Chapter 8

1.8K 74 1
                                    

Chapter 8 : I will find Him

Sammie POV

Pagkatapos kong ilibre yung dalawa, umuwi na ako tutal wala na namang klase dahil sa may club kami.

Pagkauwi ko, syempre magtatrabaho na. Ganito palagi ang routine ko. Makikita ko nanaman yung cute kong suki tapos mamaya gagawa na ako ng assignment kung meron.

Pag natapos na ang lahat, syempre matutulog na. Pero bago matulog, nagmessage muna ako kay Louie n ex ko hindi yung isa.

To : Louie

Goodnight Louie <3

Nang masend ko na ay matutulog na ako.

Naaalala ko nanaman yung kanina. Hindi talaga ako makapaniwala na natalo ko si Julia. Speechless siya kanina eh haha.

Ipipikit ko na talaga yung mata ko nang magvibrate cellphone ko. Sino naman ang magtetext sa akin ng ganitong oras?

Tinignan ko nalang cellphone ko at nanlaki sobra ang mata ko nang makita kung sino.

Fr : Louie

Goodnight

"OMG! Nagreply siya? Nagreply nga siya! Oo nagreply na talaga siya waaahh!!" Sigaw ko at nagtatalon sa kama.

Louie POV

"Bakit ako nagreply?!!!" Panic ko. Nakalimutan ko pa man din kung paano magdelete ng text.

Bat kasi nakalimutan kong ibang louie nga pala yung tinetext niya?

Napasabunot ako ng buhok ko. Bahala na nga, makatulog nalang.

***
"Mr. Scott!!!" Napabangon ako ng di oras nang sinigawan ako ng prof namin.

"If you dont want to listen, go out now!" Tumayo na ako at kinuha yung bag ko para lumabas. Psh! Nakakatamad naman kasi yung lessons niya. Ang dali!

Habang naglalakad, nakita ko si Kian na nagbabasa ng libro. Tss akala naman niya matatalo niya ako eh ako ata ang mas genius sa kanya.

"Oyt! Huwag ka nang magbasa dyan. Kahit anong gawin mo, hindi mo pa rin ako matatalo" sabi ko.

"Shut up..." sabi niya pero nakatutok pa rin siya sa binabasa niya.

"Ano bang binabasa mo dyan?" Kukunin ko na sana yung libro nang tignan niya ako ng masama.

"Woah! Chill ka lang. Titignan ko lang naman kung ano binabasa mo" sabi ko.

"Please lang, kahit ngayon lang ay huwag ka munang manggulo. Importante tong binabasa ko" nagulat ako nang maging seryoso siya.

Isang Kian, nagbebeg? Wow fantastic baby! Hahaha

"Sige. Basta sabihin mo muna sa akin kung ano binabasa mo"

"Libro to ng pinakamagaling na estudyante dito sa Blue East-Hey!" Nang marinig ko yun, agad kong kinuha yung libro at hinanap kung nasaan ako.

"Hoy! Wala ka dyan" rinig kong sabi niya.

Wala nga ako. Pero may nakita akong kapangalan ako.

Louie Bryan Sanchez

Bigla nalang nahablot ni Kian yung libro.

"Sabi ko sayo wala ka dito. Matagal na tong librong to. Nandito nga ako eh kaso pangalawa lang ako" sabi niya sabay ngisi sa akin.

"Kung gusto mong basahin to, marami nito sa library. Hiramin mo nalang" dagdag niya.

Pumunta ako sa library.

𝗪𝗥𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗡𝗧Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon