19: Protect

2.9K 122 11
                                    

Alessandra's Point of View.

"Hey bitch!"

Bigla akong kinabahan. Mag-isa lang ako ngayong naglalakad dito sa hallway kaya naman alam kong ako yung tinatawag nun.

"Hey Alessandra bitch!"

Napatigil na ako sa paglakad dahil sa narinig ko ang pangalan ko. Paglingon ko ay doon ko nakita ang grupo ni Francene. Nakakapanibago talaga ang itsura nila ngayong maiksi na ang buhok nila.

"Masaya ka siguro ngayong noh?! FYI, nag-absent lang kami ng ilang araw! Kaya huwag kang mapanatag, understand!" Sigaw sa akin ni Jillian na noon ay may orange na buhok.

"Jill, hayaan na natin siya." Dinig kong sabi ni Francene sabay hawak sa balikat ni Jillian. Agad itong tinabig ni Jillian at hinarap si Francene.

"What's up to you France?! You're not like this before! You used to be bitch too! We used to be bitch!" Sigaw ni Jillian kay Francene na ngayon ay nakayuko na.

"Jill is right France! Naaawa ka ba sa bitch na iyan?! For pete's sake, inaagaw niya sa iyo si Noah!" Sigaw naman ni Claire na noon ay may blue na buhok sabay tingin sa akin ng matalim.

"Jill, France, and Claire, lets calm okay?! At ikaw naman, nakita mo ba si Noah?!" Baling sa akin ni Aira na noon ay may green na buhok.

Umiling-iling ako. "N-nag-absent din kasi ako kaya hindi ko siya nakita. Pero sa tingin ko ay umabsent din siya sa mga nakaraang araw." Sagot ko.

"Why? Siguro ay natauhan na siya. Hanggang ngayon ay hindi padin ako makaget-over na hinalikan mo si Noah sa bar. Ang desperada mo kasi! Nandidiri na siguro siya ngayon."

Yumuko nalang ako sa sinabi ni Jillian. Hindi ko alam kung bakit galit na galit sila sa akin. Hindi ko din matandaan na hinalikan ko si Noah noon. Hayyy. Hindi naman big deal iyon sa akin. Buti nga yung halik lang na yun yung alam nila at hindi na yung iba. Mas magagalit sila sa akin.

"So wala si Noah? Nabalitaan din naming wala na si Jenalyn dito at mas lalo namang wala na si Freda. Si Jiro naman, wala pa din yata. Sino ngayon ang magliligtas sayo?" Nakangising tanong ni Claire sa akin.

Napatingin ako sa paligid. Tahimik ang hallway dahil nasa canteen ang mga ibang estudyante ngayon dahil breaktime na. Naalarma ako ng lumapit sila sa akin. Agad akong tumalikod para umalis na pero nahawakan ng kung sino man ang buhok ko.

"Arayy! Please tigilan niyo na ako! Arayy!" Daing ko at napahawak sa kamay nung humila sa buhok ko.

"Naiirita talaga kami sa'yo! Wala ni isang napapansin si Noah! Pero bakit ikaw?! Argh!" Dinig kong sabi ni Jillian.

"Jill, tama na!" Angal ni France kaya napaharap ako sa kanila at hawak hawak padin ni Jillian ang buhok ko.

"Let her, France!" Angal naman ni Aira at matalim na tumingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit ang bigdeal nito sa kanila?!

"Now sabihin mo sa aming lalayuan mo si Noah ngayong bumalik na kami!" Sigaw ni Claire sa harapan ko.

Hindi ko na kailangang sabihin iyon dahil linalayuan na ako ni Noah. Siya na ang lumalayo sa akin ngayon kaya ano pa bang problema nila?!

"Lalayuan mo siya or kakalbuhin ka namin?!" Tanong ni Aira.

"Siya ang layuan niyo." Natigil ako pagkatapos marinig ang isang pamilyar na boses.

"Noah?!" Gulat na sabi nila at agad na binitawan ni Jillian ang buhok ko. Nagkaroon ako ng pagkakataon para lumingon sa likod ko.

"Siya ang layuan niya kung ayaw niyong kayo ang kalbuhin ko." Malamig na sabi ni Noah sa kanila kaya naman agad na nagtakbuhan sina Jillian.

Stalker With A TwistWhere stories live. Discover now