Never Been #4

48 1 0
                                    




Sa araw araw ng pagpasok ko ngayon lang ako humiling na sana mas tumagal pa ang takbo ng oras. Sino mag aakala magiging kaklase ko si Ariys sa isang subject ko. Pakiramdam ko nakikiaayon ang tadhana sakin. Ngayon pa lang nagpapasalamat na ako.

"Enzo?" Pagtawag nya sakin kaya nagising ako muli sa diwa ko.

"Ariys bakit?"

"Tinatanong ko kung ok lang ba na ikaw na lang kagrupo ko. Kasi wala pa-" Hindi pa siya tapos magsalita nang pinutol ko na yon agad.

"Oo sige" Sagot ko sa kanya. At nakita ko nanaman ang mga paborito ngiti ko mula sa kanya. Natapos ang klase at wala na din ako pasok. Dati lang atat na atat ako umuwi pero ngayon para ayoko pa umalis ng eskwelahan.

"Una na ako ah" Sabi niya habang inaayos ang gamit nya.

"A-ano hatid na kita" Mautal-utal ko tanong. Grabe ngayon lang ako nautal sa pakikipag usap ko sa babae. Ano ba meron dito kay Ariys at para nabago nya na ang buong sistema ko. Napansin ko nakatingin lang siya sakin at para ba nagtataka kaya bago pa man siya magsalita ulit ay inunahan ko na siya. "Kasi yung building ng classroom mo malapit sa parking" Pagpapalusot ko.

"Teka paano mo nalaman kung anong susunod ko na classroom?" Ay oo nga! Enzo mali ka nanaman. Paano ko ilulusot 'to. Hindi ko naman pwede sabihin sa kanya na may kopya ako ng schedule nya. Baka isipin nito stalker ako.

Pero hindi nga ba?

Syempre hindi 'no. Gusto ko lang naman malaman at wala masama dun diba? Aist! Ganon na din yun Enzo. Bahala na nga!

"Ano kasi- nakita ko kanina nung nahulog yung bag mo. Napa-tingin a-ako" Sana lumusot ako.

"Ah okey. Sige tara" Pagyaya nya. Nauna siya naglakad at ako nakangiti lang habang nakasunod sa kanya. Ngayon ko lang talaga naramdaman yung saya 'to.

Sabay na kami naglakad papunta sa GS building.

"Alam mo talaga pinag ipunan ko makapasok sa eskwelahan na 'to. Kaya nagtrabaho muna ako bago mag aral" Pagkwekwento nya.

"Kaya naging katrabaho mo si Ate Jaz?" Pagtatanong ko.

"Oo. Halos 2years ako nagtrabaho dun at ngayon nakaipon na ako at tapos na ang kontrata ko sa kompanya yun nagdecide na ako mag aral" Humanga ako sa kwento nya. Sino mag aakala may mga tao pa talaga pursigido magtapos? Meron kasi iba na kapag nagkatrabaho na wala na pakeelam kung makatapos pa sila. Dahil para sa kanila Ganon din naman.

Pagktapos mo mag aral trabaho din naman ang hahanapin mo.

"Nice. Bihira ka. Naiiba ka sa lahat" Ngiti ngiti ko sagot. Napatigil siya sa paglalakad at tiningnan ako.

"Huh?"

"A-ano wala. Sige alis na ako hinihintay na ako ni Josh sa parking. Ingat!" Pagpapaalam ko sa kanya at nagmadali na ako pumunta ng parking.

Enzo ano ba sinasabi mo?! Nakakahiya kay Ariys baka ano isipin non sayo. Ugh!

Maglalakad na sana ako papalapit sa kotse nang makita ko si Josh na nakaluhod. Tiningnan ko kung sino yung nasa harap nya at nakita ko si Kylie. Nako ano kaya nangyayari sa dalawa 'to.

Girlfriend ni Josh si Kylie. Actually first love nya kaya nung naging girlfriend nya yan sobrang pag iingat ang ginagawa nya para hindi lang mawala sa kanya.Kahit pag nag aaway sila at si Kylie ang may kasalanan siya pa din ang nag-sosorry ganyan nya yan kamahal.

Lumapit ako ng konti para marinig kung anong pinag uusapan nila at para maintindihan ko kung bakit siya nakaluhod.

"Kylie. Ipagawa mo na sakin lahat ng gusto mo. Pero wag lang 'to hindi ko kaya" Nakayuko sinasabi ni Josh at para bang naiiyak na siya. Tiningnan ko si Kylie at nakatingin lang siya sa gilid nya. Nako mukha-

"Josh Im sorry pero tapos na tayo and thats final" At tumakbo na si Kylie papasok na campus. Kaya nagtago na ako agad dahil baka makita nya ako. Sinasabi ko tama ang hula ko na sa break up magtatapos 'to.

Tiningnan ko ang kaibigan ko. At napansin ko umiiyak na siya habang nakayuko. Patay para alam ko na kung saan kami pupunta ngayon.

Never BeenWhere stories live. Discover now