Chapter 19

4K 78 1
                                    


[Steffi]

Tiningnan ko kung nasaan si Alex. Palinga linga ako sa paligid.

Sa may kusina ako dumaan palabas ng bahay.

Nagyayaya kasi ang barkadang gumimik sa may Malate.
Ayaw ko namang isama si Alexander dahil naaalibadbaran ako.

Baka ano pa ang masabi at magawa ko sa kanya kapag nalasing ako kaya iiwasan ko nalang s'ya. Tatakasan ko nalang s'ya ngayon.

"Sakto. Mukhang wala ng tao sa may kusina. Natutulog na yata sina manang."

Napangiti ako ng masiguradong natutulog na ang lahat.

Saktong palabas na ako ng gate ng mapansin kong may taong nakasandal sa pader at mukhang inaabangan talaga ang paglabas ko.

"Where do you think you're going miss?" Tanong n'ya sa akin.

"Pakialam mo ba? Tabi nga d'yan. Dadaan ako."

Humarang pa ito lalo sa daraanan ko.

"Alexander, ano ba?! Kung sasama ka sumunod ka nalang at 'wag mo akong pinipigilan."

"Tss! Ganoon naman pala 'yon kadali eh. Bakit kailangan mo pang dumaan sa may kusina?"

Tsk! Nakita n'ya pala akong doon dumaan.

"Pakialam mo ba?"

"Alam kong wala kang balak pasamahin ako. Kung may plano ka, sana kinausap mo ako hindi yung aali-aligid kang parang magnanakaw d'yan."

"Bwisit ka talaga, De Guzman! Hmmmmp!"

Tinalikuran ko na ang animal at pumasok ng bahay.

"Oh saan ka na pupunta? Akala ko ba gigimik tayo?"

"Gumimik kang mag isa mo! Nawalan na ako ng gana."

Tuluyan na akong pumasok sa kwarto.

"Nakakainis talaga. Bwst! bwst! Bwst! Lubayan mo na ako, Alexander!" Pigil kong sigaw sa ilalim ng unan. Nakakabadtrip talaga ang lalaking 'yon.

Sirang sira na talaga ang araw ko dahil sa bwisit na lalaking 'yon.

***
Patulog na sana ako ng biglang may kumatok sa pintuan.

"Anong kailangan mo? Kitang matutulog na 'yong tao."

"Nakalimutan sigurong sabihin ng Daddy mong magkatabi tayong matutulog, Steff."

"What?? Are you out of your mind???" Halos manlaki ang mata ko sa gulat.

Ano naman kaya ang iniisip nang Tatay ko at pumayag na magtabi kaming matulog ng animal na ito?

"Its for your protection my princess. Mas mababantayan kita kung nasa tabi mo lang ako palagi." Seryosong sabi nito pero halata ang kapilyuhan sa mga mata n'ya.

"Where's Daddy? I want to talk to him."

"Tss! Bratt. Alam mong pagod sa trabaho ang Mommy at Daddy mo tapos gigisingin mo lang para magreklamo? Maawa ka naman sa mga 'yon."

Kakalbuhin na talaga kita De Guzman. Peste!

"Doon ka matulog sa sala o 'di kaya sa may gate o d'yan sa labas ng kwarto. 'Wag dito!"

"Sorry. Sumusunod lamang ako sa utos."

Nilampasan ako ng animal at humiga na sa kama ko.

"Kama mo? Feel at home ah. Umalis ka nga d'yan!"

"No. I'm sleeping in here. Baka gusto mong matulog sa sala o 'di kaya sa may gate o 'di kaya sa labas ng kwarto?"

"Grrrr! Peste ka talaga!"

SEDUCING MY BROKENHEARTED BESTFRIEND Book 1: You Were Mine All AlongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon