Never Been #2

40 0 0
                                    


"Napakatagal naman nya Ate mo" Pagrereklamo ko dito sa labas ng mall. Nagpasundo kasi ang ate nito si Josh, Nagkataon magkasama kami dalawa kaya eto parehas kami naghihintay ng higit isang oras na dito sa labas. 


"Calm down enzo"


"Calm down mo mukha mo! I texted you para makapag relax hindi para samahan ka maghintay. Damn it!" Napakamot na lang siya ng ulo. At ako? Wala ako magawa kundi maghintay. Kaya nagdecide muna ako na pumasok ng kotse. 


Kung gago lang ako kaibigan malamang wala pa isang minuto iniwan ko na si Josh dito. Waiting game is not my thing. Take note. 


After one hour nakita ko na papalapit na samin ang ate ni Josh. Si Ate Jaz. Kumaway siya sakin at tumango lang ako. Binusinahan ko na sila para pumasok na ng kotse. Napansin ko napakamot na lang ng ulo si Josh, lumapit siya sakin at para kinakabahan


"Oh saan nanaman pupunta yun?!" Irita ko tanong. Goddamn it don't tell me may nakalimutan siya bilhin pa?!


"Babalikan nya lang daw yung kasama nya" Sagot nito habang nakayuko. Magsasalita pa lang ako nang unahan nya na ako agad "Pero mabilis na lang daw sila seryoso na" 


"Siguraduhin mo dahil pag lumampas ng sampung minuto. Iiwanan ko na kayo magkapatid dito" 


"Promise pinky swear" Sabi nito at napailing na lang ako. Bakit ba hinayaan ko magkaroon ako ng ganito kaibigan. 


Nilagay muna ni Josh ang mga pinamili ng ate nya sa likod ng kotse at sumakay na din siya sa shotgun seat. Nagpatugtog muna ako para mabawasan kahit papano ang inis ko. Pagkatapos ng limang minuto nakita ko na si Ate Jaz na pabalik na. 


Napatingin ako sa babae kasunod nya sa likod. Para tumigil ang mundo ko. Wala ako masabi kundi ang ganda nya. 


Nakasunod lang ang mata ko sa kanya habang papalapit sila sa kotse. At hindi ko alam paano magrereact. May iba sa babae 'to. Kung ano man yun ay hindi ko alam. Basta ang alam ko lang gusto ko malaman ang pangalan nya. 


"Boys sorry talaga kung natagalan kami ah." Sabi ni Ate Jaz pero hindi pa din nawawala ang tingin ko sa babae kasama nya. 


"Ewan ko sayo ate bakit kasi hindi na lang kayo nag taxi?" 


"Eh kasi naubos nga namin sa pamimili. By the way si Ariys kaibigan ko kasama ko sa trabaho" Pagpapakilala nya samin. 


So her name is Ariys. Napangiti ako bigla. 


"Im Josh and-" Bago pa man nya matapos ang sasabihin nya inunahan ko na siya. 


"Enzo" At bumaba pa ako ng kotse para makipag shake hands. "Nice to meet you Ariys" Ngumiti siya sakin at nakipag shake hands din. 


"Nice to meet you too Enzo" 



Never BeenWhere stories live. Discover now