"But everything changed so fast! I know, nag-seselos lang siya kay Cherry. Alam ko iyon." Umiling siya at tumuwid ng pagkaka-upo. "Wrong timing lang siguro ako. I think naging mabilis ako, kung kinakailangan ligawan ko siya in public gagawin ko. Tama! Liligawan ko siya ulit then tatanungin ko siya ulit kung pwede ko na siyang maging girlfriend." Pagpapalakas niya sakanyang sarili.

Tumingala ako para mapigilan ko ang nagbabadyang luha na tumulo sa aking mata. Ang hirap maging kababata lamang. Ang hirap maging kaibigan lang. Yung taong gustong-gusto mo, nagcoconfess sayo tungkol sa taong nagugustuhan niya. What a life!?

"Eion, hindi ikaw yan." Iling ko.

Ang kilala kong Eion ay hindi gagawin ang mga kawalang kwentang bagay na iyan. I know! Mataas ang pride ni Eion. Trademark na niya ang pagiging suplado, ang pagiging hollowed man. He's a tough man. Hindi yung ganitong kailangan niya ulit ichase ang Klare Montefalco na iyon.

Matalim niya akong tinignan.

"Anong hindi ako ito? Palibhasa kasi hindi ka pa nagkaka gusto at I'm sure hindi ka pa naliligawan kaya ka ganyan umasta!"

Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Wala siyang alam! Sadyang kilala ko lang talaga siya! Mukhang hindi niya na kilala ang sarili niya dahil sa Klare Montefalco na iyon.

"Wala kang alam, Eion!" Tumaas ang tono ko.

"Then mind your own business, Ice! Hindi iyong pinapakealaman mo yung gusto kong gawin. Sino ka para sabihin saking hindi ako 'to?!" Galit na sabi niya.

Pinunasan ko ang luhang tumulo sa pisngi ko.

"Really? Tss. Then good luck!" Tska ako mabilis na naglakad palabas ng bahay nila.

Nag-uunahan ang mga luha kong gustong kumawala sa mga mata ko. Tama siya! Sino nga ba ako para sa buhay niya? Wala! Pero tangina naman. Wala siyang alam sa nararamdaman ko. Ilang beses na akong nagkaka gusto sa iisang tao at ilang beses narin akong nasasaktan. Alam na alam ko na ang mga bagay na iyon. Ang akin lang, hindi ko siya ganun na nakilala. Hindi ganun si Eion ko.

Nasalubong ko si Kuya Silver ng papalabas ako ng gate nila. Curios niya akong tinignan at hinawakan sa balikat. Pinalis ko ang luha saking mukha at ngumiti sakanya.

"Umiiyak ka." It his statement. Mabuti pa siya kilala ako, samantalang ang lalaking gusto ko ay hindi. Manhid na, tanga pa!

Umiling ako at ngumiti. "Hi Kuya! Uwi na ako..." bago pa ako pumiyok sa harapan ni Kuya Silver ay mabilis na akong naglakad palayo sa bahay nila.

Nababadtrip ako kay Eion. Grabe siyang magsalita! Ugh. Bwisit. Kung galit siya, galit din ako sakanya. Good luck sa part two ng panliligaw niya kay Klare Montefalco. Kung sasagutin na siya nito in real at magiging official na ang relasyon nila, edi mabuti! I'm happy for them kahit na masakit.

I'm Inlove with Eion Sarmiento [Completed]Where stories live. Discover now