Never Been #10

30 0 0
                                    

Siguro mag iisang oras nang umiiyak 'to si Ariys. Hindi ko lang siya masabihan tumigil na dahil sa tingin ko ito talaga ang kailangan nya ngayon. Ang umiyak. Gusto gusto ko siya yakapin ulit ngayon para sa balikat ko na lang siya umiyak. Pero sino ba naman ako para gawin yun? 


Maya maya tumingin siya sakin habang nagpupunas ng luha. 


"Enzo pasensya ka na ah." Sabi nya sakin. Pulang pula na ang mga mata nya at ilong habang nakikipag usap sakin. Nakakapanghina lang talaga makakita ng babae umiiyak. 


"Okey lang. Tapos ka na ba umiyak?" Ngumiti siya ng pilit at umiwas ng tingin. 


"Para hindi naman ako matatapos umiyak." Sabi nya habang nakatingin ng diretso sa harapan nya. At unti unti nanaman tumulo ang luha sa mga mata nya. "Kasi hindi din ata matatapos yung sakit dito oh" Sabay turo sa puso nya. 


"Ariys okey lang ba na magdemand ako magkwento ka?" Sabi ko sa kanya. Napatingin siya sakin at ngumiti. Bakit ba ngiti pa din ng ngiti 'to kahit na nasasaktan na siya?


"Oo naman." Tumango ako at huminga muna siya nang napakalalim. "3years na naging kami Jack. Pero sa loob ng tatlo taon yon? Hindi lagi masaya kami. At sa loob din ng tatlo taon yon hindi lang din ako babae minahal nya" Damang dama ko ang lungkot  sa kwento nya. Gago pala 'to si Jack. 


What the hell. Ayan nalang nasabi ko sa utak ko. 


"Hindi lang isa o dalawa o tatlo ang naging babae nya sa loob ng relasyon namin. Lampas na nga ata sa bilang ng kamay ko eh. Pero kahit ganon nag bulag bulagan ako. Kasi mahal ko siya at ayaw ko siya mawala sakin. Actually sinabi nya naman na noon maghiwalay na kami dahil hindi na tama ang nangyayare samin dalawa. Pero tang*na mahal ko kasi" Sabi niya at tuluyan na ulit siya umiyak. And for the first time. Narinig ko siya magmura.


"I fought for him for three damn years. I did everything for him. Pero ayaw nya na talaga. Sumuko na siya at iniwan na ako. He said he is not the one for me, that im too perfect for him and he doesn't deserve me. And you know how painful it is? Para ako sinasaksak. Ang sakit sakit" She said while crying. 


Siraulo lalaki yun. Hindi nya deserve ang babae ito. Pero mas hindi deserve ni Ariys ang masaktan ng ganito. Paano nya nagawa saktan ang babae walang ginawa kundi ngumiti at pasayahin ang mga tao sa paligid nya? Para gusto ko siya sapakin at saktan ng todo todo ngayon para maramdaman nya ang masaktan. 


"Ariys" Yan na lang nasabi ko sa kanya. 


"I know Enzo kasalanan ko din naman eh. Pero dahil mahal na mahal ko siya nagpakatanga ako." Hindi ko na siya kaya makita umiyak kaya tumayo na ako at niyakap siya. 


"Ariys hindi lang ikaw ang nagpakatanga sa pagmamahal. Marami pa dyan." Naramdaman ko ang paghikbi sa pag iyak nya. "Dahil kahit din ako ngayon ay nasa sitwasyon na nang pagpapakatanga." 


At oo Ariys gusto na kita. At alam ko isang malaki katangahan ang hayaan kita ngayon umiiyak sa harapan ko. Matagal ko na 'to nararamdaman simula pa lang nung araw na makita kita. Pero hindi ko yon naamin agad sa sarili ko.  


Ngayon pa lang nung makita kita nasasaktan at yung pakiramdam na mas nasasaktan pa ako para sayo. 


Never BeenNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ