Chapter 34

1.4K 53 8
                                    

Chapter 34 : Sorry

Louie POV

Tanga mo talaga Louie.

Binigay ko na kay Easton yung cp niya.

Akala ko ba aamin ka na? Bat ba naman kasi ang hirap!

Pero nasabi ko na naman sa kanya yun. Kaso di niya naintindihan sinabi ko. Aish! Ang hirap naman!

Nagulat ako nang magring cp ko kaya sinagot ko yun.

["Hey brother!"]

"Lilie? Bat napatawag ka?" Kahit papaano ay namiss ko tong babaeng to.

["Nasa Starbucks ako malapit sa paborito mong park"]

"Ano?! Nandito ka ba?" Bat nasa pilipinas yung batang yun?

["State the obvious brother. Dali punta ka na, bye!"] At nag end na ang call.

Nakita ko naman si easton na papalapit sakin.

"Sabi ng mga pulis, may nagbayad daw kaya nakalaya si cynthia. May problema ka ba?" Tanong niya.

"Samahan mo nga ako dyan. Malapit lang naman kaya lakarin na natin" sabi ko at dali dali kaming lumabas.

Nang makarating na kami, nakita ko na siya ng di kalayuan sa loob ng Starbucks. Nainom siya ng coffee.

Pumasok ako sa loob at agad naman niya akong napansin kaya lumapit kami sa kanya.

"Yow! Who you?" Sabi ni lilie sabay turo kay easton.

"Si easton yan" nang sinabi ko yan, agad nanlaki ang mata niya at dali daling nilapitan si easton at pinisa yung pisngi nito.

"Aww!"

"Ay? Hindi na mataba yung pisngi mo kuya eastyy!" Sabi niya at tinanggal na ang kamay niya.

"Dont call me in that name" inis na sabi ni easton.

"Bakit naman kuya easty? Ang cute kaya ng easty! Kuya eastyyy!!!" Sabi niya habang nakanganga. Parang ganito oh - *0*

"Hanggang ngayon, childish ka pa din. Tanda mo na oh. Hate childish girls" sabi ni easton. Natawa nalang ako.

"Wala kang dalang maleta?" Tanong ko sa kanya.

"May gamit pa naman ako sa bahay. Di naman ako magtatagal dito kasi may kailangan lang akong gawin" sabi niya at nagtaas baba pa ang kilay niya nang ikinakunot ng noo niyo.

"Sooo, tara na nga! Gusto kong makita si Sammie!" Bago pa siya makalabas ng Starbucks ay hinarangan ko siya.

"For your information, wala na si sammie sa tinitirhan niya" napanganga naman siya dun.

Dahil dun, inalog alog niya ako ng parang wala nang bukas.

"Nasaan si sammie? Anong nangyari sa kanya? Bat lumipat siya????" Hinawakan ko siya sa balikat para tumigil siya. Nahilo ako dun ah.

"Samin siya nakatira" sagot ni easton. Nagtaas naman ng kilay si lilie.

"Bakit naman? Teka teka teka, pano mo nakilala si sammie ha? Dont tell me, kayo na?" Tinakpan ko ng kamay ko yung bibig niya. Ang ingay naman ng babaeng to. Nakakaasar.

"Pfft! What a conclusion!" Sabi ni easton at tumawa.

"Anong nakakatawa? Masama na bang gumawa ng conclusion?"

"Lilie, kapatid ni Easton si Sammie" natigilan naman si lilie sa sinabi ko.

"Omo omo omo! Siya si sapphire the cutie girl?!!!" tumango nalang ako.

𝗪𝗥𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗡𝗧Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon