Chapter 4

5.1K 102 2
                                    

[Steffi]

Galit ba s'ya? Parang nagsasalubong kasi talaga 'yong mga kilay n'ya.

Dahan-dahan akong pumasok ng kotse. Nilingon n'ya ako saglit at bumuntong-hininga pero hindi naman s'ya nagsasalita. Nakayuko lang ang ulo sa may manibela.

"May problema ba, Lex?" I asked. Mahirap hulaan kung ano ang iniisip n'ya.

"Why do you have to pose like that?"

"Tss! Its all about my work lang pala. Akala ko naman kung ano ang pinuputok ng butsi mo. Alex naman. Years and years ko na ginagawa 'tong pagpopose sa mga magazines. Friends palang tayo ganito na ang work ko. Bakit ngayon parang pinipigilan mo ako sa ginagawa ko?"

"Hindi naman sa ganoon, Steff. Pwede ka namang magpose. 'Yong mga wholesome naman sana. Bakit ba kailangan mo pang ipangalandakan sa buong mundo 'yang katawan mo?" sumisigaw na s'ya. Galit na galit nga yata 'to.

"Hell! I'm not! It's just a part of my job. I love what I do, Lex. Kaya wala akong reklamo whatever pose they want me to do. At saka pag nasa magazine na 'yong mga pictures ko 'di naman makikita talaga 'yong maseselang parte ng katawan ko. Silhouette nalang naman." Pagpupunto ko pa.

"Pero maraming lalaki ang pinagpapantasyahan ang mga litratong 'yan. If I know, they used it when they masturbate." Namula ako sa sinabi n'ya. I guess it's true.

"Teka! Teka! It's their problem. And besides hindi naman totoong ako 'yon. It's only pictures."

"Pictures lang? The hell, Steff! 'Di lang 'yon basta pictures mo. Ginagawa ka nilang sex object. You get it?" Namumula na talaga s'ya sa galit.

"Teka bakit affected ka yata masyado, Alex? It's a normal thing. I earn my living through it. You have to understand that. I don't pose just to be disrespected. Dapat mong maintindihan na 'yon ang nature ng trabaho ko."

Hindi na s'ya nagsalita.

"Nagseselos ako."

Teka! Did I hear it right? Tunay ba? Nagseselos talaga s'ya?

"Pakiulit nga 'yong huling sinabi mo, Lex?"

Sinamaan n'ya lang ako ng tingin.

"What? I said ulitin mo 'yong sinabi mo."

"Nagseselos nga ako! Ano? Malinaw mo na bang narinig o nagbibingi-bingihan ka pa din?"

"Hahahaha. Hala!" 'Di ko talaga mapigilang matawa. "Ano ba, Lex? You told me you can't love me. Na,  you don't want to fall inlove with me. Eh bakit ka nagseselos ngayon?"

Tawa pa din ako ng tawa. Ang sama na talaga ng tingin n'ya sa akin.

"Okay. I'll stop laughing now. I just can't believe what i've heard."

"Tss! D'yan ka na nga." Lumabas na s'ya ng kotse. Napikon yata sa 'kin.

"Hey! Lex, naman. Bumalik ka na sa kotse! Please! Mag-usap na tayo."

"Paano tayong mag-uusap eh pinagtatawanan mo lang ako?"

Patuloy lang s'ya sa paglalakad.

"Bumalik ka na nga sa loob please. Sige na. Uwi na tayo sa condo ko."

Sunod ng sunod pa rin ako sa kanya. Ni hindi tumigil kakalakad. Nakaheels pa man din ako. Hirap tuloy akong sundan s'ya.

"Okay i'll make a deal with you."

Hay sa wakas tumigil din at hinarap ako.

"What?"

"Halika na nga sa kotse. 'Wag ka ng maarte."

SEDUCING MY BROKENHEARTED BESTFRIEND Book 1: You Were Mine All AlongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon