Never Been #7

38 0 0
                                    

"Huy Josh! Birthday party 'to hindi bar" pag papaala ko dito sa kaibigan ko na kanina pa umiinom. Alam ko cocktail drinks lang ang meron dito. Pero kapag nasobrahan siya alam ko makakaramdam pa din siya ng hilo and for gods sake ayoko magkaroon ng akay akay palabas dito sa bahay nila Ariys.

Dahil nakakahiya. -_-

Mali ata pinilit ko pa siya pumunta dito eh. Pero ewan ko ba para kasi ang laki ng mawawala sa buhay ko kung hindi ako pupunta dito sa birthday ni Ariys.

And speaking of Ariys? Hindi ko pa siya nakikita ulit mula ng iwelcome nya kami kanina pagdating namin.

"Josh nakita mo ba si Ariys?" I asked.

"Pare magkasama tayo diba?" He whined. Kaya napailing na lang ako.

"Hanapin ko muna" pagpapaalam ko.

"Osige iwan mo na ako. Sanay naman na ako" Hindi na ako sumagot at iniwan ko na lang siya. Kanina pa siya ganyan. Para lagi siya may hugot sa lahat. Nakakairita!

Ganon siguro pag broken hearted ka 'no? Oh si Josh lang? Aish ewan!

Nag ikot-ikot na ako sa bahay nila Ariys. At nakakapagtaka lang na malaki naman pala ang bahay nila pero nagtrabaho pa siya para makapag aral at nalate pa siya mag enroll?

Bakit kaya? Oh Ariys ang dami dami ko pa hindi alam tungkol sayo, na gustong gusto ko na malaman.

What the hell Enzo?! Bakit para interesado interasado ka kay Ariys? Pati sarili ko hindi ko na maintindihan kung bakit ako ganito...pagdating kay Ariys.

Naikot ko na ata ang buong bahay nila pero wala pa din ako Ariys na nakikita. Nasaan na ba yun? Birthday party nya 'to pero wala naman siya.

Teka nga?! Bakit ba ako nag eeffort na hanapin yun? Ano ba kailangan ko sa kanya?

"Enzo ano ba" I said to myself. My gad! Pati sarili ko ngayon kinakausap ko na. Goddamn it! This is not right.

Naglakad na ako pabalik kay Josh. Dahil una sa lahat wala naman dahilan para hanapin ko si Ariys, and for sure safe naman yun.

Pagbalik ko sa table wala na si Josh. Fck it! Saan naman pupunta yun? And wow! Teka iniwan nya ako dito mag isa?! The fact na alam nya na wala naman ako kilala ni isa dito. Nakikita ko yung iba mga schoolmates namin dito, pero the hell hindi naman kami close at pangalawa wala ako balak iclose sila.

Sa inis ko kumuha na lang ako ng juice para mabawasan ang init ng ulo ko. Anong klase mga kaibigan ang meron ako? Bilang na nga lang sila sa kamay ganito pa?!

Im not a friendly person. I admit. But im not a snob. Hindi lang talaga ako basta nakikipag kaibigan.

And Josh? I dont even know how we became friends.

I was enjoying my juice when suddenly someone called my name. Kaya napalingon ako.

"Josh" Si Kylie.

"Ky." And yah Ky is her nickname.

"Bakit juice ang iniinom mo?" She asked.

"Bakit ano ba dapat?" Huminga muna siya ng malalim bago nya sinagot ang tanong ko.

"I know galit ka sakin-"

"Im not."

She bitterly smiled "Thanks for understanding me"

"Hep! Hindi ganon Kylie" Hindi siya nakasagot. Kung inaakala nito na hindi ako galit sa kanya dahil naiintindihan ko siya? No its not like that. "Hindi ako galit sayo dahil sinaktan mo ang kaibigan ko. Dahil wala naman ako karapatan magalit sayo, dahil hindi naman ako ang iniwan mo" i explained.

"Fine" And she nodded.

"He's my friend and sige icoconsider na din kita. Pero what happened to the both of you? Im out" I said.

"Gets ko Enzo."

I nodded. Hindi na ako sumagot at tinap na lang ang ulo nya. Siguro uuwi na lang ako dahil wala ng rason para mag stay pa ako dito.

Paalis na sana ako ng bigla siya sumigaw.

"Hindi mo man lang ba tatanungin kung bakit iniwan ko si Josh?" Nilingon ko siya. Gusto ko din naman malaman.

"Why?"

"Because of you. It has always been you"

Never BeenWhere stories live. Discover now