Chapter 37

3K 51 0
                                    

[Alexander]

"Ready, baby?" Tumango ito.

Magkahawak kamay kaming bumaba sa sasakyan.

We are heading to MGC to talk to lolo.

"What if natransfer n'ya na nga kay Alexis ang kompanya, Alex? Ano na ang mangyayari sa atin?"

Natatakot din ako na ganun na nga ang naging desisyon ni Lolo pero gagawin ko lahat 'wag lang mawala si Steffi sa akin.

"Everything's going to be fine, baby. You'll see."

***
Pinapasok kami sa office ni Lolo ng secretary n'ya. She told us na he's in a meeting pero pabalik na.

"My boy." Tumayo ako sa sofa when I saw lolo nearing.

"Lolo. Mano po." Nagmano ako sa kanang kamay n'ya. Kahit lagi kaming nagbabangayan nito mahal na mahal ko ang lolo ko. Kahit ayaw ko sa kompanya n'ya hindi nawala ang paggalang ko sa kanya bilang ama ng nanay ko.

"What brought you here, Hijo?" He ask as he commanded us to sit on his office sofa.

"Lolo, meet Steffi Andrews, my girlfriend." Steff kissed lolo's cheek before she sat down on the sofa.

"Kay gandang nilalang."

Steffi chuckled. "Bolero po pala kayo sir."

"Hindi, Hija. Marunong lang akong mag aprreciate ng beauty na tinatawag." He winked at Steff and they laugh together.

Close sila agad ah. Good sign.
Tumikhim ako.

"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa, Lolo. Tinatanggap ko na po ang pamana n'yo."

Lolo's eyes brighten.

"At last, Hijo." He can't contain his happiness.

"Kung hindi lang dahil kay Steff hinding hindi ko gagawin ito, Lolo." I looked at Steff. Hold her hand and smiled.

"So you already knew about the deal?" Sabi nito habang palipat lipat ang paningin sa aming dalawa. Tumango naman ako.

"Yes, lolo. Ang pilyo n'yo po. Ginawa n'yo talaga lahat para mapa oo lang ako." Tumawa lang s'ya.

"I'm not getting any younger, apo. Alam mong ikaw lang ang paborito ko sa inyong lahat." Seryosong sagot nito sa akin.

"Lolo, andyan naman po si Alexis para mamahala sa kompanya n'yo. Wala po akong alam sa ganyan. Wala din po akong hilig." Pagpupunto ko pa sa kanya.

Umiling iling lamang ito.

"Apo. Alam ko. Pero magagawan natin ng paraan 'yan. Papaturuan naman kita. Ayoko lang na mapunta sa wala ang lahat ng pinaghirapan ko. Ikaw lang ang matino sa mga apo ko. Ikaw lang ang alam kong kayang mapanindigan ang tuwid na landasin."

Alam ko na ang ipinupunto ni Lolo. Dalawa lang sina Mama at Tita Aimee na magkapatid. Dalawa lang din kami ni Alexis na magpinsan. Alam ni lolo ang ugali ng pamilya ni Tita Aimee. Lalo na't sugarol ang asawa nito at ganid naman sa kayamanan ang pinsan kong si Alexis. Kaya wala talagang choice si lolo kung kaya't naging disperado na s'yang maipamana sa akin ang kompanyang ito.

"Hay! Ang lolo ko. Kung hindi lang po sa mahal po kita at pabor po sa akin ang gagawin mong pagpapakasal sa amin ni Steff hinding hindi ko po tatanggapin ang inaalok n'yo. Sobra sobrang biyaya po kasi ito para sa akin Lolo." Napangiti na lamang na napapailing si Lolo.

"Kaya kita gusto, apo. Hindi ka kailanman nagkainteres sa kayamanan ko. Marapat na sa'yo ko ihabilin ang lahat ng ito."

"Kung hindi lang sa nagpapakipot itong girlfriend ko na pakasalan ako lolo akala mo papatusin ko yang alok n'yo? Ikaw lang pala ang makakapagpa oo sa babaeng ito." Natawa nalang din ako.

Kinurot naman ako ni Steff sa tagiliran kaya napaigtad ako.

"Aray. Lolo 'wag nalang pala. Umaatras na ako. Ang sadista eh."

Nagkatawanan nalang kami nina Lolo.

***
Masaya kaming lumabas ng building na iyon.

We're going to see her parents para iannounce ang magandang balita about her dad's company at ang nalalapit naming kasal.

Nasa daan na kami ng mahalata kong may sumusunod sa amin na itim na kotse kanina pa.

"Honey, please fasten your seatbelt." Nagtaka naman ito sa utos ko.

"Do as I say." Agad naman ito tumalima.

Pinaharurot ko ang sasakyan pagkatapos.

Doon ko nakomperma na kami nga ang sinusundan ng kotseng itim.

Ano kaya ang kailangan nila sa amin? Bakit kaya nila kami sinusundan? Bahala na. Kailangang mailayo ko si Steff sa kapahamakan.

***
I'm driving as fast as I can. Sa bawat pagtapak ko sa silinyador ay s'ya ring pagbibigay ng pag asa para makaligtas kami sa nakaambang na trahedya na dulot ng kung sino mang humahabol sa amin.

At sa bawat pagtapak ko sa preno ay s'ya ring nagdadahilan upang maging mas malapit kami sa disgrasya. Kung kaya't hanggang maaari, ano man ang mangyari, hinding hindi ako tatapak sa preno.

"Hold on, baby. We're speeding up."

I looked at her. Sa dami ng pinagdaanan namin hindi ako papayag na sa ganito nalang magtapos ang lahat. Hindi rin dito matatapos ang aming buhay.
I get a hold of her hand and kissed it. Tears are falling from my eyes.

I just want to have a happy future together with her pero bakit ganito at sinusubok kami ng kapalaran?

"I love you, Alexander. I will always love you." She said as she gripped my hand as tears fall down from her eyes.

Kapwa namin alam na nanganganib ang aming buhay.
I don't want to think about who or why they are following us. Ang importante sa akin ngayon ay ang makaligtas kaming pareho ng mahal ko.

Tinapakan ko ng mariin ang silinyador at pinaharurot ang sasakyan. Sobrang bilis na namin pero ang mga humahabol ay nakasunod pa rin at dumidikit na sa mga oras na ito.

"Yumuko ka, baby." I said as I saw someone from the passenger side put out his machine gun at akmang papuputukan na kami.

Kapwa kami yumuko ni Steff ng simula kaming pagbabarilin ng mga nakasakay sa humahabol sa aming kotse.

Alam kong wala na. Huli na ang lahat. Niyakap ko si Steff. Mahigpit na mahigpit as if im never letting her go.

"I love you forever baby."

Umekis ekis ang takbo ng sasakyan.Pumutok na ang gulong nito.

Blaaaaaaggg....

SEDUCING MY BROKENHEARTED BESTFRIEND Book 1: You Were Mine All AlongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon