SWAT 5: His Revenge

3.8K 166 17
                                    

X's Point of View.

"Mamatay na kayo! Magbabayad kayo!"

"Boss kalma lang, ipapapatay---"

"Sinasabi mo bang kumalma ako?! Mahal ko ang binully nila! Naintindihan mo?! Mahal ko ang binully nila!"

Anong karapatan nilang ibully ang mahal ko?! Ako lang ang may karapatang gumawa sa kaniya ng ganoon!

"Mamatay ka na Francene!" Sigaw ko.

Hinding-hindi ko papalagpasin ang ginawa mo Francene. Hinding-hindi. Tandaan mo itong araw na ito. Ang araw na binully mo ang mahal ko. Magbabayad ka.

"Boss ano na po ang plano niyo sa mga nangbully kay Mam Sandra?"

Pumikit ako at malalim na nag-isip. Hindi sapat ang pagpatay sa kanila. Hindi pa sapat ang buhay nila. Mga putangina sila.

"Francene Raquenio. Jillian Clemente. Claire Asha. Aira Quento." Isa-isa kong binanggit ang pangalan nila. Kilala ko sila.

"Sila nga po ang bumully kay Mam Sandra boss. K-kilala niyo po sila?"

Ngumisi ako. Ano nga ba ang nararapat na gawin sa kanila? Hindi basta-basta ang mga magulang ng apat na iyon pero alam nilang kaya kong gawin ang lahat. Ang lahat-lahat.

"Pag-iisipan ko pa ang bagay na gagawin sa kanila. Yung apat na gagong nambully din sa mahal ko, ibigay niyo sa akin ang pangalan nila pati na din ang background nila. Pati din sa pumatid sa mahal ko. Makaka-alis na kayo."

Nagbow sila at sabay-sabay ng lumabas. Naiwan naman akong nag-iisip kung anong magandang gawin sa mga hayop na iyon. Kinuha ko ang cellphone ko at tinxt muna ang mahal ko.

'Mahal, pagbabayaran nila ang ginawa nila sa iyo.'

Tumingin ako sa monitor. Nasa bahay na siya at ginagamot muli ang sugat niya sa tuhod. Hayaan mo mahal, magbabayad ang pumatid sa iyo.

Napangiti ako nagreply siya sa akin. Minsan lang magreply sa akin ang mahal ko.

'Huwag! Hayaan mo na sila!'

Ang bait naman talaga ng mahal ko. Bagay kami, parehas naman kaming mabait. Natawa nalang ako ng mahina. Bagay talaga kami sa isa't-isa.

'Mahal, hindi mo ako mapipigilan:)'

Hindi na siya nagreply pa matapos ko iyong itxt. Matapos ang isang oras ng paghihintay ay dumating na ulit ang mga inutusan ko.

Binasa ko ang folder na ibinigay nila at tiningnan ang mga picture ng nandoon. Eto ang mga bumully sa mahal ko.

"Paulo Viray." Basa ko sa isa sa mga nakasulat.

"Siya po ang pumatid sa mahal niyo boss."

Napangisi ako habang nakatingin sa picture niya. "Dalhin niyo siya sa white room. Paglabas niya doon ay wala na ang dalawang paa niya. Naintindihan niyo?"

"Malinaw boss pero hindi po ba namin siya papatayin?" Tanong ng isa.

"Let him suffer first."

Napatingin ako sa natitirang apat na picture ng lalake. "Lunurin niyo ang apat na ito pero bago nito ay pahirapan niyo muna sila at gawin sa kanila ang ginawa nila sa mahal ko."

"Tutuluyan po ba namin sila?"

Ngumisi ako at umayos na ng upo. "Patayin niyo sila. Tutal wala namang silbi ang apat na iyan sa pamilya nila." Sabi ko pagkabasa sa background nila.

"Wala na po ba kayong iuutos boss?"

"Ibigay niyo sa akin ang number ni Francene."

Nagbow na sila at umalis na. Matapos ang thirty minutes ay ibinigay na nila ang number ni Francene. Kaya naman agad ko itong tinawagan.

"Hello?" Halata sa boses niya ang pagkairita.

Napangiti na lamang ako. "Francene."

"Who is this?" Tanong pa niya.

"It doesnt matter. Huhulaan kita, mamatay ang isa sa mga yaya niyo--"

Bago ko pa matuloy ang sasabihin ko ay pinatay na agad niya ang tawag. As expected from Francene Raquenio. Tsk tsk tsk.

Tinawagan ko ang isa sa mga utusan ko pagkatapos ibaba ni Francene ang tawag. "Patayin niyo ang pinakamalapit na yaya ni Francene. Patayin niyo ito sa loob mismo ng kwarto ni Francene. Huwag niyong iligpit ang kalat para makita niya ito at palabasin niyong suicide ang nangyari dito."

Ang kailangan ko nalang gawin ay ang maghintay sa tawag ni Francene.

~~~~~~~~~~~

"Napatawag ka Francene?" Nakangising bungad ko. Sabi ko na nga ba at tatawag siya.

"W-who are you!?" Umiiyak siya at dinig na dinig ko ang pagkatakot sa boses niya.

"Does it really matter kung sino ako Francene Raquenio. Ang mahalaga ay alam ko ang lahat ng tungkol sa iyo."

"W-who are you?! Sabihin mo kung magkano ang kailangan mo! I will pay you! Tumigil ka lang! Just tell me kung magkano!"

Natawa ako sa sinabi niya. "Baka ikaw pa ang bayaran ko Francene."

Natahimik siya sa sinabi ko kaya naman dinig na dinig ko ang pagpipigil niya ng kaniyang mga hikbi. Namiss ko tuloy ang mahal ko na binully niya.

"Uutusan lang naman kita Francene."

"T-then tell me what to do?!"

Napatingin ako sa orasan. "Pagpatak ng hatinggabi, pumunta ka sa bahay ng tatlo mong kaibigan."

"W-what?!"

"Yes Francene or else mamatay si Francis Raquenio, ang kapatid mo. So ang gusto kong gawin mo sa kanila ay ang gupitan ang mga buhok nila. Dont worry, ako ang bahala sa security doon."

"You are crazy!"

Ngumiti ako. "Yes I am. Gupitan mo sila hanggang shoulder length." Mag-eenjoy ako nito.

Apat sila na may kulay sa ibaba ng buhok nila at kapag ginupitan sila ni Francene, mapuputol na ang buhok nilang may kulay. Mapuputol na ang tanda ng kanilang pagkakaibigan.

"P-paano kapag hindi ko ginawa?"

"Mamatay sa harapan mo ang mga magulang mo Francene. Sa harapan mo." Sagot ko sa tanong niya.

"Not my family! Susundin ko na ang utos mo!"

Ngumisi ako. "Good girl. But first, gupitan mo muna ang sarili mong buhok."

Tuluyan na siyang naiyak sa huli kong utos. Uh-oh! I forgot how girls love they hair, especially the four of them. Simbolo ang apat na kulay nila sa kanilang 'friendship'.

Sana hinack ko muna ang bahay nila Francene edi sana, nakikita ko siyang umiiyak ngayon. Sayang. Hahaha.

"Pagkatapos nun ay kainin mo na yang buhok mo."

"D-damn you!"

Natawa nalang ako. "Joke lang Francene! Mabait naman ako eh kaya hindi ko iyon ipapagawa."

Mabait naman talaga ako, diba?

Stalker With A TwistOn viuen les histories. Descobreix ara