Chapter 36

1.4K 60 14
                                    

Chapter 36 : The End is Near

Sammie POV

What.The.Hell.

All this time, siya lang pala yun?! Kaya pala nakakapagtaka kung pano niya nalaman number ko. Kaya pala.

Natawa lang si Kian. Kabuset to. Tinrato ko siyang kaibigan tas ganito nalang gagawin niya?

"Sige, go! Patayin mo na ako. Para naman may kasama na kuya ko sa langit" sabi ni kian.

Nabitawan ni Louie yung kutsilyo. Sinuntok nalang niya si Kian. Dali dali siyang lumapit sa gawi ko at tinanggal ang pagkakatali sa kamay at paa ko.

Nang matanggal na ay napalingon ako sa likuran ko at nanlaki ang mata dahil hawak na ni Kian ang kutsilyo at papalapit sa gawi ni Louie.

"Louie!!!" Napapikit nalang ako. Minulat ko ang mata ko at nanlaki ang mata ko dahil nakikipag agawan sila ng kutsilyo. Omo, what to do?!

Wala kasi yung cp sakin. Dali dali akong tumakbo palabas at humingi ng saklolo.

Pagkalabas ko, nakita ko si Xia na walang malay. Hindi ko na muna siya pinansin at lumabas pa.

Palabas na sana ako nang makita ko si Cynthia na aatake sa akin. Mabuti nalang tinuruan ako ng self defense kaya nailagan ko.

"Sammie!" Nakita ko si Easton na bumangon sa pagkakahiga niya tsaka si Zeus na nakahawak sa leeg niya.

Papalapit na ako kay Easton nang may humatak sa buhok ko. Si Cynthia.

"Hoy babae! Akala mo makakalimutan kita?!" Sabi niya sabay hatak pa ng buhok ko. Sinipa ko siya patalikod kaya nabitawan niya ako at tinakbo si Easton.

Niayakap niya ako ng mahigpit.

"Easton! Si Louie at Kian! Tulungan mo siya" sabi ko. Dali dali kaming pumunta kung nasaan man sila.

Pagkarating namin dun, nakita namin silang nagsusuntukan. Dali dali naman umatake si Easton.

Geez, ano ba tong nangyayari?! Para akong nasa action star movie! Sana walang madisgrasya dito!

Nagulat nalang ako nang mabangga si Easton sa may parang bricks ba yun? Biglang gumuho yun.

"Omo!" Sabi ko. Nakatakbo si Easton. Pero nabagsakan sina Kian at Louie.

"Ugh!" Dumudugo ang ulo ni Kian. Dali daling nilapitan ni Easton si Kian at tinalian. Tinanggal ko yung mga nakapatong na bricks sa gawi ni Louie.

"Louie! Louie!" Wala siyang malay.

Maya maya, nakarinig kami ng tunog ng ambulansya.

May nagsipasukan na nurse. Nilagay nila sa stretcher si Kian at Louie. Kami naman ni Easton, sinamahan nalang palabas.

Pagkalabas namin, nakita namin si Ethan nakausap ang mga tao sa ambulansya. Nang makita niya kami ay nilapitan niya kami.

"Nauna na sa hospital si Third at Lyle. Sa ngayon, gamutin niyo na muna ang sugat niyo" sabi niya. Napatingin ako sa kamay kong may pasa. Mahigpit kasi ang pagkakatali sa akin kanina. Samantalang si Easton ay may pasa at may hiwa sa may parteng kilay niya.

***

Nang magamutan na kami ay pinuntahan namin yung kwarto ni Louie.

Pagkapasok namin ay nandun si Ethan at Third. Nilapitan namin ang natutulog na si Louie.

"May saksak siya sa tagiliran. Kaya siya nawalan ng malay agad" sabi ni Ethan.

"Nasaan si Lyle?" Tanong ni Easton.

𝗪𝗥𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗡𝗧Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon