Chapter 33

1K 33 0
                                    

Nang sabihin sa akin ni Tyler na pakasalan ko siya ay hindi na ako nagdalawang isip na sumagot ng oo sa kaniya. Ngayon na ang araw ng paglipat namin sa bahay niya , yes he own a house.  Sinabi ko na rin kila mommy at tita na duon na muna kami titira ni Casler and they are both happy dahil daw sa wakas ay mabubuo na ang pamilya ko.

Tyler gave all the keys para makapasok kami ngayon hindi daw niya kasi kami masusundo because of his unexpected business trip sa Hong Kong and for 2 days lang iyon.

Nang makapasok kami sa malapalasyong lugar ay agad akong napangiti, siguro hindi lang ganito ako kasaya kung una palang hindi ko na siya iniwan pa. "Honey you're blushing?" Katabi ko ang anak ko na ngayon ay nagtatanong.

"Me? I'm not Honey." I replied.  Tinungo na lang din niya ang atensyon niya sa mga magagandang halaman dito. Bumaba na kami at ako ay kinuha ang susi na bigay niya at sinimulang buksan. Pagkabukas ko ay amoy na amoy ko ang medyo maduming lugar dala ng alikabok. Tinungo namin ang kwarto kung saan malinis ito. "Honey sleep muna ha? I'll do something stuffs." Sumunod naman ang anak ko dahil na rin siguro sa kapaguran sa byahe.

Bumaba ako at naghanap ng panlinis, siguro ay napapabayaan na ito si Tyler kaya ganito ito dumumi. Nagwalis muna ako at nagpalis-palis ng mga alikabok sa frames figurines at iba pa. Pagkatapo ay nagsimula akong mag map buong bahay. Inabot na ako ng 2 ng tanghali at nakalimutan kong hindi pa pala kami kumakain. Nagpadeliver ako para sa ganon ay makapag pahinga naman ako ng maayos. Ilang sandali pa ay dumating na ang mga pagkain at tinawag ko na rin si Casler. "You're tired?" Napakunot ang noo ko sa sinabi ng anak ko. "Your clothes are dirty na mommy at your face is haggard.  " I just smiled at him and continue eating.

--
2days passed at Hindi rin ako makapasok sa trabaho dahil walang makakasama ang anak ko dito sa bahay kaya naman nag leave na rin muna ako aantayin ko nalang siguro si Tyler and after ay makakapasok na ako. Ngayon ang uwi niya pero hindi ko lang sure, hindi naman kasi siya nagtetxt tawag or email sa akin kaya wala akong alam kung anung nangyayari sa kaniya. "Ding..dong.."

Nawala ang pag iisip ko ng marinig ko ang doorbell kaya dali dali akong lumabas baka si Tyler na iyon ng buksan ko ang pinto ay si Andrew pala. "Hey! Let's chill?" itinaas pa niya ang dalawa niyang kamay na may dalang mga pagkain at alak. Ganito kami libangan na nga ata naman ang minsan ay uminom.

"Come inside." Nilakihan ko ang bukas ng pintuan para makapasok siya. 

"Sa swimming pool nalang tayo para masaya. " aya ko sa kaniya at dahil expected na niya na mahilig ako sa pool everytime na magiinom ay may dala na siyang shorts at ako kay nagpalit ng swimsuit.  Wala na kaming hiyaan dahil parang kapatid na ang turingan namin sa isa't isa.

"Asan nga pala si Casler?" Tanong niya habang nagbababad kami sa tubig at umiinom. 

"Kinuha ni mommy at tito kanina ipapasyal lang daw nila. " Tumango tango lang siya bilang sagot sa akin. 4pm na ng hapon kaya medyo malamig na rin pero ok lang sanay naman ako.

"So kamusta kayo ni JT?" maya maya ay tanong niya. Napaisip ako, kamusta na nga ba kami? Kung magkikita ba kami ay ganoon pa rin sa dati o may pagbabago na?

"Sana ay maging maayos. Sana katulad pa rin siya ng dati Andrew. "  Malungkot kong pahayag sa kaniya. Panahon nga nagbabago tao pa kaya, lalo na pag nasaktan ng sobra sobra. Niyakap niya ako ng mahigpit at niyakap ko rin siya pabalik. Itong taong to ang lagi kong nasasandalan sa mga problema ko. Ilang minuto pa ay umahon na kami at ng bathrobe lang ako siya naman ay nagbihis pa para makauwi na. "Salamat sa oras.  " Salita ko habang hinahatid ko siya sa pintuan.

"Wala iyon. Kahit kailan just text or call me I'll be there. " Ngumiti lang ako sa kaniya.  Medyo nahihilo na rin ako ng kaunti pero tinuwid ko pa rin ang lakad ko. Bumalik ako sa pool para linisin ang mga kalat. Aakyat na ako ng kwarto namin ng anak ko ng may maaninag akong lalaking nakatayo rito.

Napalaki ang mga mata ko ng makitang si Tyler ang kaharap ko. "Have you enjoy your day with that guy?" Napalunok ako sa pahayag niya at mula ulo hanggang paa niya tinignan na para bang dismayado siya.

"I--"but he cut my words.

"You are here just because you're  Casler's mother and nothing more than that" Parang binuhusan ako ng malamig na tubig at nawala ang pagkahilo ko dahil sa mga sinabi niya.

"You are here just because you're Casler's mother and nothing more than that" para bang nag echo ang mga sinabi niya sa akin. Masakit. Iyan ang nararamdaman ko ngayon at wala ng iba pa. Napayuko ako dahil ramdam ko ang pamumuo ng tubig sa aking mga mata at payukong tinungo ang pintuan kung saan siya naroon. Dumaan ako sa likod niya para makapasok pero hinatak niya ang braso ko para mapaatras ako. "I'm talking to you. " Matigas niyang pahayag.

Nasa gilid niya ako at sa ibang direksyon ang mga mata ko "Yes now I know my l-limit so please let me go. " pumatak ang butil ng luha ko pero alam kong hindi niya iyon nakita. Naramdaman ko ang pagluwag ng paghawak niya at kinuha ko na ang pagkakataong iyon para bawiin ang kamay ko sa kaniya. At ng makapasok ako ay hindi ko na napigilan ang emosyon ko na kanina pa ibig lumabas. Pumatak ang madaming luha dala ng mga sinabi niya sa akin.

"You changed. You're no longer my Tyler anymore. " Ngumiti ako ng mapait at nagtungo sa kama. Tsaka lumuha ng lumuha.

-Monicszxc.

Wrong Time, Right Person.Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum