Never Been #15

26 0 0
                                    

Mag iisang oras na ata ako naghihintay dito sa sala. Nasa taas kasi si Eirel at Ariys. Mga babae nga naman napakatagal pumili ng damit ng susuotin, bakit kaya sila ganon? Hindi ba nila alam na kahit anong suotin nila or let's say kahit anong panget ng suot nila. Maganda pa din naman sila paningin ng mga taong nagmamahal sa kanila. Hayys! Girls are girls sabi nga nila. 


Naiinip na ako kaya pumunta na muna ako sa kwarto ko. Humiga muna ako sa kama at napatitig sa kisame. Naalala ko nanaman yung itsura ni Ariys habang umiiyak at naiinis ako makita siya ganon. Nakakainggit ka Jack dahil yung una babae pinapangarap ko maging akin hanggang ngayon iniiyakan ka pa din. Bwiset. Sinubukan ko burahin sa utak ko ang mga naalala ko. 


Bumangon ako at umupo sa kama. Kinuha ko yung laptop ko ang tiningnan ulit ang facebook ni Ariys. Inistalk ko yun at tiningnan ulit yung mga pictures nila habang magkasama. Nakakainis man aminin pero kung sino yung taong kaya ka pasayahin ay yun din ang tao kaya ka paiyakin. Bullshit right? Napapaisip tuloy ako kung ano yung mga bagay na nagawa ni Jack para kay Ariys para mahalin siya nito ng sobra. 


At hindi ko din maiwasan isipin kung mapapantayan ko ba yun para magustuhan nya din ako? O mahihigitan ko ba yun para makalimutan nya si Jack. Kaya ko ba punan yung iniwan space ni Jack sa puso ni Ariys? Pero teka nga lang bakit ganito na ako mag isip? Hindi ba't gusto ko lang naman si Ariys? Pero the way na mag isip ako para higit na dun ang nararamdaman ko? Fck! 


Mahal ko na ba si Ariys? Bigla ko sinarado ang laptop ko dahil nagulat ako sa iniisip ko. Napahawak ako sa dibdib ko at ang bilis ng tibok nito. Tumayo ako at paikot ikot naglakad sa kwarto ko. Paano nangyare nararamdaman ko na 'to. Naiinis ako. Naiinis ako ito na nga ba talaga yung pakiramdam ng nagmamahal. 


Nagulat ako nung may kumatok sa kwarto ko. At para ako aatikihin. 


"Pasok" Sigaw ko. Pagbukas ng pinto nakita ko agad si Eirel habang naka suot ng black gown at ngayon ko lang narealized na maganda pala 'to kapatid ko. 


"Kuya bagay ba?" Nag thumbs up ako at kita kita ko sa mata nya na ang saya nya sa napili nya damit. Nakatingin lang ako sa kapatid ko nung mapansin ko may isang tao pa papasok ng kwarto ko. 


Si Ariys na nakasuot ng yellow dress. At sa mga oras na 'to naramdaman ko para may prinsesa pumasok ng kwarto ko. 


"Enzo?" Naalimpungatan ako nung tawagin nya ako. Nakatulala pala ako sa kanya. 


"Ay sorry may iniisip lang" Pagpapalusot ko. 


"Okay lang." Tapos nginitian nya ako. At ito nanaman yug pakiramdam na may nagtatambol sa puso ko. "Ito si Eirel kasi pinasuot sakin 'to eh" Sabi niya habang nakatingin sa dress na suot nya. Para gusto ko yakapin si Eirel dahil nagmukha prinsesa si Ariys sa harap ko dahil sa kanya. Ililibre ko nga 'to kapatid ko. 


"I told you its bagay!" Eirel said. 


At ayan ngumiti nanaman si Ariys. Lord magsisimba na ako araw araw basta araw araw ko din makita ngumiti si Ariys. 


"Salamat" She said. 


"Sige na kuya magbibihis na kami ang init eh. Pinakita ko lang sayo yung gown na napili ni ate Ariys." Sabi niya habang umiikot pa. Tapos tumingin muna siya kay Ariys "By the way ate its yours na. It really fits to you"


"Wa-"


"I insist" Eirel said then she wink at her. Wala ng nagawa si Ariys at nag nod na lang. Lumabas na sila ng kwarto ko. Nung magsasara na yung pinto ko bigla sumilip muna si Eirel. 


"Kuya i like her. Please marry her" 


0_0


Nagulat ako sa sinabi ng kapatid ko. At wala nanaman ako nagawa dahil bumilis nanaman ang pintig ng puso ko.  


Never BeenWhere stories live. Discover now