SWAT 9: Manyakis?

3.7K 159 11
                                    

Alessandra's Point of View.

Pangalawang araw na ito na absent si Noah. Kaya naman naisipan kong puntahan siya ngayon sa condo niya. Buti nalang at maaga kaming nadismiss ngayon.

At mabuti nalang at kabesadong-kabesado ko pa kung nasaan iyong condo ni Noah. Kamusta kaya siya? Nagkasakit din ba siya katulad ko?

Nagdoorbell ako.

Hinintay kong may magbubukas pero wala. Kaya naman nagdoorbell ulit ako. Hayy. Mukha wala ata siya ngayon dito.

Aalis na sana ako ng biglang bumukas ang pinto. Kaya naman nabuhayan ako ng loob. Napangiti nalang ako. May dala kasi akong mga prutas at sayang naman iyong effort ko kung hindi ko siya makikita.

"Hi bhabes."

Unti-unting nawala ang ngiti ko ng mapagtantong, iba ang lalakeng bumungad sa akin. S-sino siya?

"Hey bhabes!" Natauhan ako ng bigla niyang iwinagayway yung palad niya sa mukha ko.

"N-nadiyan po ba si--"

"So hindi ako ang sadya mo dito bhabes? Poor me!" Nakasimangot na sabi niya.

"S-si Noah po?"

"Po?! Mukha ba akong matanda bhabes? Shet." Hindi makapaniwalang saad niya at hindi pinansin ang tanong ko.

"Si Noah po?" Tanong ko ulit at naiinis na ako.

"Halikan mo muna ako bhabes. Sasabihin ko kung nasaan siya." Napatingin ako sa labi niya ng bigla siyang maglip-bite.

"Aalis nalang ako."

Aalis na sana ako ng bigla niya akong hatakin papaloob sa condo at bigla akong isinandal sa pader. Napasinghap nalang ako sa ginawa niya.

"Pwede ko bang tikman yang labi mo bhabes? Mukha kasing matamis." Bulong niya sa tenga ko kaya naman nagtaasan yung mga balahibo ko.

"Si Noah ang kailangan ko at hindi ikaw." Mariin na sabi ko.

"Ouch naman bhabes! Nandito naman ako eh. We can settle in my bed." Nakangising sabi niya sabay pahid sa labi ko.

Hindi ko na sinayang ang pagkakataon na iyon para kagatin yung kamay niya. Nagulat siya sa ginawa ko kaya naman tinadyakan ko siya sa paa.

"Buti nga sa iyo manyak." Sabi ko at tumakbo papunta sa pinto. Pinihit ko ito pero hindi mabuksan. Shems! Kailangan ng code! Ano bang code neto?!

"Ouch!" Hiyaw niya.

Itinype ko yung Noah na pangalan pero incorrect code daw! Hala paano toh? Bakit ba kasi ang hightech naman netong condo!

"Sht! Ang sakit!"

Naalarma agad ako ng humiyaw siya. Nagulat ako kasi pilay-pilay siyang naglalakad papunta sa akin. Yaaah! Wala na akong nagawa at pumasok sa isang kwarto at linock agad ito.

Dalawa ang kwarto dito sabi sa akin ni Noah noon. Buti nga nakapunta na ako minsan dito kaya naman mejo kabisado ko na din naman....ng konti.

Pilit niyang binubuksan ang pinto kaya naman pinagpawisan ako. Lord help me! Mas baliw pa ata siya kaysa kay X!

"Alessandra?" Nanlaki ang mga mata ko ng bigla akong may marinig sa likuran ko. Unti-unti akong humarap dito kahit na natatakot ako.

"Noah?!" Masaya kong sigaw sabay takbo papalapit sa kaniya at agad siyang yinakap.

Thanks lord! Salamat naman! Akala ko makukuha na ako nung manyakis na iyon!

"What are you doing here....in my room?" Tanong niya.

Stalker With A TwistWhere stories live. Discover now