Chapter 1

10.1K 147 1
                                    

[Alexander]

Napatigil ako sa ginagawa ko sa computer. Naalala ko kasi 'yong last trip ko sa Boracay with my bestfriend Steffi.

Napapailing nalang ako na natatawa kapag naaalala ko 'yong ginawa n'yang pang-aakit sa akin.

Luckily napauwi kami ng Manila ng araw ring iyon dahil na rin sa fashion show na sasalihan nila. Nag-iba ang schedule kaya napa-aga ang uwi namin.

Sabi ko naman sa kanya 'yong two days lang dapat na 'yon ang ibibigay ko at susubukan ring pagbigyan ang sarili kong mahalin siya pero tila tadhana na yata ang gumawa ng paraan.

Siguro hindi talaga pwede.
Kasi hindi tama dahil bestfriend ko lang s'ya.

Siguro ayaw ng pagkakataon at dininig rin ang hiling ko na sana hindi s'ya masaktan ng dahil sa akin. Hindi tamang ako pa ang sisira sa magandang samahan namin. Alam kong mahal n'ya ako at i'm willing to give everything I can just for her to be happy, pero 'yon ay dahil sa kaibigan ko s'ya.

"Huwag ko na nga lang iisipin 'yon. Madali na namang umiwas ngayon. May rason na ako sa pag iwas dahil sa trabaho ko." Nasabi ko nalang sa sarili at tinuloy ko na ang ginagawa kong report.

(Tok tok tok...)

Someone knocked on our office door. Si Leah, Secretary ng Head ng Department namin.

"Mr. De Guzman, tawag ka ni sir sa office n'ya."

"Bakit daw, Ms. Leah?"

"Confidential. A new case I guess." Kibit-balikat nitong sabi.

Napangisi naman ako. I'm sure mapapalaban na naman ako nito. Namiss ko din ang magtrabaho after a week vacation.

I knocked twice bago ko narinig na pinapapasok na ako ni Sir sa office n'ya.

"Good morning, Sir." Bati ko sa kanya.

"Sit down, Agent De Guzman. I'm giving you a new mission here. Are you willing to take it?" He said as he handed me a folder.

Inilapag ko sa mesa ang ibinigay n'ya. Mamaya ko nalang aalamin ang details.

"Yes, sir. Its a part of our job kaya kahit ano pa 'yan at sino pa 'yang poprotektahan ko, makakaasa po kayo na I will give my 100 percent."

"Good. That why I like you, Agent. I hope you get along well with this client. Medyo may pagkabratt kasi s'ya."

Tss! I know I can handle her. Kinaya ko nga ang kamalditahan ng bestfriend kong si Steffi.

We heard a knock on the door at halos malalaglag ako sa upuan ko, napapanganga at pinagpawisan ng pumasok ang subject ko.

Na walang iba kundi...

"Come Ms. Andrews. I want you to meet Agent De Guzman here. Pumayag na s'ya to be your bodyguard as you requested."

"Thank you po. Its settled then. Is he available now, Mr. Marasigan? Can I take him with me?" She asked, grinning.

"Yes, Ms. Andrews. His duties with you started this moment."

Lumabas kami ng silid ng nakatanga pa din ako at hindi makapaniwala. Pakiramdam ko sasabog ang ulo ko sa frustration at inis. Naisahan na naman ako ni Steff.

"Ano na naman bang pakulo ito Steff?"

Ngumisi lamang sya at nag abrasyete sa akin. "Lets go i'm starving."

Anak ng... kapag minamalas ka naman talaga. Paano ko pa pagtataguan at iiwasan itong bestfriend ko gayong s'ya pala ang mission ko?

Lord help me!

SEDUCING MY BROKENHEARTED BESTFRIEND Book 1: You Were Mine All AlongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon