Chapter 29 : Reconciliation - Friends

Start from the beginning
                                    

"Si Allen? Nagtext siya sa akin eh. May sasabihin daw siya." biglang singit ni Jomar.

Si Allen? May sasabihin? Ano naman kaya yun?

"Ang alam ko nandun siya sa org. building eh. Hindi ko lang sure kung nandun pa siya. Kanina kasi nakita ko sila ni MJ na naghahabulan eh." sagot naman ni Jason habang kumakain ng chips na pinautos pa niya sa kaklase namin.

Naghahabulan? Ano tingin nila sa univ? Isang malaking playground? Tch!

"Par, nakasibangot ka na naman! Nami-miss mo si Allen 'no?" biglang tanong sa akin ni Jason habang nakaturo yung piraso ng chip sa akin.

Oo nga, Par eh! Kaso wala eh. Olats sa pag-ibig eh. Tatanggapin ko kahit friends lang, dun naman nagsisimula lahat eh. Basta ba may connection lang. Pero ayaw niya eh.

"Hindi, Par. Gusto ko lang uminom pero matagal pa dismissal eh." palusot ko na lang.

"Si Allen oh!" biglang bulalas ni Jason tapos ay tinuro si Allen na nasa field.

ALLEN'S POV

"MJ! Sige na! Ite-text mo lang naman siya eh!" pesteng lalaki 'to! Ang liit-liit lang ng favor na hinihingi ko, hindi pa ako mapagbigyan?

"Ayokoooo~ Lovelife mo yan eh, bakit ko papakialaman?" sabi naman niya habang pinipindot-pindot yung phone niya sa harap ko!

Grabe! Lovelife? Walang ni-lovelife! Magkaaway nga kami diba?

"Sige na! Pleaaaase~" pakiusap ko sa kanya. Kailangan pa ba akong lumuhod? Pag sinabi niya yun gagawin ko, basta ba itext niya lang si Karl na makipagkita sa akin eh.

"Ayoko nga, Allen! Mamaya makita ng pare ko 'to, magselos pa yun!" sabi naman niya tapos binulsa niya yung phone niya at lumakad palayo sa akin.

Ah, ayaw mo ha?

"Hindi ko na gagawin lahat ng kulang para sa events! Yung sa intrams? Ikaw na bahala dun! Bahala ka! Magku-quit ako bilang officer mo!" sigaw ko sa kanya at napansin kong tumigil siya.

Agad siyang umikot at lumapit pabalik sa akin.

"AnoBangGustoMongSabihinKoDunSaKarlNaYun? GustoMoTawaganKoNaParaMadali? PleaseAllenWagKangMagku-quit! MahirapPagWalaKa!" kitams! Bibigay ka din naman pala eh. Gusto mo talaga yung pinagbabantaan ka pa eh.

"Sabihin mo sa kanya na -" natigilan ako kasi biglang nag-vibrate yung phone ko.

Pagbasa ko sa text ay napangiti ako.

"Wag na! May solusyon na problema ko! Pangit!" sabi ko kay MJ tapos nilayasan ko na siya.

Kailangan ko na talagang makipag-usap kay Karl. Man up, Allen! Para 'to sa FRIENDSHIP! For friendship!

KARL VINCENT'S POV

"Yes! Tapos na! 'Lika na, alak-alak na! Nauuhaw na ako oh!" excited na sabi ni Jason.

Napangiti na lang ako at agad na tumayo para lumabas na.

Natigilan ako sa paglakad ng makita ko si Allen sa labas.

Nginitian niya ako, which was unusual this past few months, kaya napangiti din ako awkwardly.

Nung tumapat kami sa kanya ay tinanguan niya si Jomar at tumango naman ito sa kanya.

"Inaya mo siya?" pabulong kong tanong kay Jomar.

Tumango naman siya at ngumiti.

"Bakit mo ginawa yun? Baka mamaya busy yan, sisihin pa tayo." pabulong ko ulit na tanong.

So Into You (BxB)Where stories live. Discover now