Chapter 28

983 26 0
                                    

Napaluha ako sa tuwa dahil sa nakita ko. B-buntis ako at alam kong si Tyler ang ama nito. Pinunasan ko ang aking luha na pumatak sa pisngi ko. Hinawakan ko ang tiyan ko na alam kong dugo pa lamang ang laman nito pero gusto ko na siyanh kausapin. "Baby, isa kabang sign para hindi ko iwan ang daddy mo?" Napangiti ako ng mapait. Kamusta na kaya si Tyler? Bumuntong hininga ako ng maalala ko kung paano ko siya pinakawalan.

"Hey!" Masayang sigaw ni Calley sa akin kaya nabitawan ko ang pregnancy test at iyon ang nakaagaw ng pansin niya. Dinampot ko kaagad iyon at itinago sa likuran ko. "What's that?" kunot noong tanong niya .

"Ah, Wala 'to, i-ipit ko lang. " Still, ganoon pa rin ang tingin niya na para bang may itinatago ako sa kaniya pero siguro ay naniwala siya dahil umayos naman na ang itsura niya . "Calley, pwede bang pumunta ako kay Tyler? Sandali lang ako doon. " Hindi ko alam pero kinakabahan ako.

Pinayagan naman niya ako kahit na ang totoo ay gusto niyang huwag na ako sumama dahil alam na alam niya kung gaano namin kamahal ni Tyler ang isa't- isa. Ipinarada ko ang sasakyan ko sa harap ng isang malaking condominium.  Since pabalik-balik na ako dito ay mabilis akong nakapunta sa kwarto niya. Nagtaka ako ng pagkarating ko ay bukas ang pinto. Hindi kaya nanakawan ito? Napakagat labi ako ng maalala ko ang mainit na gabing pinagsaluhan namin. Dito iyon nangyari at ngayon gusto kong ipaalam sa kaniyang magkaka baby na kami. Siguro naman this time maiintindihan na nila mommy ang mayroon sa amin ngayon. Ngumiti ako ng bahagya ng maalala ang sandaling iyon.

Nagsimula na akong pumasok at nakita ko ang ibat-ibang alak na nakakalat rito, gusto kong masuka dahil sa tindi ng amoy nito kaya napahawak ako sa ilong ko para maibsan ng kaunti ang amoy. Hinanap ko siya sa kusina but no traces of Tyler, kaya sa kwarto ako nagtungo at nagbabakasakali na doon ko siya mahahanap. Nang makalapit ako ay parang hiniwa ang puso ko, naka awang ang pinto dahilan para makita ko ang nangyayari sa loob.

S-si Madison, tanging kumot lang ang tumatakip sa katawan niya at sa tabi niya ay si Tyler na tulog at walang damit pang itaas, magkasama sila sa isang kumot at nakaakap ang babae sa kaniya. Kumirot ang puso ko dahil sa nadatnan kong eksena. At dahil sa pagmamadali ko ay nabunggo ko ang isang vase na nadaanan ko dahilan para makalikha ng ingay. Palabas na ako ng pinto ng biglang may nagsalita da likuran ko. "The bitch is here." Napahinto ako ng marinig ko ang boses ni Madison. Humarap ako sa kaniya at nakita kong naka panty at bra na siya. "Did you enjoyed the view? How sweet right?" lumapit siya sa akin na para bang hindi manlang nahihiya na iyon lang ang suot niya. "Poor my little sister, masyado mong sinayang ang pagmamahal ni Tyler, so magsisi ka dahil akin na siya. "  Hindi ko kinaya ang mga sinasabi niya kaya tumalikod na ako at rinig na rinig ko pa ang huling salitang mga sinabi niya. "He's so damn sexy, lalo na kanina. " Napalunok ako dahil sa sinabi niya. Nagsimula na ako maglakad pero nagsalita nanaman siya. "We didn't sex ." hindi ko alam kung matutuwa ba ako kung ano, lumapit siya sa akin hanggang sa magkatapat kami and she smirked.  "We make loved. " gumuhit ang isang nakakalokong ngiti sa kaniyang mukha. I want to cry in front of her pero pinigilan ko, Dahil baka isipin niyang mahina ako kahit na totoo naman. Lalabas na sana ako ng tuluyan ng marinig ko ang boses ng taong pinuntahan ko dito.

"Why so--  C-Castine?" kinukusot pa niya ang mata niya na halatang kagigising lang. Naka pantalon na siya at gulo gulo ang buhok. Napailing ako, bago pa man ako tumalikod sa kanila ay nahulog na ang isang butil ng luha mula sa mata ko.
-

Minaneho ko ng mabilis ang sasakyan ko para makapunta ng madali kita Calley, at nagawa ko nga. Naroon siya sa labas at halatang hinahantay ako. "Oh my! What happened? Did he knew naba?" bakas ang ngiti sa kaniyang mukha. Teka anong sinasabi nito? Nang mabakas niya siguro sa mukha ko na naguguluhan ako ay inilabas niya mula sa likod niya ang pregnancy test na inilagay ko sa banyo bago ako umalis. "Wahh! Congratulation!" namilog ang mata ko dahil sa pinakita niya. At napaiyak ng maalala ko ang nangyari kanina. Ni hindi manlang ako lumaban. "Hey? Bakit? Don't cry makakasama iyan kay baby. " pumasok muna kami sa loob at pinainom niya ako ng tubig para kumalma. Ngumiti ako ng mapait sa kaniya, kinuha ko ang pregnancy test at inilapag iyon sa table.

"Hey! What's up beautiful girls?" Dumating si Andrew at umupo sa katabi kong bangko. Ganoon nalang rin ang gulat niya ng mapatingin siya sa bagay na nasa table. "Pregnancy test?" Napalipat-lipat ang mata niya sa aming dalawa niya Calley.

"I am. " mahinang bulong ko. Nakita kong nagsalubong ang kilay niya bago pa man siya nakabawi.

"Wait okay? What happen nung nagpunta ka kay Tyler?" Muling nagtanong si Calley pero si Andrew ang sumagot.

"What?! Nagpunta ka doon? Dapat--"

"Shup up Andrew! Magku-kwento pa si Castine!" Sigaw nito sa pinsan kaya naman tumahimik ito dahil na rin siguro sa lakas ng boses ni Calley. "I'm so sorry Cas. " nag peace sign pa siya kaya natawa ako ng bahagya.

Nagsimula ko ng ikwento sa kanilang dalawa ang nangyari simula ng makita ko sila sa kwarto ni Tyler at pati sa mga pinagsasasabi ni Madison sa akin. Wala akong pinalampas at lahat ng detalye ay sigurado akong nasabi ko ang lahat.

"Tss, ang landi talaga ng kapatid mo iyan. Buti nalang hindi mo namana. " iiling-iling na sagot ni Calley habang bumubuntong hininga pa. Tinignan ko ang reaksyon ni Andrew pero mukhang malalim ang iniisip niya.

"So I think ito ang sinabi sakin ni Madison ng sabihan niya akong mag-usap kami. " Ha? Anong sinasabi niya? .

"A-anung--?" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nagsalita na siya ulit.

"Ang sinabi niya ay may mangyayari na ikasasakit ng puso mo, sigurado akong nauna niyang malaman ang about sa mommy mo at daddy ni JT at kinuha niya ang pagkakataon kung saan mahina si JT at ito ang nakakasakit sayo ngayon. " napatulala ako sa sinabi niya. So all this time Madison knew this. 

A/N: Happy new year! :)) 2016 is love.
-Monicszxc.

Wrong Time, Right Person.Where stories live. Discover now