Never Been #14

34 0 0
                                    

Katulad nng inaasahan parehas kami ni Ariys na hindi nakapasok sa huling subject namin. Pero matapos lahat ng klase napagdesisyunan namin umalis na din ng school. Nag insist na din ako ihatid siya sa kanila. 


"Enzo" Tawag nya sakin habang nagdridrive ako. Hindi ako sumagot at hinintay lang kasunod na sasabihin nya. "Ayoko pa umuwi" She said. Kaya napahinto ako sa pagdridrive. 


"Huh?"


"Sabi ko ayoko pa umuwi. Pwede ba pumunta muna tayo kahit saan?" Napakunot ang noo ko. 


"Bakit?"


"Ayoko lang. Kasi i know for sure magmumukmok lang ako sa kwarto and the hell napapagod na ako sa ganon set up" Sabi niya habang nakatingin sa malayo. Well she has a point. Kaya nag isip agad ako ng pwede namin puntahan. 


Iniisip ko mag mall kami pero napailing na lang ako. Dahil ayoko sa ganon lugar hindi ako nag eenjoy. Sa park? Oh goddamn it! its a big NO! ayoko madami lamok. Sa Carnival? Umiling ako. Ayoko mamaya magyaya pa 'to sumakay ng roller coaster. I love my life for petes sake! 


Nauubusan na ako ng ideya kung saan ko siya pwede dalhin. Hanggang sa bigla siya nagsalita. 


"Punta muna ako sa inyo" Nagulat ako sa suggestion nya. For real? 


"Bakit sa bahay?" I asked. Imbes na sagutin nya agad ang tanong ko, napakunot siya ng noo. 


"Alam mo kanina ko pa napapansin ang hilig mo magtanong ng bakit" Sagot nya. Nagdrive na ako ulit at katulad ng sinabi niya pupunta kami sa bahay. 


"Because everything has reason. Kaya we should always ask why gets?" I explain. Pagkasabi ko nun napansin ko ngumiti siya. 


"Yes tama ka. But you know sometimes mas okey na hindi na lang natin alam yung reason behind our questions para hindi tayo masampal ng katotohanan. For me its better to leave it hang para hindi tayo masaktan" Umiling ako. 


"Maybe your right. But for me its wrong. Because in life the reality needs to slap us para matauhan tayo. Para makamove forward tayo." Napatingin siya sakin at nginitian ko lang din siya. "In short Acceptance" 


At parehas kami natawa. Nakakatuwa na nakakapag usap na kami ng mga ganito bagay. And again i saw her smile. 


Isang oras din ang nakalipas nung makarating kami dito sa bahay. Bumaba na kami ng kotse at pumasok sa loob. At bungad na bungad sa pagpasok namin si Eirel na umiiyak. Nagtinginan kami ni Ariys at lumapit agad sa kapatid ko. 


"Eirel" Tawag ko sa kapatid ko at napatingin naman agad siya sakin. 


"Kuya talo na ako sa pustahan" Tapos umiyak nanaman siya. Pustahan? 


"Huh?"


"Kuya naman! Yung sa JS Prom. Remember?" Ay oo nga pala. Naalala ko na ito yung inuungot nya sakin nung isang araw. And what?! Iniiyakan nya yon?! Just because of that?! Para siya bata nagtatrums dito. 


Magsasalita na sana ako nang bigla unahan ako ni Ariys. 


"Wow JS Prom." Napatingin si Eirel sa kanya."May damit ka na ba?" Pagtatanong nya. 


"Wala pa nga" Tapos umiiyak nanaman ito siraulo ko kapatid. 


"Ganon ba. Hmm i'll help you" Napatayo si Eirel at niyakap si Ariys at tuwang tuwa siya. Napatangin ako kay Ariys at nakangiti din ito. 


"Yey! Finally! May tutulong na din sakin" Sabi ng kapatid ko. 


And again, nakita ko nanaman siya ngumiti. 

Never BeenWhere stories live. Discover now