Chapter 29 : Reconciliation - Friends

Start from the beginning
                                    

"Ano ba yun? May problema ka ba?" tanong ni MJ.

"Wala. Wala. Wala yun." sabi ko sa kanya.

Lumapit naman siya ng bahagya sa akin.

"Yung Karl yan 'no?" pabulong niyang tanong kaya nagitla ako at napaatras palayo sa kanya.

"No! Hindi! Hindi siya! Iba iniisip ko!" pagtanggi ko sa kanya.

"Naku, Allen. Kilala ko yung mga ganyang kilos! Yung madalas na pagtulala, minsang nagwawala kahit wala namang dahilan, pabigla-biglang sumisigaw tapos nagsisinungaling. Allen, alam ko yan, nangyari na sa akin yan eh. Gusto mo si Karl ano?" wow! Revelation time, MJ?

"Paano mong-"

"Kasi nga, naging ganyan na din ako. Na-inlove ako sa pare ko, sa kaibigan ko, tapos ayun nagkahiwalay kami kasi hindi namin alam kung paano pakikitunguhan ang isa't-isa. Pero, isang araw, nag-usap kami ng masinsinan. Heart to heart kumbaga. Eto kami ngayon, mag-i-isang taon na." nakangiti niyang sabi habang nakatingin sa pader, yung tipong parang nagpe-play dun yung mga alaala habang nagku-kwento siya sa akin. Pero wait!

"Are you..." pabitin kong tanong kasi baka ma-offend ko siya.

"Bisexual ako, Allen. Kaya nga nung una pa lang natuwa na ako sa'yo. Gusto sana kitang ligawan kaso nauna na sa'yo yung bestfriend ko eh. Sorry." sabi niya tapos ginulo niya ang buhok ko.

Nyek! Kaya pala ang kulit-kulit niya nung unang kita namin!

"Pero wag kang maiilang sa akin ha? Pag feeling mo nilalandi kita, feeling mo lang yun! Mahal ko ang pare ko! At saka baka kutusan ako nun!" sabi niya tapos tumawa siya ng pagkalakas-lakas kaya nakakuha na naman kami ng atensyon ng iba.

Ang kapal niya ha? Oo, gwapo siya! Pero wala akong gusto sa kanya!

"Hindi ako maiilang 'no! As if namang may gusto ako sa'yo!" sabi ko sa kanya tapos tinawanan ko lang siya.

"Wooh! Kunwari ka pa! Para ka ngang isdang wala sa tubig kung makapagbukas-sara ng bibig pag nakikita ako eh." magpang-asar niya pang sabi.

"So, ano? Mag-aasaran lang tayo? Tutulungan mo ba ako o hindi?" tanong ko sa kanya. Masyado na siyang natutuwa sa pang-aasar sa akin eh.

"Sooo~ Inaamin mo ngang may gusto ka kay Karl?" umamin ba ako? Wala akong sinabi ha?

"MJ, ano ba? Mag-iisip ka ba ng way para makausap ko siya o aasarin mo lang ako kay Karl? Kasi kung hindi ka mag-iisip, tumigil ka na sa pang-aasar dahil hindi ka nakakatulong." medyo inis-inisan kong sabi para naman sumeryoso siya!

"Sorry na! Sorry na! Ang masasabi ko lang .... BAHALA KA DYAN!" are you-!? Eff you, MJ! Talagang tinakbuhan mo lang ako ha? You're a true friend!

I guess, I really need to man up and apologize to him.

Apologize or not?

Apologize?

Not?

Apologize?

Not?

Apologize?

KARL VINCENT'S POV

So, he returned the bracelet I gave him. What does that mean? Is he shutting me out of his life? So, wala na? Kalimutan na talaga? Wala nang pansinan?

Paano na lang yung FRIENDSHIP namin? Wala na din yun? Bura-bura na lang sa utak?

Mukhang kailangan ko na namang makalimot ah? Kaso matagal pa matapos klase namin eh. Nangako pa naman ako kay Mommy na hindi ako magka-cutting para lang uminom. Argh!

So Into You (BxB)Where stories live. Discover now