Never Been #13

33 0 0
                                    

Kanina pa ako nakatayo sa likod ni Ariys. Kanina ko pa din pinapakinggan ang paghagulgol nya. Sa lahat ng iyak na narinig ko. Ito yung iyak na ramdam na ramdam ko yung sakit. At alam nyo yung mahirap? Wala ako magawa kung hindi ang pakinggan siya umiyak. Gusto gusto ko ng lumapit at hawakan siya sa balikat para itanong kung anong nangyari. Kung bakit siya umiiyak. 


Nung napagdesisyunan ko na sana lumapit sa kanya, nagulat ako nung bigla siya tumayo at humarap sakin. Halata din sa mukha nya na nagulat din siya nung nakita ako. Pinunasan nya yung mga mata nya. Naiinis ako dahil kita kita ko sa mga mata nya na may pinagdadaanan 'to. 


Pagkatapos nya punasan ang mga luha nya. Pinilit nya ngumiti. At mas nainis ako. 


"Kanina ka pa dyan?" Pagtatanong nya. 


"Oo" Diretso ko naman sagot. 


"Nakakahiya narinig mo pa ako umiyak" Tapos pinilit nanaman niya ngumiti. Bakit ba may mga tao pinipilit pa din ngumiti kahit deep inside durog na durog sila? 


"Bakit ka umiiyak?" Pagkatanong ko 'non. Hindi nya na ulit napigilan ang mga luha tumutulo sa mga mata nya. Bigla ako nakonsensya. Bakit ko pa ba tinanong?! Ayan tuloy umiiyak nanaman siya. Tumingin ako sa paligid namin. Wala gaano estudyante naman dahil nga may mga klase pa din. 


Tapos bigla ko naalala na may klase ako ngayon oras. Pero binura ko yun sa utak ko. Dahil mas importante kung nasaan ako ngayon. Dahil kailangan nya ako. 


Hanggang ngayon hindi nya nasagot ang tanong ko umiiyak pa din siya. Hindi ko na napigilan at lumapit na ako sa kanya para yakapin siya. At pagkayakap ko sa kanya mas umiyak siya. At mas naramdaman ko. 


Katulad nung una nangyare wala ako magawa. Ang tangi magagawa ko lang ay pakinggan siya. Ni payo hindi ko mabigay dahil hindi ko nga alam kung bakit siya umiiyak. Pero sa huli namin pag uusap si Jack ang problema nya. 


Bigla ako nakaramdam nang galit. Hindi kaya si Jack ang dahilan kung bakit siya umiiyak ngayon? Baka naalala nanaman niya? O hindi kaya may ginawa ang siraulo yun ulit para masaktan at umiyak naman si Ariys? 


Makalipas ang ilang minuto tumahan na si Ariys. At ngayon? Eto nakaupo kami sa harap ng field. Napakalayo ng tingin nya at para malalim ang iniisip. 


"Ariys" Tawag ko sa kanya.


"Bakit?" Tanong nya at tiningnan ako.


"Si Jack ba?" Imbes na sumagot siya ay nginitian nya lang ako ng mapait. Tapos huminga siya ng malalim at tumingin ulit sa malayo. 


So si Jack nga. 


"Kasi nasasaktan pa din ako. na dapat hindi na. At nakakainis dahil wala ako magawa kung hindi umiyak para mabawasan yung sakit at bigat dito" She said. Tapos tinuro nya pa yung puso nya. 


"Hanggang kelan ka masasaktan?" 


"Hangga't siguro mahal ko pa siya. " Diretso nya sagot na tumusok sa dibdib ko. "It is not easy for me to forget everything about us. He's my first. My first crush my first love and first heartbreak. He's also the first guy who made feel so special. He made me his princess. Though, he made me also his slave. Nakakatawa 'no? Pero kasi mahal ko eh." 


"Bakit?"


Napakibit balikat siya. 


"Anong bakit?"


"Bakit hinayaan mo ang sarili mo umabot sa ganyan?" She smile.


"Because when you really love the person? You'll give your whole heart. No but's or what ifs. No why's. Dahil ang nagmamahal hindi nagtatanong. Ang nagmamahal nagbibigay kung hanggang saan kaya nila ibigay" 


Wala ako nasagot sa sinabi nya at tiningnan lang siya. At mas lalo ako nakaramdam ng galit kay Jack. Dahil ang tanga at gago nya para pakawalan ang taong wala iba ginawa kung hindi mahalin at intindihin siya. 


At siraulo siya dahil sinayang nya ang isang tao kaya tanggapin ang buong pagkatao nya. 





Never BeenWhere stories live. Discover now