Noona -9-

4.1K 262 57
                                    

Noona -9-

Empress Maknae Choi Yoora become one of the boys with Got7's JB and Bambam in the latest edition of Ceci.

-AllKpop

Ngayon yung release ng magazine na shinoot namin nila JB at BamBam. At hanggang ngayon ay kalat pa rin yung issue dun sa pagpost ni JB ng picture ko at pag-amin na may crush sya sa akin. Opo umamin sya na crush sya sa akin sa isa ding hiwalay na interview. Nagkagulo lahat ng fans nila most especially yung mga JB fans dahil doon. And because of that I started to get hates from his fans.

"Noona crush ka daw ni JB hyung?" tanong sa akin ni Jungkook habang nakatayo sa harapan ko. Kung itatanong nyo kung bati na kami? Opo bati na kami at nakadikit na naman sya sa akin ngayon palibhasa pareho kaming walang schedule. Hindi nya alam na si JB yung dahilan kung bakit kami nag-away noong nakaraan. HIndi ko na din sinabi dahil baka lumala pa lalo pat ngayon ay may issue sa aming dalawa.

 Kasalukuyan akong nagsusulat sa notebook habang naka-upo sa may sofa dito sa salas ng dorm namin. Inangat ko yung mukha ko at nakasalubong kami ng tingin. Itinaas ko yung mga balikat ko at ibinalik yung attention ko sa sinusulat ko. Ano namang gusto nyang sabihin ko tungkol dun? Na masaya ako kasi naging crush ako ng isang Im Jae Bum? Syempre nakakaflutter na malaman na may nagkakagusto pero kung kagaya mong K-idol at may malaking fanbase aba nakakatakot yun.

"Noona" tawag nya ulit sa akin, yung tono ng boses nya ay nagdedemand na sagutin ko sya. Umupo sya sa tabi ko habang ako patuloy lang sa pagsusulat. Ngayon lang ulit may mga lyrics na pumasok sa isip ko kaya lulubusin ko na to.

"Mamaya ka na magtanong tatapusin ko lang to" sabi ko pero hindi ko pa rin sya tinitignan. Inagaw nya sa akin yung notebook ko kaya napaharap ako sa kanya.

"Jungkook ano ba!"

"Ano yan?" kumunot ang noo ko sa tinanong nya. Nakaturo kasi yung daliri nya sa may mata ko. Kinapa ko yun at wala naman akong maramdaman na kakaiba sa mata ko.

"Naglagay ka na naman ng mascara Noona! Di ba sabi ko sayo wag kang maglalagay ng ganyan? Paano kung pumasok yan sa mata ha? Tsaka makapal naman yang eyelashes mo bakit naglalagay kapa ng ganyan ha? Isa pa makakalimutin ka magtanggal ng ganyan!" pangaral nya sa akin. Oo nga pala, nakalimuyan kong tanggalin yung mascara ako.

"Sorry naman! Nakalimutan ko lang tanggalin" sabi ko sa kanya. Nag-cross arm naman sya.

"Bakit ba kasi naglagay ka pa ng ganyan? Nasa dorm ka lang naman" parang Nanay na tanong nya. Heto na naman sya sa pagiging nagger.

"May tinary na make-up si Jera Unnie kanina, ako lang naman ang tao dito kaya ako yung ginawa nyang model." paliwanag ko. Ako yung matanda dito pero ako yung nagpapaliwanag para sa sarili ko.

"Tsk tsk sana tinanggal mo agad pagkatapos" nailing na dagdag nya pa. Inipit ko yung ballpen na hawak ko dun sa notebook at saka tumayo.

"Sorry na po ha Jungkook Oppa. Eto na po, aalisin ko na po" pang-aasar ko sa kanya bago pumasok sa banyo. Naghilamos ako para matanggal yung mascara at iba pang make up na inilagay ni Jera Unnie kanina.

Pagkalabas ko ay binabasa ni Jungkook yung nakasulat sa notebook ko.

"Wag mo ngang basahin yan" kinuha ko mula sa kanya yung notebook, nakakahiya kasi. Ang Bangtan saglit lang makagawa ng magagandang kanta lalo na si YoonGi Oppa, eh ako yung isa di ko pa matapos tapos.

"Teka, ang ganda nga nung nasa unahan eh" sabi nya habang pilit na kinukuha ulit yung notebook.

"Wag ka ngang makulit, hindi pa to tapos" sabi ko sa kanya. Tumigil naman sya saka nag-pout bago sumandal sa sandalan ng sofa.

"Duga ni Noona, ang ganda na nga nung isa eh, pero bakit di tapos?" tanong nya. Sinamaan ko naman sya ng tingin saka tinabig yung mga paa nyang nakapatong sa ibabaw ng cenyer table para makadaan ako.

"Kasi may isang bata dyan na nakigulo para matapos ko yung kanta" umupo ako sa tabi nya at binuksan yung T.V. Sakto namang News yung palabas kaya nanood ako.

GOT7's JB wants to be close with Empress Choi Yoora.

Yan yung nakasulat sa baba ng screen tapos ipinapakita si JB na iniinterview.

"Neh, gusto ko pong mas mapalapit pa sa kanya hindi dahil sa crush ko sya pero sa tingin ko mabuti syang tao and she's a good influence sa mga kabataan ngayon" nakangiting sagot nya. Sa totoo lang nakaramdam ako ng inis. Siguro naman aware sya na malaki ang fanbase nila kaya aware din sya sa maaaring mangyari sa akin. Alam ko naman na hindi lahat ng fans nila ay immature pero meron pa rin na ibabash at ibabash ka kahit walang kang ginagawa. Hindi din naman ako nagmamaganda pero nakaka-inis na ibobroadcast nya pa.

Sa inis ko, inilipat ko yun sa ibang channel. Hindi ko gusto yung palabas kaya inilapt ko ng inilipat hanggang sa agawin sa akin ni Jungkook yung remote.

"Noona may balak ka bang sirain yung T.V nyo?" tanong nya. Napabuntong hininga naman ako.

"Galit ka ba?" umiling ako saka sumandal. "Ayoko ko lang sa ginawa ni JB." sagot ko. Naiinis talaga ako eh. Ako kasi yung magmumukhang masama dito. Iisipin ng fans nya na nilalandi ko sya.

"Ang tapang nya nga eh. Umamin sya. Ako kaya aminin ko ring crush kita Noona?" naramdaman ko yung pang-angat ng dugo ko sa mukha ko. Tinignan ko ng masama si Jungkook at mas lumaki yung ngiti nya.

"Yiee nagbublush si Noona. Crush mo rin ako no?" asar nya. Kinuha ko yung maliit na unan saka hinampas sa kanya. Baliw tong batang to.

"Subukan mong sabihin na crush mo ako sa media, ipapadala kita sa planeta ni Taehyung makikita mo." subukan nya talagang dumagdag sa issue at mamemeet and great nya yung mga alien sa outerspace.

"Pero crush mo rin ako, Noona?" tanong nya. Kinuha ko ulit yung unan at pinaghahampas sya saka tumayo dala yung notebook ko.

"Asa ka" sagot ko sa kanya.

Pumasok ako sa kwarto ko at inilagay yung notebook ko sa maliit na study table saka nagsuklay.

Pagkalabas ko ay nandoon na si Seok Jin Oppa at kinaka-usap si Jungkook.

"Paano na si Suga hyung nyan, hyung?" malungkot na tanong ni Jungkook. Anong meron kay YoonGi Oppa?

Sabay pa silang napalingon sa akin nung marinig nila yung pagsarado ng pinto ng kwarto ko.

"Anong meron kay YoonGi Oppa?" tanong ko, sasagot na sana si Seokjin Oppa ng bumukas yung pinto ng dorm namin at pumasok si Yoongi Oppa habang nakangiti.

"Oh anong meron sa akin at ganyan ang mga mukha nyo?" tanong nya.

-------------------------------------------------------------

Whot Whot! may UD after 123456789 years XD..

Comments pleasue ♥♥♥


Noona Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon