Chapter 18

1.1K 28 0
                                    

Pinapanuod ko lang ang mga batang nagtatakbuhan, nagtatawanan,naku-kwentuhan at ang iba na kasama ang kanilang mga yaya. Minsan naisip ko sa buhay ko na mas masaya pala ang maging bata nalang yung wala kang pinaproblema kung hindi saan ka maglalaro, kung kakain kana ba, o sugat lang ang pwede mong katakutan dahil doon ka lang masasaktan. Naramdaman ko ang pag vibrate ng phone ko kasabay noon ay ang tunog dahil sa may tumatawag, kinuha ko iyon at tinignan kung sino at si Tyler 'yon.

Wala akong balak makipag-usap ngayon kahit na Tyler didn't know what happened. I just ignored and put it back in my pocket. "Still, you didn't answered my phone calls" napatingin ako sa nagsalitang asa likod ko.

"Tatawag tawag ka andyan kalang naman pala para kang sira" sita ko sa kanya, Totoo naman pwede naman sanang lumapit nalang siya at kausapin ako hindi yung ganoong kaartehan niya.

"Pfft..calm down babe" nagsalubong ang kilay ko dahil sa pagtawa nitong lalaking to. Porke Rich kid patawag tawag nalang.

"Calm your face!" after that I heard him laugh again! Kaya tumayo ako but he grabbed my arm kaya napasandala ko sa kanya, atsaka niya ako inakap dahil nasa likod ko siya.

"Don't be mad, you know what I love you so damn much" he whispered. Okay so ako na kinikilig. "Huwag kang kiligin baka ma inlove kapa sakin", woah! Ang hangin din ng isang to ih.

Humarap ako sa kanya at humawak sa buhok niya. "Alam mo hindi kalang mahangin ih, panira ka din ng moment" and rolled my eyes .

Naglakad na ako palayo sa kanya dahil tawa namaman siya ng tawa, tss babaw ng kaligayahan nung taong 'yon ha. Ang yabang yabang kala naman niya kung sino siyang-- "Ahhhh ibaba moko! Leche kang lalaki na! i will kill you!" sigaw ko ng bigla niya akong buhatin patakbo sa sasakyan niyang malapit lang pala sa kinauupuan ko kanina.

"Akala ko naman kung saan mo ako dadalhin" andito kasi kami ngayon sa tapat ng bahay namin pero hindi pa rin ako bumababa. Eh bakit ba kasi.

"Ayaw mo? Then lets go to my condo" sinapak ko naman siya agad pero tumatawa siya, kita mo 'tong lalaking to, abnormal talaga. "I'm just joking okay? So calm."

Umayos naman ako ng upo at inalis na ang seatbelt pero bago pa ako lumabas ay hinawakan niya ang kamay ko. "Castine" and it sounds serious.

"Hm?"

"Whatever happens just don't give up ok?" ano? Anung nangyayari dito? Agad ko naman hinipo ang leeg niya pati noo niya.

"Wala ka namang lagnat ah? Anong sinasabi mo?" takhang tanong ko but he smiled.

"None, pumasok kana then eat your dinner and sleep" and he kissed ny forehead.

I love the feeling of being inlove with this guy. It makes me crazy to love him so damn much. And I think I found my true love.

--

"Blooming ka ha! Tell me, what happened? " Calley asked. Week passed ng mangyari ang mga 'yon and I think I need to prepare some plan.

"Long story Calley, you'll get bored." palusot ko sa kanya, akupado kasi yung utak ko para sa plano na gusto kong mangyari ngayon.

"Andaya mo naman!" and with that napatawa ako agad. .

"Wait, you love surprises right?" and she nodded. "Maybe you can help me." gumuhit ang ngiti niya kanyang labi at tumango tango, maybe I don't need to stress myself too much.

Tyler got busy these days, halos sa text na nga lang kami nagkakausap siguro dahil na rin 'yon sa dami ng ginagawa niya but still naiintindihan ko naman. Minsan nga halos hindi na ako nakakatanggap ng text sa kanya sa loob ng isang araw pero ako Hindi ako pumapalya na itext siya kung kamusta na ba, kumain na, anung lagay ng mga ginagawa niya.

Pumunta na ako sa isang secret place kung saan ko isusurprise si Tyler at sinabi na rin ni Calley na it's already done, ang kulang nalang ay si Tyler. Sinimulan ko na siyang kontakin but he didn't answered my phone calls so tinext ko nalang yung lugar para naman kung busy siya ngayon at least may text siyang mababasa. 6pm na ng makarating ako sa lugar, nakita ko lang si Calley doon na kasama si Andrew. Nagkalinawan na kami ni Andrew na si Tyler ang mahal ko at hindi na siya tumutol doon basta daw magiingat ako at magtiwala sa kaibigan niya.

Naghanda lang ako ng maliit na salo salo gusto ko kasing maging memorable ang day na ito dahil ngayon ko siya sasagutin and I think it'll be nice. "Papunta naba siya?" tanong ni Calley, tumingin ako sa cellphone ko to check kung may replies or miss calls pero wala. Magiisang oras na rin kaming naghahantay pero wala pa rin.

"Siguro parating na iyon" and smiled at her, naglakad ako medyo malayo sa kanila to hide the pain. Kinakabahan ako sa pwedeng mangyari, kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang number niya ilang rings na rin ang naririnig ko pero hindi pa rin niya sinasagot hanggang sa nabuhayan ako ng loob ng biglang tumigil ang ring at may sumagot sa tawag ko.

"Hello" it's him! Boses niya iyon, siguro hindi pa niya nababasa yung text ko so magsasalita na sana ako ng bigla ako may narinig na nagsalita "Come JT, I'm tired let's go home" JT? Alam kong madaming tumatawag na JT sa kanya but those tone isa lang ang pumasok sa isip ko, pinatay ko na ang tawag at pinunasan ang luhang tumulo sa pisngi ko.

"After all, magkasama lang pala sila ni Madison ." naglakad ako palapit sa dalawa at kinuha ang pouch bag ko . "Tara sa guys, wala na tayong hinahantay dito we're just wasting our time for someone who didn't come here forever " and start walking.

Everything was so great and damn awesome. Nakasakay na ako ng biglang tumunog ang cellphone ko.

Tyler is calling...

Napangiti ako ng mapait bago ibalik ang phone sa pouch, you're a great gamer Tyler.

-Monicszxc


Wrong Time, Right Person.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon