16: Gusto kita

2.8K 129 6
                                    

Alessandra's Point of View.

Napatingin ako sa cellphone ko. Dalawang araw ko na itong hindi binubuksan. Ayokong makita ang mga txt ni X. Ayoko siyang kausapin.

Dalawang araw na din akong hindi pumapasok at dalawang araw na din bago ako nawalan ng malay. Wala talaga ako sa mood. Hayyy. Lumabas ako sa kwarto ko at hinintay na makita si Jamie. Pero wala na si Jamie.

"Oh bakit late ka na ng gising? Ako na tuloy ang nagluto ng pang-umagahan. Hindi ka pa ba papasok ngayon? Aba! Wala kang mapapala niyan." Sabi ni Tita Merly na nadatnan ko sa kusina.

"H-hindi pa po."

Bukas nalang siguro ako papasok. Pagkatapos kong kumain ay dumiretso ako sa sala para sana manood naman. Nagulat ako ng mapansing wala yung family picture namin.

"Tita! Nasaan po yung family picture namin?" Takang-tanong ko kay Tita Merly.

"Binasura ko na, bakit?"

Natigilan ako. B-binasura? Pero bakit?! Family picture namin yun! At isa pa, doon lang sa picture na iyon completo kami.

"T-teka bakit niyo po binasura tita? Family--"

"Family? Pamilya ang tawag mo dun? Ikaw lang ang naiwan? Sure ka bang pamilya mo sila?!"

Napaatras ako ng tumaas ang boses ni Tita. Ewan ko kung bakit siya nagagalit. Gusto kong maiyak sa mga sinabi niya. Pamilya ba talaga ang tawag dun?

"Bakit hindi ka makasagot ha?! Wala kang pamilya! Ang anak ko dapat ang nasa picture na iyon! Mang-aagaw ka!"

Nanlalaking mata na nakatingin ako kay Tita. S-si Kate dapat ang nandoon? Pero bakit? Hindi ko maintindihan si Tita.

"Kaya dapat lang na mai-basura ang picture na iyon dahil wala namang kwenta dahil nandoon ka Alessandra."

Unti-unting pumatak ang mga luha ko. Ang sakit. Ang sakit-sakit na marinig ang mga iyon.

~~~~~~~

Nandito ako sa sinehan ngayon. Para akong tanga dito na umiiyak kahit na comedy ang pinapanood ko.

Matapos sabihin sa akin ni Tita yung mga iyon ay bigla nalang siyang pumunta sa kaniyang kwarto at kinuha ang mga gamit nila ni Kate.

Umalis na sila sa bahay. Gumaan ang aking pakiramdam ngayong umalis na sila. Oo, ako na ang masama pero hindi talaga ako komportable sa pakikitungo kina Tita. Pero yung mga sinabi niya sa akin, hindi ko makalimutan.

"Hahahahahaha." Tawa ng mga nasa tabi ko.

Napatingin ako sa screen. Nasaan ang nakakatawa doon? Dahil hindi ko namang magawang mag-enjoy ay lumabas na ako sa sinehan.

Natigil ako ng makita ang isang poster, poster ni Tres na nakangiti. Gwapo naman si Tres talaga, manyakis at feelingero nga lang. At isa pa, ewan ko pero naiinis ako sa kaniya tuwing nakikita ko siya.

"Waaaaah! Poster ni Trevis oh!" Sigaw ng isang babae na malapit sa akin at yun na nga, dinagsa na ng mga fangirls yung poster ni Tres.

Napailing nalang ako at naglakad na palayo. Napadako ang tingin ko sa fountain dito sa mall. Umupo ako sa isang bench malapit dito at tiningnan ito. Pagod na din akong maglakad.

Isang lalake ang nakita ko sa fountain. Masaya itong nagseselfie. Mag-isa lang siya pero halata namang masaya siya. Madami din siyang dalang paperbag pero namanage niya paring magselfie.

Nung mapagod siguro siya sa kaseselfie ay umupo siya sa tabi ko. Doon ko siya natitigan ng mabuti. May suot siya eyeglasses. Gulo-gulo ang kaniyang buhok. Para siyang baliw tingnan na nakangiti habang nakatingin sa kaniyang cellphone.

Stalker With A TwistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon