Chapter 29

1K 26 0
                                    

Nasa airport na kaming tatlo pero syempre kaming dalawa lang muna ni Calley ang aalis dahil susunod nalang si Andrew bukas rin. Masama man sa aking pakiramdam na umalis sa Lugar kung saan ako nagkaisip, natuto, nagmahal at nasaktan. Huminga akong malalim, Siguro ibabaon ko na sa limot ang pait ng nakaraan ko. Magsisimula ako, at kami ng magiging anak ko. Hindi na kami masyadong nagpaalaman pa dahil susunod rin naman si Andrew.

Mahaba ang biyahe bago namin narating ang Canada, masasabi kong napakaganda sa lugar na ito, mula sa naglalakihang gusali at sa luwang ng mga kalsada ibang iba ang ambiance ng lugar. Damang dama rin ang lamig ng klima rito. Tumuloy kami sa mga magulang ni Calley I know na we're not close that much pero kahit ganon ay ang init ng salubong nila sa akin. Sa guest room ako nagpalipas ng araw at alam kong sa mga susunod pa.
-
"Wake up honey, Good morning."  niyugyog niya ang braso ko dahilan para magising ako, napamulat ako ng mata at napangiti ng sumalubong ang mukha ng isang lalaki na nakangiti. "Finally!" ngiting natumpay ang ibinigay niya sa akin kaya naman napatawa ako. "Let's have a breakfast! Hurry!"

Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya, wait he cooked? "Did you cooked?" Tumango lang siya at ngumiti sa akin.  Bakit ba ang pogi niya? Lalo na kapag ngumingiti siya, walang duda na anak nga siya ni Jhon Tyler Harvard.  Yes, my son.

"Casler! Nagising naba ang mommy mo?" wait? Boses iyon ni Calley?! Napabangon ako agad at nagpunta sa banyo para mag toothbrush at maghilamos.  Paglabas ko ay wala na si Casler siguro ay nagpunta na sa kusina. It's been 8 years and Casler is already 7 years old. No doubt andami niyang nakuha sa ama niya para ngang mapaglaro ang tadhana at wala manlang atang nakuha sa akin ni isa ang batang iyon tanging magbasa lang ng libro ata ang namana sa akin the rest ay kay Tyler na.

He's good in cooking, moody rin siya, the way he smile, he look lahat ay kay Tyler. Hindi ko pwedeng sabihin na iba ang ama nito dahil kapag ginawa ko yon ay talagang masasabihan akong sinungaling. Walong taon na ang lumipas, wala na akong contact kay Tyler hindi ko na alam kung anung nangyayari sa kaniya, ni hindi ko rin sinabi na may anak kami kahit sa mga magulang ko ay hindi ko sinabi dahil alam kong ito ang magiging dahilan para hindi nila ituloy ang pagmamahalan nila ni Tito. Hindi ko rin alam kung anung nangyayari na sa kanilang dalawa dahil every time na tatanungin ko sila about doon ay tinatawanan lang nila ako. They seem both happy together.  Lumabas na ako ng kwarto at nadatnan ko nga ang mag ninang na naghahanda ng pagkain.

"O C'mon let's eat. Casler's speciality is delicious !" that's Calley, she's a successful business woman. At kasosyo ko siya sa company kong Casler's publishing company. Sa nagdaang taon nakapagtapos ako ng pag-aaral at ng may sapat akong kita sa part time ko ay nagpatayo ako ng isang maliit na book publishing hanggang sa lumago ito at naging isang ganap na kompanya. Masasabi kong naging matagumpay ang mga plano ko sa buhay and I know that Casler is my lucky charm.

Gaya nga ng paanyaya ni Calley ay kumain na kami, masarap magluto ang anak ko. Ewan ko ba at 7 years old palang ay bibo na ito. Nakapag file na kaming dalawa ng anak ko ng Permanent resident dito sa Canada, at naayos ko na rin ang dual Citizen para 'rin Pilipinas lalo na ngayon na malapit ng mag open ang branch ng publishing ko doon. Nasa kalagitnaan kami ng kainan ng may biglang nag doorbell, nakapagpatayo na ako ng sarili naming bahay ng anak ko at nakakapag padala na rin ako kay mommy. "Hi beautiful." sabay kindat ni Andrew.

"Oh my ghad! We missed you!" Napayakap ako sa kaniya pagkatapos ay iniabot niya ang bouquet of roses at tinanggap ko naman iyon.

"Daddy Ninong!" Hiyaw ng anak ko ng makita niya si Andrew. Since lumaki si Casler ay parang naging ama amahan na si Andrew sa kaniya , thankful ako dahil hindi siya nagsasawang ibigay ang oras niya sa anak ko. Minsan nga ay nahihiya na ako sa kaniya, oo hindi ako manhid para hindi maramdaman ang pagmamahal ni Andrew sakin pero pipilitin kong pag aralang mahalin siya dahil kahit kailan hindi siya nawala sa tabi namin ni Casler katulad ng bestfriend kong si Calley.

"How's my baby boy?" Tanong nito ng makalapit si Casler sa kaniya. Nag pout ang anak ko habang tinatap ni Andrew ang ulo niya.

"I'm big now Daddy not a baby. " Nagtawanan naman kami dahil sa inasta ng anak ko. Kung bakit ba ang cute cute ng anak ko. Ayaw niyang pinagsasabihan siyang baby dahil hindi na raw siya bata. Bumalik na sa pagkain ang anak ko kasama pa rin si Calley ng tawagin ako ni Andrew at may kailangan daw siyang sabihin.

Pumunta kami sa living room at doon niya inumpisahan ang sasabihin. "Cas, Next week kailangan mong umuwi ng Pilipinas. " aniya, napalunok ako dahil sa sinabi niya.

"Why?" tanong ko.

"Tapos na ang Casler's so kailangan mo mag cut ng ribbon and para Makita na rin ng mga kasosyo mo ang ganda ng branch na ito. " Huminga ako ng malalim , alam kong darating ako sa puntong kailangang bumalik ako sa pinanggalingan ko, pero hindi ba sobrang bilis naman ng 8 years? "Huwag kang mag-alala, andito lang ako kapag kailagan mo. " hinawakan niya ang kamay ko at niyakap.

"I'm going, business is a business.  " saad ko sa kaniya. 

Humiwalay ako ng yakap at magkaharap na kami ngayon.  "So are you ready to meet your parents ? Casler's grandmather?" ngumiti lang ako sa kaniya. Sinabi ko na dati sa kanilang dalawa ni Calley na kapag  umuwi ako ng Pilipinas ay iyon na rin ang araw na ipapakilala ko ang anak ko. Kahit naman hindi ko sabihin ay hindi maitatago ang katotohanan.

"Yes I am. " Masayang wika ko, alam kong this time mas handa na ako. Handa na akong harapin ang dapat sana ay hinarap ko na 8 years ago. Pero dahil duwag ako ay hindi ko nagawa noon.

"How about Casler's father?" Nawala ang guhit sa aking labi ng magsalitang muli si Andrew. Maliit ang Pilipinas at alam kong madami siyang source kung saan pwede niyang malaman na anak niya si Casler.

-Monicszxc.

Wrong Time, Right Person.Where stories live. Discover now