Never Been #6

54 0 0
                                    

Isang linggo na ang lumipas nung huli kami magkita ni Josh. Pero hindi pa kami ulit nag uusap o nagkikita. Tinatanong na din siya sakin ng mga professors namin at ang lagi ko lang sinasagot ay 'May sakit po' Gusto gusto ko na siya puntahan sa kanila para sana kamustahin.


Pero sa tingin ko ayaw nya pa ng kausap dahil kung gusto nya? He'll make way. 


"Enzo!"Lumingon ako sa likod ko at nakita ko hingal na hingal si Ariys na hinahabol ako. Uwian ko na kasi at katulad ng dati balak ko ng umuwi agad ng bahay. "Kanina pa kita tinatawag. Hindi mo naman ako pinapansin" 


"Sorry may iniisip lang" 


"Pansin ko nga. Mukhang malalim ang iniisip mo ah?" She asked.


"Hindi naman. Teka may kailangan ka?" Pagtatanong ko. Ewan ko ba pagkatapos nang makita ko nung gabi yun? Naiilang na ako dito kay Ariys. Para ba gusto ko siya iwasan. Pero alam ko naman imposible dahi kaklase ko siya sa ibang minor subjects ko. 


"Pwede ka ba bukas?" Nagulat ako sa tanong nya. Kaya hindi ako agad nakasagot bakit ba para nawawala ang dila ko ngayon? "Huy Enzo okey ka lang ba?" 


"A-ano o-oo." Okey naman talaga ako. Ewan ko ba pag kaharap ko 'to si Ariys natatameme ako. "Ano meron bukas?"


"Birthday ko, Invited kayo ni Josh" Nakangiti nya sagot. Birthday nya pala bukas pupunta ba ako? Ang alam ko wala naman ako gagawin bukas. Sasagot na sana ako nang biglang mag ring ang cellphone nya. "A-"


"Ay wait Enzo" Tumalikod muna siya at sinagot ang tawag. Magkalapit lang kami kaya hindi ko maiwasan hindi marinig ang sinasabi nya. "Okay lang. Magcocommute na lang ako. Wag ka mag alala. Oo mag iingat ako babye" Hindi agad siya muna humarap sakin. 


"Ariys" Tinago nya muna ang cellphone nya bago humarap sa akin ulit. 


"Basta Enzo bukas punta kayo ni Josh. Si Ate Jaz kasi hindi daw makakapunta may trabaho daw siya" Nakangiti nya sagot pero para may iba ngayon. Hindi katulad ng ngiti nya kanina. 


"Are you fine?" Tanong ko agad. 


"O-"


"Stop. You're not fine bakit?" I straightly asked. Kitang kita naman sa mga mata nya na hindi siya okey pagkatapos nung may tumawag sa kanya kanina. 


"Si Jack kasi." 


"Who's Jack?"  Bakit pa ba ako nagtanong eh parang alam ko naman na ang sagot. 


"Boyfriend ko" Two words. Pero naramdaman ko nanaman ulit yung paninikip ng dibdib ko. Tingin ko talaga kailangan ko ng mag pa check-up hindi na tama 'to. 


"Okey" That is all i can manage to say. Para naubusan ako ng sasabihin bigla. This is not me. This is not Enzo Lopez. 


"Hindi nanaman nya kasi ako masusundo ngayon." Tumango lang ako at hinintay pa ang sasabihin nya pa "Ilan araw na kami hindi nagkikita" 


"May communication naman kayo diba?"


"Oo at yun naman ang hindi nawawala samin eh" 


"Isn't it enough?"Natawa siya sa sinabi ko. Teka may nakakatawa ba? Napakunot na lang ako ng noo. "Bakit?"


"Enzo naman para hindi ka nagka girlfriend. Syempre hindi sapat yun mas okey pa din madalas kayo magkita." Oo nagka girlfriend na ako. Pero wala naman ako sineryoso dun tsaka lahat ng naging karelasyon ko kontento naman na sa text lang kahit isang beses lang kami magkita at walang pa isang oras. 


"As long as alam mo mahal ka. I think thats enough" Tama naman diba? Dahil ang nagpapaktakbo lang naman ng relasyon ay yung pagmamahal nyo sa isat isa diba? 


Nakatitig lang siya sakin at para ba pinag aaralan nya ako. May mali nanaman ba sa sinabi ko? 


"Enzo nagka girlfriend ka na ba talaga?" Tumango ako. "Yung seryoso?" Napaiwas naman ako ng tingin. "I knew it. Nagka girlfriend ka na pero not a serious one kaya pala ganyan ang mga sagot mo sakin" 


"Ganon din naman yun" Umiling siya sagot ko at lumapit sakin. Hinawakan nya parehas yung balikat ko at tumingin sa mga mata ko at natigilan ako. 


"Enzo when you really love someone. Gugustuhin mo na bawat minuto makasama mo siya. Ganon ang isang relasyon. Not just only emotionally attached, dapat nakikita din ng mga mata mo" Then she smiled. 


Damn Ariys! Ano ba! Bakit naapektuhan ako sa mga simple kilos mo. Sa tingin mo pa lang ngayon para huminto na ang ikot ng mundo ko. 




Never BeenWhere stories live. Discover now