Chapter 30

1.4K 65 5
                                    

Chapter 30 : Story

Sammie POV

D ako makapaniwala.

Hawak hawak ko na ang sagot sa katanungan ko.

Positive.

Pero bakit hindi to sinabi ni mama sakin?

Ang gulo.

Lutang ako sa klase ko gawa nito. Bat ba naman kasi kailangan pang ibigay sakin to ni easton ng ganitong oras.

Ayan tuloy, zero ako sa quiz kanina -.-

Break time na.

Ako kauna unahang lumabas. Kailangan kong kausapin si easton.

Pumunta ako sa building nila kung saan nadoon sila. Dito kasi pumupunta yung mga ELITE ehh.

Nakita ko si lyle na tumatakbo. AGad ko siyang nilapitan.

Nanlaki naman mata niya nag makita niya ako.

"Nasan si easton?" Tanong ko. Yung mukha niya, sobrang natetense. Natatae ba siya?

"Nasa ano...nasa clinic!" Sabi niya at bigla niya akong kinaladkad.

"Hoy! Hinay hinay lang! Nakakaladkad po ako" sabi ko. Bumagal naman ng konti kaya good.

Nang makarating na kami, nakita ko si easton na may hawak na yelo habang nilalagay niya sa pasa niya. Nagulat naman ako nang makita ko dun si kian?

Bat siya nandito?

"Anong nangyari?" Tanong ko.

Tumayo si kian at hinarap ako.

"T-totoo ba yun? K-kapatid mo siya?" Sabi niya at tinuro si easton. Pano niya nalaman yun?

Hindi ako sumagot pero binigay ko sa kanya yung papel kong dala dala kanina pa at binasa niya yun.

Nanlaki ang mata niya.

"H-hindi pwede..." mahina niyang sabi.

"Anong hindi pwede?" Tanong ko.

"I-imposible to..." sabi niya at binigay na niya sakin yung papel at lumabas ng clinic. Huh?

Nilingon ko naman si easton at nakita kong nakangisi siya.

"Ano ba talagang nangyari? Bat naging ganun si kian?" Tanong ko sa kanya. Tumayo siya at humarap sakin.

"Wag mo nang intindihin yun. Basta ang mahalaga, nakita na kita" nakangiti niyang sabi.

Bigla nalang bumukas yung pinto at nakita ko sina Ethan, Third at si Louie.

"Anong meron?" Tanong ni third.

"Napaaway lang ako. No need to worry" sagot ni easton.

"Hindi naman kami nag aalala. Sadyang dinala lang kami dito ni Ethan" sagot ni louie.

"Soooo, tara na sa canteen" sabi ni lyle at lumabas na kami.

Kian POV

Nakakainis.

Bakit niya naging kapatid si Sammie?!

Nagcutting classes ako para mapuntahan si Zeus. Naaalala niyo pa ba siya? Yung vice president sa blue east. Hindi kasi siya pumasok kanina.

Nang makarating ako sa bahay nila, nakita ko siyang sumusuntok sa punching bag. Nang makita niya ako, tumigil siya at lumapit sakin.

"Uy! Long time no talk hahaha-aray!" Nabatukan ko siya.

𝗪𝗥𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗡𝗧Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon