Never Been #8

42 0 1
                                    

Tulala ako umalis ng bahay nila Ariys. Lintek na Kylie ano ba sinasabi nya?! Ano it has always been me?! Nasisiraan na ba siya? Bago pa man maging sila ni Josh alam nya na matalik kami magkaibigan. At wala ako balak sirain ang pagkakaibigan namin. Lalo na kung dahil lang sa kanya.

Naalala ko si Josh. Buti na lang at wala na ata siya dun nung ugh! Nagtapat si Kylie ata ng feelings nya. Dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Nandito na ako sa bahay at kasalukuyan nakatingin sa kisame. Bakit para hindi ako natuwa sa araw na 'to? Para hindi man lang ata ako nakangiti.

"Hayy Enzo hindi ka naman talaga marunong ngumiti eh."

Kinuha ko na lang ang cellphone ko at binuksan ang facebook ko. Grabe wala man lang notification? Sabagay paano magkakaroon eh hindi naman nila alam na ako ang gumagamit nito.

Naruto Palaban ba naman ang pangalan ko tapos si Goku ang profile picture ko. Oh diba? Para tanga lang. Ewan ko ba kung ano din pumasok sa utak ko at ganito ang ginawa ko sa facebook ko.

Sa sobrang pagkabored ko, hindi ko alam pero sinearch ko bigla ang facebook ni Ariys.

Ariys Bianca Peters. Buti na lang natandaan ko yung full name nya. Nung nag seatwork kasi last time ako ang nag check ang ng papel nya.

'Gotcha!' Sabi ko sa utak ko. Ayan oh hindi na ako nahirapan hanapin. I checked her profile. Puro candid shots ang nakikita ko.

All i can say is ang ganda nya talaga. Para siya diwata. Teka nga! Ano ba sinasabi ko?! Nag scroll pa ako pababa. At nahinto ako sa isang picture. Mukha sobrang saya nya habang kumakain ng ice cream. Kasama ang isang lalaki...

"So ikaw pala si Jack. Gwapo ka naman pala." Para ako tanga habang kinakausap ko ang facebook. Iiscroll ko na sana ulit pababa dahil para hindi na ako makahinga sa tinitingnan ko nung mapansin ko yung caption nya.

'I will fight for you..fight for us'

Ang swerte mo Jack. Mahal na mahal ka ni Ariys. I n-off and cellphone ko at nilapag na sa mesa sa tabi ko.

Bumangon ako at umupo. Napabuntong hininga ako. Hindi ko dapat nararamdaman 'to. Wala ako karapatan maramdaman 'to. Hindi ko na alam.

Pasensya na Ariys, pero putang*na ang sakit dito sa dibdib.

Never BeenWhere stories live. Discover now