Chapter 21

4.3K 80 0
                                    

[Steffi]

"Steffi, Alexander. Get into the set. We will start the pictorial."

Nakairap pa rin ako sa animal habang pabalik ng set.

Kung hindi nga lang dahil sa kanya siguro maeenjoy ko ang photoshoot na 'to like I always do. Pero hindi... At alam kong masisira pa ang araw ko kalaunan.

Kung hindi lang dahil kay Direk baka kanina pa ako nagpack-up at nagwalk out.

Nginisihan lang ako ng animal.

Grrr! Peste talaga ang Alexander na 'to.

"Now. Listen. Alexander, since you are new, you have to focus on what I tell you. As much as possible give the exact emotion i'm telling you to make."

Tumango naman ang animal.

Seryoso rin ito sa pakikinig kay Direk. Duh! Feeling model talaga.

"Now, get ready. First pose, happy couple."

What the?! Bakit may ganito ngayon? Usually 'yong mga photoshoot ko 'yong nang-aakit lang. O nagpapatalbugan lang kami nina Eve sa pictorial... pero ito? Happy couple daw? Damn!

Nagulat ako ng akbayan ako ni Alexander. Tumitig s'ya sa akin at ngumiti.

Sh*t! Stop that, Alexander!

"Nice pose, Alex. Hindi ka pala mahirap turuan. Now, Steffi. What are you doing? Bakit parang sambakol 'yang mukha mo? Smile. Look at him, the same way he looked at you."

Napabuntong hininga na lamang ako. Kailangang matapos namin itong shoot na 'to. Kung kinakailangang plastikin ko ang lahat ng emotions gagawin ko.

Goodness! Why do I need to do this? Why do I always get stuck with my damn ex-boyfriend all the time?

I looked at him and smiled. Halatang peke.

"Steffi, act natural." Saway ni Direk sa akin.

Humugot ako ng malalim na hininga. Kakalimutan ko muna ang galit, sakit at pagkamuhi sa taong ito hanggang matapos ang photoshoot.

I smiled at him the same way he does. Ang sistema ay nakaakbay s'ya sa akin and then he looked down at me a bit then ako naman ang nakatingala sa kanya ng konti habang nakangiting nakatitig din sa kanya.

*camera clicks*

"Very good. Ang ganda. Parang totoong happy couple. Well sabagay talaga namang perfect for each other kayo." Commento pa nito.

Sh*t lang eh. Akala yata ni Direk kami pa rin ng animal na ito.

Hay! Akala ko ba model lang ako? Bakit ngayon daig ko pa ang akting ng artista sa telenovela?

"Next pose. Sweet moments."

"Anong sweet moments ang pinagsasabi mo Direk?! Mukha bang magiging sweet kami ng animal na ito?" Gusto kong ipagsigawan pero nanahimik na lamang ako habang pinapatay ang Alexander na ito sa utak ko.

Nabigla naman ako ng yakapin ako ni Alex sa likod habang humahalik sa gilid ng buhok ko.

Sh*t! Nananantsing na yata ang animal na ito ah.

Nabigla ako lalo ng dumikit pa s'ya sa katawan ko.

Oh my! I can feel his manhood on my bossom. I'm feeling hot. Pakiramdam ko namumula ako.

"Cute pose. Para namang hindi ka baguhan, Alexander. Ang galing mo. You surpasses what I have in mind. Ang cute ninyong tingnan."

"Pambobola na 'yan, Direk. Lumalaki na ang tenga n'yang animal na 'yan!" Sigaw ko ulit sa utak ko.

SEDUCING MY BROKENHEARTED BESTFRIEND Book 1: You Were Mine All AlongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon