Chapter 39

1.1K 28 0
                                    

"Castine" Hinawakan niya ang braso ko para pigilan sa paglalakad. Napatingin ako sa kaniya at bakas sa mukha niya ang lungkot.

"Sinabi ko na Tyler diba? Pagod nako ano pa bang gusto mong sabihin at ipamukha sa akin ?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya't kung anu-ano na lang ang nabitawan kong mga salita.

"Please d-don't go." Binawi ko ang braso ko sa kaniya at napangiti ng mapait. Seriously ? How can he say those words ?

"Alam mo." Umpisa ko habang pinipigilan ang luhang kanina pa gustong lumabas. "Ito" Sabay turo sa dibdib niya. "Puno ng galit yung laman nito Tyler." Ngumiti ako ng pilit sa kaniya . "Try to look forward, forget the past and move on. Huwag mo naman sanang ikulong yang sarili mo sa nakaraan, dahil hindi na tayo nabubuhay doon. " Tinapik ko pa ang balikat niya bago ko siya talikuran. Time can heal Tyler, always remember that.

"Cas" Tawag niya sa akin. Kaya humarap ako sa kaniya kahit na medyo malayo na ang agwat namin sa isa't-isa. "I'll give you space, but please promise me na ako lang. "

Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya ng sobrang higpit sabay bulog na. "Ikaw lang." Pagkatapos noon ay humiwalay na ako at nagsimulang maglakad papalayo sa kaniya. Sana magawa mong palayain ang sarili mo Tyler. Convince yourself.

--

2 months simula ng umalis kami ni Casler sa bahay ni Tyler. Oo umalis kami dahil alam kong hindi mapapahinga ang mga isip at puso namin kung hindi namin gagamitan ng oras. About sa mag ama nagkaayos na rin sila sa wakas alam ko naman na hindi matitiis ni Casler ang daddy niya at dahil na rin sa tulong nila mommy ay napabilis.

Kadarating ko lang sa Pilipinas ulit dahil kinailangan kong ihatid si Cas at mag stay ng ilang linggo sa ibang bansa. Balik Pilipinas nanaman ako ibig sabihin ay balik trabaho.

Andito ako sa opisina ko ngayon at nagche-check ng mga emails at sales report ng Casler's hindi naman ako ganoon ka busy kaya medyo nakakapagpahinga ako ng maayos.

"Mam may phone call po kayo." That's my secretary kinambatan ko siya para ilapit sa akin ang telepono.

"Hello?" Umpisa ko.

"Y-You're back." Rinig ko ang halos paos na boses ni Tyler mula sa kabilang linya. Oo alam kong siya iyon at hindi ako nagkakamali. "I think 2 months are enough Cas. Come back to me." Huminga ako ng malalim 2 months passed at alam kong nakahinga ako ng maayos at nakapag isip isip. "Still there ?" Nabalik ako sa wisyo ko ng magsalita ang nasa kabilang linya.

"Tyler" Tanging nasabi ko lang sa kaniya.

"Mahirap ba akong mahalin?" Umiling ako kahit na hindi niya ito nakikita alam kong mukha akong tanga pero hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Nagulat nalang ako ng biglang matapos ang tawag.

Ano na kayang nangyayari sa kaniya? Kinuha ko ang sling bag ko. Pupuntahan ko siya ngayon, nagsimula na akong magmaneho at ng makadating ako sa harapan ay halos walang ilaw. Idiniretso ko ang sasakyan ko hanggang sa harapan ng bahay at laking gulat ko ng wala manlang itong ilaw.

Napataas yung kilay ko hindi naman maingay para masabing nasa bar si Tyler at kung nasa opisina naman bakit parang lasing siya ? Nagsimula akong kabahan ng maisip na baka nasa loob ng madilim na bahay na ito siya. Pagkarating ko at agad kong binuksan ang mga ilaw. Malinis naman at mukhang hindi siya nagrebelde.

Umakyat na agad ako sa kwarto at doon ko nadatnan ang nakalupasay sa sahig na si Tyler at may hawak hawak na bote. Halos masuka suka ako ng malanghap ko ang amoy na iyon . Ilang beses ako naduwal kaya't hinanap ko kaagad ang CR pero wala naman akong maisuka.

Naramdaman ko nalang na may humahagod sa likod ko kaya napatingin ako sa kaniya. "What happened ?" Nag aalalang tanong niya sa akin.

"Wala, wala ito. Siguro sa amoy ng alak. " Tumango tango lang siya at inalalayan ako papuntang living room. At doon ko lang napansin na may mga sugat sugat siya sa parte ng katawan niya. "Saan mo nakuha ang mga ito?" Tanong ko sa kaniya pero hindi siya umimik kaya uminit ang ulo ko. "I'm talking to you!" Bakas ang pagkagulat sa kaniya ng sumigaw ako sa harapan niya.

"Wait.." Iniwan niya ako sa sala pumanik siya sa kwarto at agad din naman na bumaba agad sabay hila sa akin papauntang kotse. Siya na ang nagmaneho at hindi ko alam kung saan ba kami pupunta.

At dahil wala naman ako sa mood ay hindi ko na siya kinibo. Pero hindi ko na napigilan ng huminto kami sa isang hospital. "Teka sinong pupuntahan natin ?" Nagtatakang tanong ko.

Hinila niya ako hanggang makapasok kami sa isang OB- gyne ? "Good evening Mr And Mrs."Bati ng isang doktora sa amin. Pinaupo ako ni Tyler at nakipag usap sa doktor. So ano ako dito props ? Nakita ko pang napapatingin siya sa akin habang nakikipag bidahan kay doktora. Ano nanamang problema nito ? Dont tell me kaya siya nandito ay dahil naanakan niya si Madison or kung sinong babaeng kawala ?

"Huwag mo sabihin na kaya tayo nandito ay dahil may naanakan kang iba at--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nagsalita na siya.

"Stop thinking none sense ok ? Pinasunod ako ni doktora sa kaniya hanggang makarating kami sa CR at iniabot sa akin ang dalawang pregnancy test . Teka bakit ito?

"Just test it." Ngumiti lang siya sa akin kaya nagkibit balikat lang ako at sinubukan rin. Dalawa ang ginamit ko ay pagkatapo kong gamitin ay pumikit ako. Paano kung buntis ako ? Naalala ko na hindi nga pala ako dinadatnan ng ilang buwan na dahil ang alam ko lang ay anemic ako kaya minsan delay ang menstruation ko.

Ibinukas ko ang mga mata ko at nakita na dalawa ang guhit nito at hindi nag-iisa. Lumabas ako at tinest ng doctor kung tama ba o kung mali. Katabi ko si Tyler at ng bumalik si doktora ay ngumiti sa amin.

"Congratulation Mr. And Mrs."

Wrong Time, Right Person.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon