Chapter 16

1.6K 70 17
                                    

Chapter 16 : Camping Starts

Sammie POV

"Haayst! Natapos din" sabi ko habang sinasarado yung zipper ng bag ko.

Nandyan na ang lahat ng kailangan ko. Walang labis, walang kulang.

"SAMMIEEEEEE!!!" napatalon ako sa gulat nang bigla nalang bumukas yung pintuan ng kwarto ko.

Si George pala. Mabuti nalang hindi niya naabutang nag iimpake ako.

"OMG Sammie! Magcacamping kami! Kasama namin ang school niyo tsaka yung...yung ano nga ba yun? BSU? OO! Yun yon! Excited na meee! Sayang ka sabi daw nila isang course lang ang magcacamping sa inyo ehh" sabi niya.

"Talaga? Sayang naman! Gusto kong makita yung mga kaklase ko dati" sabi ko na parang walang alam haha.

"Naku! Hindi pa ako nag iimpake! Sige Sammie uwi na ako. Sasabihin ko lang naman sayo to eh! Bye na" sabi niya at lumabas nng kwarto ko.

Baliw talaga tong si George kahit kailan.

***
"Tara na Sammie! Bagal neto oh!" Sigaw sa akin ni Louie.

Parang ang bilis ng oras at ngayon na ang camping. Lumapit na ako kay Louie at sumakay na kami sa mini van.

Umupo kami doon sa may pinakadulo dahil sa maluwag dun. Pwede kasi tatluhan sa dulo. Dun ko nilagay yung bag ko para wala ng umupo dun.

Pero syempre sa may bintana ako umupo. Minsan nalang ako makasakay dito at gusto kong tignan ang paligid ko.

"Hoy! Huwag kang maingay sa byahe. Matutulog pa ako" sabi sa akin ng katabi kong si Louie. Sumaludo nalang ako.

Naglagay siya ng headset at pumikit na. You may rest in peace hahaha.

"Kumpleto na ba?" Tanong ni Kian. Siya kasi yung driver ehh. Nag oo na ang lahat maliban kay louie kasi nga tulog na siya.

Pinaandar na niya yung sasakyan.

Madilim pa kaya hindi ko pa masyadong makita yung mga daan kaya natulog muna ako.

***

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa akin.

Teka, bat wala ng tao? Nasan na sila?

Nanlaki mata ko nang makita kong nakasandal na sa akin si louie. Tulog pa din to? Naunahan ko pang magising.

Inalog ko siya.

"OYYTT!!! Gising na po! Iniwan na nila tayo dito sa loob" sabi ko. Napamulat naman siya ng mata.

Tumayo na siya at dinala yung bag. Syempre pati din ako kinuha na din. Mahuli pa ako.

Unang bumaba si louie tapos sunod ako.

"HUWAW!" sigaw ko. Ang ganda dito!

Resort ba to? Sobrang ganda naman dito. Sinundan ko lang si louie hanggang sa makapasok kami.

Ang ganda ng loob! Para na siyang hotel. Ang sosyal dito ah!

Pumasok na kami sa elevator.

Pagkatapos nun, nakita ko na ang iba naming kasama. Nakapila sila. Nandun din si Kian. Kumaway siya sa akin kaya kinawayan ko rin.

Pumila na din ako.

"Meron ditong 15 rooms. Malalaki naman lahat ng rooms. Sa isang room, may anim na kama dun. Ibig sabihin, anim na tao sa isang kwarto. Hoy! Pati MU at BSU kasama natin ah! Yung CR naman, nasa second floor ang boys, nasa third floor ang girls. Tandaan niyo, fourth floor tong kwarto tapos yung CR sa baba. Gets?" Tumango naman kami.

𝗪𝗥𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗡𝗧Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon