pa at HipHop ang sayaw ng A. Komportable pa sa katawan" napatingin na lamang ako sa kanya habang sinusukat nya sa akin ang damit na iyon.

I never wear those kinds of clothes. Yung konting galaw mo lang makikita na ang kalukuwa mo sa sobrang ikli. Kung magsusuot man ako ng ganon ay may jacket o kahit ano pang magtatago sa katawan ko. Alam kong gusto nya lang ibagay ang mga damit na susuotin namin para sa performance namin pero hindi ko ata kayang isuot ang mga damit na ito.

Pinahawak nya sa akin iyon at may kinuha pang isang damit, napalunok ako ng makitang isang short na sobrang iksi ang ipapares nya sa hangging blouse na hawak ko.

"Isukat mo dali, para malaman natin kung bagay sayo" utos nya sa akin kaya napatingin ako kay Hyemi Unnie ngayon. Alam nila na hindi ako nagsusuot ng ganitong mga damit.

"Ayaw mo ba? Bagay kayo to sayo kasi ang ganda ngbkawatan mo tapos ang puti-puti mo pa lalo kang gaganda nyan"

"Ani, hindi lang po ako sanay na magsuot ng ganito" sagot ko sa kanya.

"Ang arte naman" narinig kong may nagsalita sa isa sa mga kasama ko sa loob ng kwartong iyon.

"Sunbae, baka hindi nagsusuot ng ganyan si Yoora sunbaenim kasi alam mo na baka may fats haha" biglang sabi ni Eun-ah tapos napatawa naman ang mga kagrupo nya. Napatingin ako sa kanya at namumula na sya sa kakatawa. Lumalaki na ang ulo ng batang ito.

"Meron ba?" Pabulong na tanong sa akin nung designer. Umiling ako saka naglakad papasok sa isang fitting room.

Pagpasok ko ay isang malaking salamin ang bumungad sa akin. Isinabit ko yung mga damit na ibinigay nya sa akin at humarap sa salamin. Alam ko sa sarili ko na hindi ko kayang magsuot ng mga revealing na damit pero hindi naman masamang subukan di ba?

"Yoora, ngayon lang to, pakita mong wala kang fats" hindi ko alam pero pakiramdam ko minamaliit ako ni Eun-ah dahil never nya akong nakitang nagsuot ng mga ganitong klaseng damit. Bumilang muna ako ng tatlo bago nagsimulang magbihis.

Ng matapos na ako at tiniganan ko ang kabuuan ko sa salamin. Bagay naman pala sa akin ang mga ganito,  sana kayang kong dalhin ng maayos.

Nakarinig ako ng katok sa pinto "Yoora Ok na ba?" Tanong nung designer. Pinalakas ko muna ang loob ko bago buksan ang pinto.

Nakita ko ang panlalaki ng mga mata nya dahil sa nakita. "Yeppuda!" Bigla nya akong hinila palabas ng fitting room at agad hinarap sa mga kasama ko. "Anong masasabi nyo? Bagay di ba?" Tanong nya. Hindi naman sila nakasagot at nakatingin lang sa akin lalo na yung nga lalaki kaya nakaramdam ako ng pagka-ilang.

"Kitang-kita ang mga curves ni Yoora" sigaw ni Hyemi Unnie.

"Nasan ang fats? Wala naman eh" dagdag pa ni EunSoo Unnie saka sya lumapit at inayos yung damit na suot ko.

-------------------------------




Noona Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon