Chapter 36

3.4K 60 0
                                    

[Alexander]

"Baby sana 'di na matapos ang gabing 'to. Nagsisisi na ako sa ginawa kong pakikipagbreak sa'yo. Tayo nalang ulit, please"
Paglalambing ni Steff habang nakasiksik ang ulo sa may kilikili ko. Favorite spot n'ya yata eh.

"Hmmm. Let me punish you more before I give in."

I heard her laugh.

"Sadista ka rin eh." Pinaghahampas ba naman ako.

"Tss! Kung 'di lang kita mahal akala mo babalikan pa kita?" I pinched her nose.

"Hahaha. Eh 'di pwede pala akong magkasala palagi kasi papatawarin mo rin naman ako."

"Masaya ka. Nasasaktan din naman ako, baby."

Napabuntong hininga ako. Ang dami na naming pinagdaanan. Pagod na rin akong masaktan. Pero para sa kanya kakayanin ko lahat.

"Pero para sa'yo, baby, handa kong tiisin lahat. Dahil sobrang mahal kita. Kahit ilang milyong beses ka pang magkamali papatawarin kita pa rin kita." I kissed her forehead which made her smile.

"I miss us like this, baby. Sana ganito nalang palagi. Sana tayong dalawa nalang ang ikakasal at hindi kami ni Alexis Montreal Barrameda." Lumungkot ang tinig n'ya.

Ayoko nang madagdagan pa ang mga nasayang naming sandali ng mahal ko. Kapwa lamang kami nahihirapan gayong hindi naman dapat.

"Sino bang nagsabing si Alexis ang papakasalan mo, baby?"

Nacurious naman ako. Paanong naconclude n'ya na si Alexis ang papakasalan n'ya gayong sabi ni lolo sa akin n'ya ipapamana ang kompanya.

"Siya. Kasi s'ya lang naman ang apo ni Eduardo Montreal."

Napakuyom ang kamao ko. Kahit kailan talaga kinakalaban ako ng animal na 'yon.

"Napakasinungaling talaga ng pinsan kong 'yon kahit kailan."

"Sandali. Pinsan?" Nangungunot ang noong napatitig si Steffi sa akin.

"Yes, baby. Pinsan ko si Alexis. At hindi s'ya ang papakasalan mo kundi ako. Alexander Montreal De Guzman at your service ma'am."

Nanlaki ang mata n'ya tapos napanganga siya. Natawa tuloy ako.

"Baby singkit ka pero ang laki ng mata mo ngayon tapos close your mouth baka pasukin ng langaw 'yan."

Pinagpapalo ba naman ako habang umiiyak.

"Peste kang animal ka. Pinahirapan mo ang loob ko. All this time ikaw lang pala ang papakasalan kong gago ka. Kaya nga ako pumayag na gawin mo sakin 'yon kanina kasi akala ko maghihiwalay na tayo. Bwst ka talaga, Alexander."

Natawa tuloy ako.

"Kung makamura ka naman, baby. Ikaw naman kasi nakipagbreak ka agad hindi mo manlang ako kinosulta. Marapat lang na gantihan kita sa masarap na paraan. Hahaha."

Pinagkukurot na naman n'ya ako.

"Salbahe ka, Alexander. Makikita mo. 'Di mo na ako matitikman ulit."

"Talaga?" Dinaganan ko nga.

I teased her, I grind my legs. I know she's feeling my hard-on already.

"Sh*t. Alex, stop that please. Hmmm." Kumapit na sa leeg ko ang mga kamay n'ya.

Kailangan kong masolusyunan ang problema naming 'to. Kakausapin ko bukas na bukas din si Lolo. Tatanggapin ko na ang pamana n'ya, para kay Steff, para sa pamilya n'ya, para na rin sa ikaliligaya ng lolo ko.

But for now. (I grinned) I'm going to make love with her again.

"Baby, I have something for you."

SEDUCING MY BROKENHEARTED BESTFRIEND Book 1: You Were Mine All AlongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon