Chapter 5

5.4K 99 0
                                    

[Alexander]

Tumigil ako sa tapat ng isang anchestral house.

Halatang Spanish Era pa itinayo ang bahay pero dahil na rin sa pagmemaintain ay napanatiling maayos ang napakalaking bahay na bato na ito.

It was surrounded with roses and orchids.

Ang sarap ng simoy ng hangin.
Ang calm at ang relax ng atmosphere.

It is my Lola's house.

Bumaba ako at nag-inat. Nakakapagod ang byahe. Mga 2 hours yata akong nagdrive. Ito kasing kasama ko kung hindi pumuputak eh tulog naman ng tulog. Ayan at natutulog pa sa kotse.

"Alexander?"

Bungad ni Lola. Narinig n'ya sigurong may dumating na kotse.

"Lola. I missed you." Sabi ko sabay halik sa pisngi n'ya at niyakap s'ya.

"Its been years, hijo. Napadalaw ka?" Takang tanong nito.

Last na punta ko dito noong college days ko pa at kasama ko si Trish.

"Actually i'm with someone, Lola."

Sumilip naman ang matanda sa likod ko pero wala s'yang nakita. I opened the door on the passenger side of the car.

"Hmmm. Beautiful. Who is she?" Nangunot ang noo ni Lola.

"My wife, Lola."

Nanlaki ang mga mata ni Lola.

"Damuhong bata ka! Kailan ka nagpakasal ha? Bakit hindi ko alam? Alam ba 'yan ng mama at papa mo?"

Pinaghahampas pa ako ng dala n'yang walis.

"Lola naman. Isa isa lang ang tanong. Actually, Lola, sa Judge palang kami kasal. Whirlwind romance, Lola. Ayaw ko ng pakawalan at baka matulad lang sa nangyari sa amin ni Trish."

Lumungkot ang mukha ko ng maalala ko si Trisha. Which reminds me na this past few days ay hindi ko na s'ya masyadong naiisip. 'Yong sakit sa puso ko ay naandyan pa rin pero hindi na kasing sakit gaya ng dati.

Natahimik naman si Lola at maya maya ay niyakap na ako. Isa s'ya sa mga dumamay at tumawag sa akin when she heard the news about Trisha.

"I'm happy that you've moved on, Hijo. She's beautiful ha. Magaling kang pumili, Alexander. Mana ka sa ama mo. Which reminds me. Nakatawag na ba ang animal mong ama? Kamusta na sila sa US?"

Si Lola talaga. Mukhang galit pa rin kay daddy. Nagmigrate na kasi ang parents ko sa Texas kaya kahit ako taon na din ang inabot ng huli kong makita sina Daddy.

"Hindi pa po, 'La. Busy siguro sa trabaho."

Engineer kasi ang tatay ko doon. At naisip n'yang isama nalang din doon si Mommy. Ako lang ang nagpaiwan dito dahil sa trabaho ko at kay Trisha.

"Ewan ko ba sa tatay mo. Nag iisang anak ka lang naman pero ang siste parang may binubuhay na limang pamilya kung makapagtrabaho. May kabit ba ang tatay mo?"

Napahagalpak ako ng tawa sa tanong ni Lola.

"Naku, 'La, wala po. Talagang workaholic lang si Dad. 'Di mo manlang ba kami papapasukin, 'La? Nagugutom na ako eh." Pag-iiba ko ng usapan.

Alam kong hahaba pa ang litanya ni Lola patungkol kay daddy 'pag nagkataon.

"Ay oo nga pala. Sige ihahanda ko lang iyong mesa. Gisingin mo na yang asawa mo at ng makilatis ko."

Ayon at pumasok na sa bahay. Napailing na lamang ako.

"Si Lola talaga. Kahit kailan hindi na nagbago."

SEDUCING MY BROKENHEARTED BESTFRIEND Book 1: You Were Mine All AlongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon