Never Been #9

26 0 0
                                    

Limang araw ang nakalipas mula nung birthday ni Ariys. Pero  hindi pa din kami nagkikita, Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili ko na wag mag alala. Napapaisip na tuloy ako kung pumunta kaya ako sa kanila? Pero wag na lang baka ano pa isipin ng pamilya nya sakin.


"Pare para hindi ka naman nakikinig" Sabi sakin ni Zeiah. Kasama ko sa team ng basketball sa school. Napagdesiyunan ko kasi yayain sila maglaro dahil wala kami pasok ngayon dahil sa meeting ng mga staff. Ewan ko ba pero pinatawag kasi sila ni Dad. Urgent ata. Tiningnan ko sila at sa tingin ko kanina pa nga nila yata ako kinakausap. 


"Baka may iniisip na malalim yan" Sabi naman nito si Oreo. 


"School works lang" Sagot ko sa kanila. 


"Pare tayo pa ba ang maglolokohan?" Sabi naman ni Gabby. 


"Tigilan nyo nga ako. Teka nga nasaan na daw ba si Josh?" Pagtatanong ko sa kanila. Isa din yon eh hindi pa din kami ulit nagkikita. Nag aalala din tuloy. Alam ko naman nasaktan siya sa paghihiwalay nila ni Kylie. At oo sige kailangan nya siguro ng space pero paano naman kami mga kaibigan nya? Nagwoworry din kami. 


Lalo na ilan na nga lang ang kaibigan ko eh. Bilang lang ata sa kamay. 


"Hindi nagrereply eh. Baka hindi siya pwede ngayon" Sabi ni Zeiah habang nakatingin sa cellphone nya. 


"Baka nga." Sagot ko sa kanila. 


"Ayun naman pala hayaan na natin maglaro na tayo" Pagyaya ni Gabby. Sabagay may punto din siya. Baka mamaya abutin pa kami ng gabi may pasok pa naman din ako bukas.  Tumayo na kami sa inuupuan namin at kinuha na ni Oreo ang bola. 


2 on 2 ang lang laro namin. At hindi naman sa pagmamayabang mas nakakapuntos na kami Oreo. Well ganon talaga. Im Enzo Lopez. 


Habang naglalaro kami napansin ko yung babae sa may kalsada at para may hinahabol na sasakyan. Napatigil tuloy ako sa paglalaro at tiningnan na lang yun babae. Ano kaya pumasok sa utak nun? At bakit nya hinahabol yung kotse?


Maya maya nakaramdam ako ng matigas na tumama sa ulo ko. Punyeta masakit. Nakalimutan ko naglalaro nga pala kami ng basketball. 


"Pare!" Sigaw ni Gabby. Dahil napaupo ako sa lakas ng impact nung bola. 


Isa isa na sila lumapit sakin at inalalayan ako patayo. 


"Huy Enzo ano bang nangyayare sayo?" Tanong ni Oreo habang nakapamaywang sa harap ko. Halata ko ang inis sa mukha nito. Chura nya. 


"Pasensya na. May nakita lang ako" Sabi ko. Tumango na lang sila at tinuloy na namin ulit ang laro. 


Pagkatapos namin maglaro kanina nagdesisyon ako pumunta ng park para magpahinga at magpalipas oras. Habang naglalakad ako napansin ko may babae umiiyak sa daan. Napatingin ako dun at hindi ako nagkakamali kung sino 'to.


"Ariys" Napaangat siya ng tingin at nagmadali ako lapitan siya. "Bakit ka umiiyak?!" 


Imbes na sagutin nya ako ay niyakap nya ako ng mahigpit. Kaya wala na ako nagawa kundi yakapin din siya pabalik. Mukha kami tanga dito sa sidewalk pero wala ako pakeelam dahil si Ariys 'to. Kailangan nya ako. 


Maya maya kumalas na siya sa yakap at tiningnan ako. Kitang kita sa mata nya ang lungkot at pamamaga ng mga ito. Mukha kanina pa siya umiiyak. 


"Panget ba ako?" Tanong nya na ikinagulat ko. Seryoso ba siya sa tanong nya?! Eh sa lahat ng babae nakilala ko siya na ata ang pinakamaganda. Pero kahit ganon sumagot pa din ako. 


"Hindi. Bakit mo natanong yan?" 


Tumango siya bago sumagot. "Iniwan nya na ako. Pinagpalit nya na *sobs* ako sa iba. Ang sakit sakit. *Sobs* mahal na mahal ko siya." Habang sinasabi nya yun damang dama ko ang paghihirap nya sabihin lahat yun saken. 


Gago lalaki yun. Bakit nagawa nya saktan ang babae nasa harapan ko? 





Never BeenWhere stories live. Discover now