SWAT 11: Suspicious

3.3K 141 7
                                    

Alessandra's Point of View.

Anong ibig sabihin nun?

"Noah!" Tawag ko kay Noah na naglalakad din ngayon dito sa hallway. Napatigil siya sa paglalakad at lumingon-lingon.

"Noah!" Tawag ko ulit sa kaniya at doon na niya ako nakita.

Tiningnan niya ako ng puno ng pagtataka kaya naman hingal-hingal akong tumakbo papalapit sa kaniya.

"B-buti naman at pumasok ka ngayon."

"Ah oo. Buti nga pumasok ako dahil nagtest kami kanina sa first subject namin."

Meaning, pumasok siya sa klase niya noong nasa rooftop ako. Napailing nalang ako. Seriously Alessandra! Pinaghihinalaan mo si Noah?!

"S-sige bye!" Agad kong sabi at tumakbo na.

Iuuntog ko lang itong ulo ko. Argh! Alessandra naman! Lumawak na ata ang imagination mo at pati si Noah ay pinaghinihinalaan mong si X!

Baka naman nagkataon lang siguro na parehas ang nakalagay doon sa panyo nila! Nagkataon lang din siguro na parehas sila ng pagkakaburda! Tama, baka nagkataon lang!

~~~~~~~~~~

"Hala ang gwapo talaga ni Trevis bes!"

Kumunot ang noo ko at tumingin kay Jenalyn. "Kilala mo si Tres?"

"Ha? Sinong tres bes?"

Yung manyakis. "Ah I mean si Trevis."

Tumawa siya at hinampas pa ako. "Hahaha. Syempre bes! Sikat yun! Asawa ko yun eh. Hindi ka ba nanonood ng tv?"

Breaktime na kaya nandito kami ngayon sa canteen. Tapos bigla nalang siyang tumili habang nagde-daydreaming. Yung manyakis pala na yun yung tinitilian niya.

"Teka, akala ko ba si Jiro yung gusto mo?" Takang-tanong ko.

"Oo nga! Pero iba yung gusto ko sa asawa ko." Natatawa niyang sagot pero alam ko namang malungkot talaga iyan dahil hindi pa gising si Jiro.

"Ah kamusta nga pala yung stalker mo na sinasabi mo sa akin. Ginugulo ka pa ba niya?" Pag-iiba niya ng topic.

Natigilan ako sa mga sinabi niya at tumitig lang sa kaniya. Kasulukuyan siyang kumakain pero tumigil siya ng napansing natigilan ako. I heard it right.

"Oh bakit bes?"

"A-ah wala. M-minsan nalang ako guluhin nun." Nauutal na sabi ko.

"Buti naman bes." Sagot niya at ngumiti sa akin.

"E-excuse lang. Pupunta lang ako sa cr." Pagpapaalam ko sa kaniya.

Nagtaka siya sa inasal ko pero mas nagtaka ako sa mga sinabi niya sa akin. Dumeretso na ako sa cr at pumunta sa salamin. Buti nalang walang tao.

Naghilamos ako at tiningnan ang mukha ko sa salamin. Kakaiba ang nararamdaman ko ngayon. Puno ako ng paghihinala. Anong nangyayari sa akin?

Kanina si Noah. Ngayon naman si Jenalyn. Ano ba kasing nangyayari ngayon?

"Ah kamusta nga pala yung stalker mo na sinasabi mo sa akin. Ginugulo ka pa ba niya?"

Stalker With A TwistWhere stories live. Discover now