SWAT 3: X

4.4K 181 9
                                    

Alessandra's Point of View.

Napasabunot ako ng buhok ko. Argh! Ang sakit ng ulo ko. Humiga ulit ako at pumikit at pinilit alalahanin lahat ng nangyari kagabi.

Ang natatandaan ko nalang ay yung pagpunta ko sa bar tapos may lalakeng mukhang waiter ang nagbigay sa akin ng mga beer. Dahil sa inis ko sa utos sa akin nung baliw na iyon ay ininom ko ang mga ito. Sa una, pangit ang lasa pero nung nagtagal ay nasanay ako at unti-unti ng umikot ang mundo ko.

Alessandra, ano ang mga ginawa mo nung nalasing ka?

T-teka, ano yung nga posibleng nagawa ko? Nagwala? Hindi ko naman siguro gagawin iyon, pwera nalang kung nawala ako sa katinuan. Aish!

Nagtaklob ako ng kumot. Ganito pala ang feeling ng may hang-over? First time kong uminom kaya naman hindi ko alam na ganito pala. Sa susunod, hindi na ako iinom. Mas doble pa yata ngayon ang pag-ikot ng mundo ko, nakakahilo.

Nakapikit kong kinapa ang cellphone ko sa tabi ko. Buti naman at nakapa ko agad. Iminulat ko ang mga mata ko at tiningnan kung may txt ba siya o wala. Napahinga na lamang ako ng maluwag. Wala siyang txt or tawag pero hindi dapat ako makampante dahil baka maulit ang nangyari kahapon.

Sabado ngayon at walang pasok pero kailangan kong bumangon para magluto ng makakain ko. Kung pwede lang sanang utusan ko si Jamie para magluto ngayon dahil nahihilo ako.

Tumingin muna ako sa orasan, 11:32 a.m!? Magtatanghali na pala!? Unti-unti akong bumangon sa pagkakahiga para pumunta na sa kusina at magluto. Pagbukas ko ng pinto ay bigla akong napapikit dahil sa naamoy ko. Amoy adobo. Adobo!?

Hala, hindi naman siguro si Jamie yung nagluto, hindi ba?

Pinakiramdaman ko ang paligid at dahan-dahang pumunta sa kusina. Mejo nahihilo pa ako pero gutom na ako. Kailangan kong kainin yung adobo na iyon. Pagdating ko sa kusina ay may lalakeng nakatalikod at halatang nagluluto. Agad na nanlaki yung mga mata ko.

"S-sino ka!?" Sigaw ko.

Napa-awang ang bibig ko ng humarap siya. N-no way!

"Nagluto na ako ng pangtang-halian natin, Alessandra."

Napasabunot ulit ako sa buhok ko ng makadama ng pagkahilo. "Noah!? Paano ka napunta dito!?"

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

The Stalker's Point of View.

Lumayo ako sa mga monitor na kung saan napapanood ko ang mahal ko at umupo ng maayos dito sa shivel chair ko. Humarap ako sa bintana at ngayon ay kitang-kita ko na ang dagat.

Sa akin lang si Alessandra.

"Boss."

"Come in."

Bumukas ang pinto.

"Boss, eto na ang pinapahanap niyo na listahan."

Humarap na ako at kinuha ang folder na ilinagay niya sa desk ko. Binuksan ko ito at sunod-sunod na binasa ang mga nakalagay na pangalan.

"Sila ba ang bumastos sa mahal ko sa bar kahapon?"

"Sila nga po boss."

Ngumisi ako. "I want them dead."

"Yun lang po ba boss? Masusunod."

Umalis na siya at isinara ang pinto kaya naman tumalikod ulit ako at tiningnan ang dagat. Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ang babae na nasa wallpaper ko. Ang ganda talaga ng mahal ko.

Napangiti ako. Miss ko na agad siya kaya naman tinxt ko siya.

'Mahal miss na kita. Lumabas ka ng bahay niyo, hinihintay kita:)'

Lumingon ako sa mga monitor at nakita kong paano nanlaki amg mata niya pagkatapos mabasa ang txt ko. Napangisi ako. Takot talaga siya sa akin. Si mahal ko talaga.

Lalo akong napangisi ng maalala ang nangyari kagabi. Ganoon pala siya kung malasing, hindi siya natatakot sa akin. Lagi ko kaya siyang lasingin? Hahaha.

Ang tagal naman bago mag 12:00! Gusto ko ng tawagan ang mahal ko. Gusto ko ng madinig ang nanginginig niyang boses at mga hikbi niya tuwing kausap ako.

Pumasok siya sa kwarto niya at nagkulong. Sinabunutan niya ang ulo niya at humiga. May hang-over padin ang mahal ko hanggang ngayon. Ano bang maganda kong ibigay para mawala ang hang-over niya? Ah alam ko na hahha.

Dinial ko ang number ng secretary ko at tinawagan ito.

"Hello boss? May kailangan po ba kayo?"

"Pakidala sa mahal ko yung mga picture ni Jiro habang nasa hospital."

"Sige po, give me 15 minutes boss."

Ngumiti ako at tinxt ulit ang mahal ko.

'Mahal may ipinadala ako sa'yo:) Sana mawala na ang hang-over mo kapag nakita mo iyon.'

~~~~~~~~~~~~~~

Alessandra's Point of View.

Lumabas ako ng gate para kunin ang sinasabing ipinadala ng baliw na iyon. Ayaw ko sanang kunin pero baka buhay pa ang maging kapalit. Kinuha ko ang isang maliit na box sa tapat ng maliit naming gate. Tumingin-tingin muna ako sa paligid bago ako ulit pumasok.

Ano na naman ba ito?

Umupo ako sa sofa at binuksan yung box. Biglang ako naiyak sa nakita ko. Mga pictures....ni Jiro habang nasa hospital.

"J-jiro gumising ka na."

Sabi nila, car accident ang nangyari pero hindi ito ang kutob ko. Pakiramdam ko kasalanan nung baliw na iyon ito. Pinalabas miya lang na car accident ang nangyari kahit na ang totoo naman ay sinabutahe niya ang kotse ni Jiro para mawalan ng preno ito. Basta! Kasalanan niya ito!

Pinunasan ko ang luha ko at pumunta sa kwarto ko. Ilinagay ko yung box sa side table ko. Ang lakas ng ihip ng hangin na nagmula sa bintana kaya naman napatingin ako dito. Isasara ko na sana ito ng mapansin ang isang black na kotse sa tapat.

Kanino naman yan?

~~~~~~~~~~~~

"Hello?" Inaantok na sagot ko sa tawag. Humikab pa ako.

"Mahal." Biglang nagising ang diwa ko dahil sa boses niya.

"A-alessandra ang pangalan ko at hindi mahal."

Tumawa lang siya. "Of course I know Alessandra Lopez. Anak ng mag-asawang Ledge Lopez at Anna Lopez. Business man ang daddy mo at business woman naman ang mommy mo. May dalawang kapatid at ikaw ang pangalawa. Nasa Canada sila ngayon at ikaw lang ang mag-isang iniwan nila. Hayaan mo, nandito naman ako at hindi kita iiwan kagaya nila."

Napakagat-labi ako at iniwasang mapaiyak. Ako lang ang mag-isa nilang iniwan. Ang sakit nun.

"B-bakit ba ang dami mong alam sa akin!? Bakit ba alam mo lahat ng galaw ko!? Sino ka ba kasi?! Ni hindi ko nga alam ang pangalan mo! Sino ka ba at bakit mo ako ginaganito!?"

"Curious ka na ba sa akin ngayon?" Alam kong nakangisi siya dahil sa tono palang niya. Tuwang tuwa siya.

"H-hindi!"

Sa lahat ng kabwisitang nagawa na niya sa akin, hindi ko pa alam ang pangalan niya. Nakakainis! Para akong tanga! Samantalang siya ay alam na yata ang lahat ng tungkol sa akin.

"Sa ngayon ay X palang ang masasabi kong pangalan ko sa iyo. Tawagin mo akong X."

X?

Stalker With A TwistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon