Chapter 27

988 25 2
                                    

Sa una ay nagulat sila ni tito Jhon sa plano ko pero nakabawi rin sila ng ipaliwanag kong gusto ko ng new environment, at lahat ng iyon ay kasinungalingan lang. Aalis ako para takasan ang problemang dapat ay hinaharap ko, dahil nga duwag ako. I'm a weak person. Nang araw din na iyon ay sinira ko ang sim ko at kahit na anong communication ang meron ako kay Tyler ay inalis ko na.

Bukas na ang alis namin ni Calley, napabook ni tito ng mabilisan ito para na rin may kasabay ako. Si mommy ay umiyak pa dahil sa desisyon kong gusto ko na ako lang mag-isa kapag nagpunta akong Canada. Kaya ko naman iyon at gusto kong kalimutan ang lahat ng pangyayari dito. Sinabi ko sa kanilang dalawa na ituloy nila ang pagmamahalan nila. Alam kong meant to be sila ni mommy at sino ba naman ako para pigilan iyon.

Nasa mall kami ni Calley kasama si Andrew dahil kanina ko lang nalaman na pati pala siya ay sasama sa Canada. Andito kami para bumili ng mga gamit na dadalhin doon, like jackets at marami pa. Mga bandang 4pm na ng pumunta kami sa school for the papers na kailangan sa pag transfer. Mga gabi na rin ng makauwi kami dahil sa pag-aayos. Palabas na kami ng school at nasa parking lot na ng biglang mahagip ng mata ko si Tyler na nakasunod sa amin.

Binilisan ko ang lakad ko, ayokong magkita kami! Ayoko! Pero sadyang mapaglaro nga ang tadhana dahil hinigit niya ang kamay ko para mapalapit sa kaniya. "Castine" bakas sa mukha niya ang pag-aalala at takot?

Napahinto 'rin si Andrew at Calley dahil sa nangyari at nag aalalang tumingin sa akin. Tinanguan ko lang sila dahilan para lumayo sila ng onti. Siguro ay naintindihan nila na kailangan nga naming mag-usap. "Tyler, I'm going to--" pero pinigilan niya akong magsalita.

"Shh, I know. Alam kong magbabago pa iyang isip mo hindi ba?" Hinawakan niya ang kamay ko habang napapaos ang boses niya. Yumuko ako sa kaniya pero itinaas niya ang mukha ko para magkatinginan kami pero I can't look at him. "Castine look at me." he commanded kaya napatingin ako kaniya. "You're going to change your mind right?" pero hindi ko siya masagot hanggang sa maramdaman ko ang luha na pumatak sa pisngi ko. Nakita kong kumunot ang noo niya ng hindi ko siya sinasagot at damang dama ko ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko. "I'm right diba Castine?" Umiling ako sa kaniya at yumuko.

"I-I'm sorry. " garalgal kong pahayag sa kaniya.

Narinig kong tumawa siya ng mapait bago ulit magsalita. "Katulad ka 'rin pala niya. " Hindi ko siya matignan pero garalgal na 'rin ang kaniyang boses. "Iiwan mo rin ako, like your sister. She's just like you!" bawat salita niya ay ramdam ang hinanakit at ang sakit sakit niyon para sa akin.

Tumingin ako sa kaniya pero sana ay hindi ko nalang ginawa pa. Makita siyang umiiyak ay nakakapanghina. Umiwas ako ng tingin sa kaniya sa pangalawang beses. "For the last time Castine, are you going to leave me? Last question. " malakas ang kabog ng dibdib ko ng muli siyang nagsalita.

'In not going to leave you Tyler' gustong gusto kong sabihin sa kaniya iyan pero hindi ko magawa, hindi ko magawa dahil mahina ako. "I-I'm sorry. " Nagulat nalang ako ng unti-unting nawawala ang pagkahigpit ng hawak niya sa kamay ko hanggang sa bitawan na niya ito.

"Look at me. " Sinalubong ko ang tingin niya na seryoso, mababakas sa mga mata niya ang sakit na nararanadan niya ngayon. "Mahal mo ba ako?" kumunot ang noo ko dahil sa tanong niya.

"Oo, mahal kita Tyler. " Walang pasintabing saad ko sa kaniya.

"Kung mahal mo ako, hindi mo ako iiwan. " Napalunok ako sa sinabi niya, tama siya.

"Mahal kita pero--" hindi ko naituloy iyon dahil siya na mismo ang nagsunod sa sasabihin ko.

"Pero kaya mo akong iwan, mahal moko pero hindi moko kayang ipaglaban. Dahil duwag at mahina ka. " Parang tinusok ang puso ko bawat salitang binibitawan niya sa akin. Hindi ako makapagsalita dahil sa sakit na nararamdaman ko. Hindi ko masabi kung gaano ko siya kamahal, alam kong mali pero ginagawa ko pa rin. "Hindi pagmamahal ang meron ka, kung hindi takot dyan." tinuro niya ang dibdib ko. Umiiyak pa rin siya pero gusto niya itong pigilan.

"Tyler--" pero pinilig niya ang ulo niya.

"Tama na Castine, masakit na ih. Sana pinatay mo nalang ako kaysa masaktan ng paulit-ulit. " Iyon ang huling salita na sinabi niya at umalis na siya. Hanggang sa pag-andar ng kotse niya at nawala na siya sa paningin ko.

Hindi ako halos makatulog dahil sa nangyari kanina, maaga ang flight namin mamaya at hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako. Hindi ko matanggap na nawala sa akin si Tyler, ang taong mahal ko. Oo ako yung nagtulak sa kaniya para bitawan ako pero hindi ko naman kasalanan na mapunta sa sitwasyong ito. Hindi ko naman sinasadya ang lahat. Nalaman ko na bukas pa pala ang flight ni Andrew dahil kailangan niyang hantayin si Samantha para sa iba pang papeles na kailangang ayusin kaya kami lang dalawa ni Calley ang aalis.

Napagdisisyunan kong sa bahay nila Calley ako matutulog ng gabing iyon dahil malapit lang ang bahay nila sa airport at Hindi na rin kami mahihirapan. Bumangon ako at halos hindi ko nagustuhan ang timpla ng katawan ko dahil nahihilo ako. Maya-maya pa ay inaya ako ng sikmura ko sa banyo at doon ay sumuka ng sumuka na halos wala naman akong maisuka.

"Cas??" narinig kong pumasok si Calley sa kwartong tinutuluyan ko kaya pinlush ko agad at lumabas.

Ngumiti ako sa kaniya pagkalabas ko. "Hey, ahm.. Nag CR ako bakit?"

"Aalis lang ako saglit ok? May pagkain na sa ibaba pinapapunta lang ako ni Tita sa kanila at may ipapadala raw. " ngumiti lang ako sa kaniya at sinabihang mag-iingat siya. Kumain muna ako, nagbihis na rin ako dahil maya maya ay babalik na rin si Calley at pati si Andrew para maghatid sa amin. Nagpunta sa botika hindi naman ako inosente para hindi malaman na isa ang pagsusuka sa sign kung buntis ba ang isang babae.

Nang makabili ako ay nagtungo ako ulit sa condo na tinutuluyan namin nina Andrew at Calley , doon ay chineck kung positive ba o negative. Pumikit muna ako at huminga ng malalim at ng makita ko ay nanlaki ang mata ko dahil POSITIVE dahil dalawang line ang lumabas.

-Monicszxc

Wrong Time, Right Person.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon