SWAT 6: I want to see you

3.8K 168 10
                                    

Alessandra's Point of View.

Kinurap-kurap ko ang mga mata ko. Sabihin niyo sa aking hindi totoo ang mga nabalitaan ko ngayon. Hindi totoo.

"P-panaginip lang ba ito Jenalyn?"

"Sorry Bes pero hindi ito panaginip lang, totoo ang mga sinabi ko."

B-bakit ba sa tuwing papasok ako, hindi magandang balita ang bumubungad sa akin. Pati na ang ngayon.

Nalunod daw ang apat na lalakeng binuhas ako ng tubig at harina kagabi. Yung pumatid naman sa akin ay nawalan na ng dalawang paa. A-anong meron?

Base sa sinabi ng mga puli, aksidente daw ang nangyari sa pumatid sa akin. Hindi ko na natanong kung paano. Yung apat naman, nakipagsuntukan daw tapos naglasing at lumangoy silang apat sa dagat kaya daw sila nalunod.

Maniniwala ba ako sa sinabi nila? Pakiramdam ko kasi kagagawan na naman ito ng baliw na iyon lalo na at tinxt niya sa aking siya na daw ang bahala.

Napaupo nalang ako at tinabihan naman ako ni Jenalyn. Buti nalang at nandito siya sa aking tabi ngayon kahit na sinabi kong lumayo na siya sa akin.

"Bes, o-okay ka lang? Huwag mo sanang isipin na kasalanan mo ang mga nangyari sa kanila. Nagkataon lang siguro."

Nagkataon? Gusto kong matawa. Hindi magiging coincidence lang ang nangyari! At talagang sabay-sabay pa?

Nung maka-recover na ako ay inaya na ako ni Jenalyn papuntang canteen. Ililibre daw niya ako ngayon dahil mukha daw akong depressed sa mga nangyari. Sinong hindi madedepress kung sa tingin ko ay ako ang may kasalanan ng lahat?

"Jan ka lang bes at mag-oorder ako ng pagkain natin." Nakangiting sabi sa akin ni Jenalyn kaya naman tumango nalang ako sa kaniya at naupo sa isang bakanteng upuan dito sa canteen.

Napalingon ako sa paligid. Wala ang apat na babaeng bully na sina Francene. Himala? Madalang silang umabs---

"Anong nangyari sa buhok nila?"

Nanlaki din ang mga mata ko kagaya ng ibang estudyanteng nakakakita sa kanila. At kagaya ng tanong nitong katabi ko, yun din ang gusto kong itanong. Anong nangyari sa buhok nila?

Umiksi na at hanggang sa balikat nalang nila ang mga ito kaya naman nawala na ang ibat-ibang kulay ng buhok nila. Halata din sa mukha nilang apat ang galit at inis. Anong nangyari?

Nagulat nalang ako ng papunta ang tatlo sa direksyon ko. Pinipigilan sila ni Francene pero hindi sila nakinig at ngayon na ay nasa harapan ko na sila.

"Ikaw ang may kasalanan neto!" Sigaw sa akin ng dati ay may kulay orange ang buhok at tinuro pa ako. A-ako

"Guys stop." Ang nakakagulat ay inaawat sila ngayon ni Francene at hindi siya ang pasimuno.

"Stop? Gosh France! Baka naman kinulam tayo ng babaeng iyan! Gaya ng pag-gayuma niya kay Noah!" Sigaw naman ng babaeng may blue dati ang buhok.

"Just stop! Lets go." Naiinis na sabi parin ni Francene pero hindi sila nakinig.

"How dare you!" Sabi naman ng babaeng may pink ang buhok sa akin at sasampalin na sana ako ng biglang may pumigil sa braso niya.

"No, dont this to her. You'll regret."

~~~~~~~~~~~

"Bakit mo ba ako palaging tinu-tulungan?"

"Because you need help."

Napakunot-noo ako sa sagot niya. Dahil kailangan ko ng tulong? Aba at hindi ako nainform na superhero siya.

"Ginagawa mo rin ba ito sa iba?"

Umiling siya at tsaka umiwas ng tingin. "No, of course."

"Pero Noah--"

Pinutol niya aking sasabihin at nakakunot-noo na humarap sa akin. Napatingin nalang ako sa kaniyang mga mata. Nabiyayaan ang lalakeng ito ng magagandang mata.

"I care for you Alessandra! Diba sabi ko sa'yo, ililigtas kita?!"

~~~~~~~~~~~~

"Jamie, alam mo bang palagi akong iliniligtas ni Noah?"

"Meow."

"Sana nandito siya ngayon at iliniligtas din ako mula sa baliw na iyon."

"Meow?"

"Ay oo nga pala! Hindi ko pa pala naisauli yung panyo niya"

"Meow."

Nginitian ko si Jamie. Kahit paano ay nagpapasalamat ako sa baliw na iyon dahil ibinigay niya sa akin si Jamie. Nagalit nga siya noong Jamie ang ipinangalan ko, dapat daw Aliko.

Ano ba namang pangalan iyon? Ang corny! At tsaka babae si Jamie. Hindi bagay sa kaniya ang Aliko. Panglalake ba iyon or pangbabae? Hay ewan.

"Meow."

Tumingin ako sa orasan ko, 12:00 am na. Sakto din na nagring ang cellphone ko. Ewan ko pero gusto ko siyang kausapin.

"X." Bungad ko pagkasagot ko sa tawag. As of now, nabawasan na ang pagkatakot ko sa kaniya.

Sabi ni Noah, he'll save me. Wala dapat akong ikatakot at isa pa, nandiyan naman si Lord. Hindi niya ako papabayaan.

"Mahal." Natutuwag sabi niya. "Mahal kamusta na si Aliko?" Dagdag pa niya kaya naman napasimangot ako.


"It's Jamie."

"Eh di kamusta si Jamie mahal?" Bakit ba parang tuwang-tuwa siya?

"X, wala ka bang balak na tigilan ako? Kase alam mo, sawang-sawa na ako." Natahimik siya sa sinabi ko. Oo, sawang-sawa na ako! Ang dami ng napapahamak.

"Hindi kita titigilan." Sumeryoso ang kaniyang boses na ikinatakot ko.

"Please X." Pagmamakaawa ko.

Sa dami ng ginawa niya sa akin, hindi pa din ba siya nagsasawa? Hindi ba siya napapagod?

"Hindi ako titigil hanggang sa hindi ka nahuhulog sa akin at alam kong malapit ka ng mapasa-akin."

"Sa tingin mo ba ay mamahalin kita sa mga ganitong ginagawa mo?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Oo naman mahal. This is the new way to court a lady." Natatawang sagot niya.

"Then basted ka na agad!" Sigaw ko.

I dont know why pero kaya ko na siyang sagut-sagutin ngayon. Dahil na din siguro sa mga nagawa niya. Sa mga kabaliwan niya.

"Sigurado ka mahal?" Mapanuyong tanong niya na ikinataas ng mga balahibo ko.

"S-sigurado."

Natawa siya ng mahina. "Mahal baka kapag nakita mo ako ay magsisi ka."

Ano nga ba ang itsura niya? Ang naiimagine ko ay isang mukhang tambay na lalake. Pangit na tulad ko. May pimples. Nakakatakot ang mukha. Hindi ba gayun yung mga stalker?

Nacurious tuloy ako sa sinabi niya.

"I want to see you."

Nagulat ako sa sinabi ko. Really Alessandra?! Baliw ka na!

"Sure mahal. Magkikita tayo."

Stalker With A TwistWhere stories live. Discover now